"Hindi nga. Pero ito ang totoo... I want her..." Sabay turo sa akin ni Alonzo. "I want her to be part of the Tempest."

Nanlaki talaga ang mata ko. Pati si Yumi ay nanlaki ang mata.

"Joke time ba ngayon?" Sabi ko sa kanila.

Umiling lang si Alonzo. "Maloko ako, pero when it comes to this... I'm serious."

"Nabibigla ka lang yata." Yun lang ang nasabi ko. Ako? Magiging parte ng Tempest? Bakit?

"Nope. Actually, si Chance ang may sabi." Napatingin ako kay Chance. Tahimik lang siyang umiinom ng wine. Napatigil siya nang mapatingin kami sa kanya.

"Bakit kayo nakatinging lahat sa akin?"

"Really, Chance? You want her to be part of the Tempest?" Lumapit sa kinauupuan niya si Trevor. Hinipo nito 'yung noo at leeg niya. "May sakit ka ba?"

"Don't do that!" Iniiwas niya ang mukha niya kay Trevor.

"Ngayon ka lang yata may natipuhang boses ulit, Chance."

"Shut up, Jap."

Bigla silang tumingin lahat sa akin.

"B-bakit?"

"Ano ba, Haidee! Si Chance na mismo pala ang nagsabing sumali ka sa Tempest! Ano na say mo?" Sigaw sa akin ni Yumi.

"Uhmmm..." Tiningnan ko silang lahat. Lahat sila naghihintay ng sagot ko at nakatingin sa akin. Pwera kay Chance na nakatingin sa baso niya pero nakangisi.

"Anong 'uhmm...' ka d'yan?! Ano na, Haidee Lalaine! Tempest na 'yan! Matutupad na ang pangarap mo!" Hinawakan ako ni Yumi sa balikat at niyugyog.

"Chill there, babe. Let her think." Awat ni Alonzo sa kanya.

"S-salamat pero kasi..."

Nakatingin sila sa aking lahat pati si Chance, nag-angat na ng tingin sa akin. Huminga ako nang malalim dahil may parang hindi ako makahinga bigla.

"S-siguro... Hindi na muna. Pasensiya na."

"What? Bakit?! Sayang naman! Ano ba, Haidee!" Sigaw ni Yumi. Sobra akong naguluhan.

"C'mon. We'll give you time to think -"

"Kung ayaw, huwag nang pilitin, Jap." Napalingon ako sa nagsalita. Nilagok niya ang isang baso ng wine at lumingon sa gawi ko.

"Pero sayang naman ang boses mo, Haidee."

Napalingon ako kay Jap. Tumayo na siya at lumapit na rin siya sa amin nila Alonzo.

"I want to focus on my studies. And I don't think I can join your band. Tumatak na kayo sa tao na kayo lang, tapos sisingit pa ako?"

"Pwede naman! Magkakaroon ng bagong asset sa banda, kasi marunong kang mag-keyboards!"

"Tama si Alonzo, Haidee." Lumapit na rin sa amin si Trevor.

"Kasi naman, Haidee! Tanggapin mo na! Sige ka, magtatampo ako!" Nakikipilit na rin si Yumi.

Tiningnan ko lang sila. Huminga muna ulit ako nang malalim.

"Mahal ko ang musika. Pero mas mahal ko sila Mommy. Alam kong tututol sila rito. Kaya I'm so sorry, guys. Please, excuse me muna."

Tumalikod na ako at hindi na sila nilingon. Pumunta muna ako sa CR para huminga. Kaso hindi nawala ang bigat sa dibdib ko. Lalo akong hindi makahinga.

Tiningnan ako ang repleksyon ko sa salamin. Tama lang ang desisyon ko. Ayoko nang may mag-away pa dahil pinipilit ko na naman ang gusto ko.

Oo, gusto ko. Gustong-gusto ko. Pero mas pipiliin ko muna ang pamilya ko, kaysa ang ibang bagay.

Take Me To Your Heart [VERY SLOW UPDATE] Where stories live. Discover now