Chapter 25

20 2 0
                                    

Chapter 25

"Sure ka ba na dito talaga tayo kakain?" hindi makapaniwalang tanong ni Shiela sakin, habang nililibot ang mata niya sa loob

Ok lang naman na dito kami kumain e. Hindi rin naman ako yung mag babayad nuh. bahala na si Chanyeol dun HAHAHA

"Basta. mag tiwala ka lang sakin" nakangising sabi ko sa kanya. "Pero mamaya ka na umorder diyan! may hinihintay pa tayo" naka ngising sabi ko sa kanya habang nakatingin sa pinto.

Maganda naman at mabait si Shiela, Siguro naman, mabilis siyang magugustuhan ni Chanyeol diba?

"May hinihintay pa tayo?! Sino naman? nagugutom na ko e" Nakasimangot na sabi nito sakin pero inirapan ko lang ulit siya. siya na nga ililibre, siya pa maarte?

"nandito na siya..." nakangiting sabi ko ng makita ko si Chanyeol sa pinto

agad siyang tumingin kung saan ako nakatingin at tumingin ulit sakin. "Bakit nandito si Chanyeol?" bulong niya. "Siya ba yung hinihintay natin?" kinakabahan na sabi nito. ngumiti ako sa kanya at tumango bilang sagot

"Dianna" agad akong napatingin kay Chanyeol ng umupo siya sa harap ko.

bumilis nanaman tibok ng puso ko ng dahil sa kanya. Ganun naman palagi e. tuwing nakikita ko siya o kasama ko siya, laging bumibilos tibok mg puso ko. Hindi rin naman ako tanga na hindi malaman na may gusto rin ako kay Chanyeol.

"Cha-Chanyeol..." nauutal na sabi ni Shiela ng tumabi sa kanya si Chanyeol. Hindi niya siguro inaasahan na sa tabi niya tatabi si Chanyeol

"Ah... Sino siya, Dianna?" Tanong niya sakin ng makita niya si Shiela. Hindi niya rin siguro nakita kanina si Shiela ng umupo siya sa tabi nito.

"Kaibigan ko." nakangiting banggit ko sa kanya "Shiela, Si Chanyeol. Chanyeol, si Shiella" pag papakilala ko sa kanila sa isa't isa

takang tumingin sakin si Chanyeol pero agad nalang akong tumingin kay Shiela na gulat sa ginawa ko. Ewan ko kung bakit siya nagulat, pinakilala ko lang naman siya kay Chanyeol.

"So umm... Ano..." Ghad. bakit hindi ko na alam kung anong sasabihin ko? bakit feeling ko ang awkward, i mean ang awkward pala talaga

"Have you eaten already?" Tanong ni Chanyeol sakin para mawala yung awkward situation namin

ngumiti lang ako sa kanya at tumingin na kay Shiela na halatang naa-awkwardan din. "Hindi ka pa kumakain shiela, diba?" agad siyang napatingin sakin at nanlaki ang mata

"Huh?"

"Hindi pa kumakain si Shiela. Order na tayo?" Ngiting-ngiting tanong ko kay Chanyeol. napansin ko agad na nag bago yung expression niya sa ginawa ko.

nag tawag ng waiter si Chanyeol at umorder agad. tinanong niya rin ako kung anong gusto ko pero ngumiti lang ulit ako sa kanya at umiling. Gusto kong malaman niya na iniiwasan ko talaga siya. Gusto kong magalit na din siya sakin

nagulat ako ng may nilagay din sakin yung waiter. pare-parehas lang kami ng pagkain.

Umalis na yung waiter at tapos narin ilagay yung mga inorder ni Chanyeol para samin pero wala parin kaming ginagawa. nakatingin lang sakin si Chanyeol habang nakatingin lang ako kay Shiela na nakatingin lang baba.

"Bakit hindi niyo pa ginagalaw yung pagkain?" pilit na tawang tanong ko sa kanila. ang awkward talaga... "Ikaw Shiela, akala ko ba gutom ka?" Kanina kasi gustong-gusto niya ng kumain pero ngayon na may pagkain na sa harap niya hindi ginagalaw?

uminom muna ako ng tubig at nag simula ng kumain. kung ayaw nila kumain, bahala sila. basta ako uubusin ko to.

Nag simula na rin kumain si Chanyeol pero hindi parin naalis yung tingin niya sakin.

Lalo lang akong naiilang sa ginagawa ni Chanyeol e. pwede bang kumain na lang siya at wag niya na kong tignan? nakaka-ilang kasi talaga

"Comfort Room lang ako" naiilang na sabi ko at agad na umalis dun.

Sana naman mag usap na sila nuh? binibigyan ko na sila ng time. sana naman pagbalik ko dun close na sila. OO, gusto ko, Close na agad sila

"Tumingin lang ako sa salamin for almost 15 minutes. matagal naman na  siguro yun diba?

Lumabas ako ng Comfort Room at nakangiting bumalik dun sa table namin. sabay silang tumingin sakin at walang nag sasalita ulit. naka tingin lang sila sakin. Bakit parang feeling ko may ginawa akong masama dahil sa tingin nila? parang kriminal naman kasi ako kung tignan nila ako e

"Mauna na ko, Dianna. May gagawin pa ako e. Bye na din Chanyeol" nakangiting sabi nito at iniwan na ko dito kasama si Chanyeol

Wala rin pala atang kwenta yung oag punta ko sa CR. mukhang hindi rin sila nag usap

"umm... nag usap ba kayo ni Shiela?" agad kong tanong kay Chanyeol ng tuluyan ng umalis si Shiela

sinamaan niya lang ako ng tingin pero ngumiti lang ako sa kanya. ito naman yung gusto ko e, yung magalit siya sakin

"Ang ganda ni Shiela nuh? tapos ang bait-bait niya---"

"Why are you doing this?" Agad nawala yung ngiti ko ng dahil sa tono ng pagsasalita niya. Galit talaga siya

"Why are you avoiding me?"

Hindi ko siya matignan dahil sa talim ng tingin niya sakin kaya sa baba na lang ako tumingin.

Bakit hindi na ko makapag salita ngayon? bakit hindi ko na lang sabihin sa kanya na ayakong mapakapit sa kanya? bakit parang ang hirap?

"Hoksi... neojoahanya?"

100 Days With MR. Arrogant (Semi-Hiatus) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon