Chapter 57

1.8K 57 4
                                    

Kiefer's POV

It's been almost 2 weeks since I last saw Alyssa and that was the time when Mika came up.

"Ano, Kief? May balita na ba?" Tanong saakin ni Den.

Umiling ako at nagsimula na akong mag-break down. I spend most of my time to find where Alyssa is pero wala pa rin akong nakita.

"Shhhhhhh. Kief, it's okay. Hayaan muna natin sya, baka kailangan nya lang ng time para i-compose ang sarili nya." Sabi ni Den sa akin. Trying to make me calm.

"Hanggang kelan nya ba ako pagtataguan? Oh baka nga iniwan nya na ako eh. Di ko na alam ang gagawin ko, hanapin natin sya please." Nakikiusap kong sabi sa kanila.

"Kief, you've done so much. Look at yourself, you think magugustuhan ni Ly pag nakita ka nyang ganyan? Ang lalim lalim na ng mga mata mo, ang haba haba na ng buhok mo, hindi ka na kumakain. Alak na lang lagi ang iniinom mo, tingin mo matutuwa si Ly nyan sayo? Pano mo sya mahahanap kung unti unti mo din nang pinapatay yung sarili mo?" Ella asked me in a sad tone of voice.

"Sana nga Ella namatay na lang ako, atleast hindi kailangan masaktan ni Ly, hindi nya kailangang umalis at magtago, hindi nya kailangang masaktan. Tingin ko, ako naman talaga ang nagpapahirap sa buhay nya eh. Ako yung sakit na paulit-ulit pumapatay sa kanya." I said.

Ayokong sumuko pero mukhang wala na talaga eh, I did everything I can. Hinanap ko sya sa mga lugar na pwede nyang puntahan, sa mga lugar kung saan sya nakikita ng mga fans nya pero wala eh. Pati Batangas narating ko for her, para lang makita sya.

*Start of flashback*

"Tita, please ilabas nyo na si Ly kahit sandali lang. Gusto ko lang talaga syang makita at makausap." Umiiyak kong sabi kay Tita Lita.

"Kief, anak wala dito si Ly. Hindi din namin sya ma-contact, wala kaming maihaharap sayo." Sagot nya at halata sa boses nya na nag-aalala na din sya.

"Please, tita. Please." Sabi ko at lumuhod sa kanila ni Tito Ruel. Kung ito ang paraan para makita ko si Ly, gagawin ko.

"Iho, anak. Tumayo ka na dyan, pasensya ka na talaga pero wala dito si Ineng. Halika't pumasok, ano ba kasing nangyari?" -Tito Ruel

Pinapasok nila ako at kinuwento ko ang lahat sa kanila, nung una natatakot pa ako dahil baka masapak ako pero bahala na, ang gusto ko na lang nayon eh ang mahanap si Ly at makapagpaliwanag sa nangyari.

"Alam mo, Kief hindi basta basta umaalis yun si Ineng nang ganun, nasaktan sya kaya siguro kinailangan nyang huminga ta magpakalayo-layo muna." Sabi ni Tita.

"Alam ko po yun, tita. Ang tanga tanga ko na ginawa ko yun sa kanya, nasaktan ko na naman sya." Sagot ko at umiyak na naman ako sa harap nila.

Bakla na kung bakla pero si Alyssa ang pinaguusapan dito. I don't mind my tears falling kung si Alyssa naman ang dahilan.

"Hayaan mo, iho. Pag pumunta sya dito, ipapaka-usap ko yun dito sa Tita mo. Kailangan nyong marinig ang panig ng isa't isa. Sabi ko na nga ba't may dahilan ka noon kung bakit mo sya biglang iniwan eh." Sabi ni Tito Ruel.

"Sorry nga po pala dun tito. Nasaktan ko sya." Sagot ko at sabay yuko.

"Alam mo, hindi mo kailangang humingi ng pasensya. Ngayon na alam ko na, na ginawa mo yun para protektahan sya, mas naging panatag ako na sayo napunta ang nagiisang prinsesa ko." Sabi nya at ngumiti sakin.

*End of Flashback*

"Kief, kahit kami nawawalan na din ng pag-asa. This is the first time na nagawa nya 'to, yung tipong 2 linggo syang walang contact samin. Kiefer, sukong suko na kami pero kumakapit kami sayo, sa pagmamahal mo sa kanya. Kaya nandito pa din kami kahit mahirap, tiwala lang Kief, mahahanap natin sya." Sabi ni Den saakin habang tinatapik tapik ang balikat ko.

"Sana nga, Den. Sa lang, ubos na ubos na ako, pagod na pagod na ako." Sagot ko and everything turns into black.

"Nasaan ka na ba, Alyssa? Magpakita ka na please."

Hi guys! Whoaah! Another chapter done. :) Continue voting and reading, end is near to come :* comments are allowed.

Peace✌ and Love💙

Take Me BackWhere stories live. Discover now