Chapter 5

2.2K 43 0
                                    

Ngayon ang baby shower ni ate Fille kaya andito na kami sa venue.

The party goes well, nag-bigayan na sila ng gifts and messages. Ngayon, andito ako nakaupo ng biglang lumapit sakin si ate Fille..

"Ly,kamusta ka na?" Tanong niya.

"I'm okay naman ate Fil, why?" I answered while forming a smile.

"C'mon Ly, I know you're not okay." Sagot naman nya.

Gosh! Ganun ba ako kahalata? Pano ko ba to malulusutan?

"Ate Fil talaga, I'm okay lang talaga. Congrats nga pala sa 2nd baby mo, magkakaroon ka na ng baby Fille." Masayang bati ko sa kanya at niyakap sya.

Hindi ko ba alam kung bakit sobrang lakas ng pakiramdam ng mga kaibigan ko at alam nila agad na hindi ako okay.

"Ly, Den told me everything." Mahinang sabi nya pero di tumitingin sakin.

"Ate Fil.." sagot ko habang pinipigilan ang luha ko na tuloy tuloy na lang sa pag-agos.

"Ly, alam mo naman na hindi sagot ang alcohol sa mga problema mo diba? Ly, kung kailangan mo ng masasandalan nandito kami, hindi mo kailangan magrely sa alak. Di man namin maalis yung sakit pero baka kaya namin bawasan yan." She said while tapping my shoulder.

"Pano ba kasi kalimutan sya? Hindi ko na alam yung gagawin, kahit ako di ko na din makilala yung sarili ko." Yumuko ako dahil di ko na napigilan na bumagsak ang mga luha ko.

"Ly, ang pagmo-move on hindi talaga madali. Hindi yan parang ballpen na pag nawalan ng tinta, ganun mo na lang maitatapon. Sugat yan sa puso natin eh kailangan unti untiin ang paggamot, hindi yan nadadaan sa isang gabi ng pag-iyak, at lalong hindi nadadaan yan sa pagpapakalunod sa alak. Kailangan mong dahan dahanin, unti unti mo syang tanggalin sa sistema mo. Wag kang matakot umiyak, dahil yang mga luha na yan? Mauubos din yan. Yung sakit na yan? Mawawala din yan. Magugulat ka na lang, isang araw di ka na pala umiiyak katulad ngayon, di ka na nasasaktan tulad ngayon at hindi mo na din sya naaalala minu-minuto tulad ngayon. Ly, you just need to realize what you have and treasure it than to cry and ruin your life over and over again."

Hindi ko alam kung bakit o anong meron sa mga sinabi ni ate Fil at parang it enlightens me to everything that I have. Siguro kasi those words are words of wisdom, so it really touches my heart.

As a Psychology student, there's a big impact talaga when words of wisdom are thrown to us.

"Ate Fil, thank you. Thank you for not giving up, I really don't know what I'm going to do without all of you. I think tama ka eh, di talaga madali. Siguro ganun talaga, desisyon kong pasukin ang buhay pagibig eh. Pasensya na, katulad lang din naman ako ng iba dyan, nagmahal lang din naman ako."

Bigla ko na lang na-realize na nakangiti na pala ako.

"Basta Ly, always here for you ha? Kahit may tantrums si Ino basta you need me, i'll go with you. Just give me a call." She said before giving me a smirk.

It's getting late na din so we decided to go home na.

When I see Den, I immediately ran to her and hug her very tight and whispers, "Thank you, besh"

Den's POV

Nagulat ako ng bigla na lang kong niyakap ni Ly kaya't tumingin ako kay Fille at ngumiti lang ito sakin. I think alam ko na ang what happened.

"Ay besh, bakit di kami kasali dyan? Sya lang ba ang mahal mo?" Madramang sabi ni Ella.

We both open our arms and we hug each other. Ang tagal kong hinintay na mangyari ulit to. Sobrang namiss ko silang lahat lalo na si Ly, feeling ko ito na yung start ng pagbalik ni Ly sa dati, sana lang talaga.

We go home and while we're in the car, ang daldal ni Ly. Kung ano ano pinagsasabi at kung ano ano ang pinaplano nyang gawin together with us.

"Beshies, punta tayo sa Batanggas tapos sa Ilocos. Oh kaya naman travel tayo, out of the country ba." She said.

I can't help but smile co'z the real Alyssa Valdez is coming back.

"Besh naman, palibhasa ikaw mayaman ka kaya makakapunta ka kaagad. Isa isa lang naman muna" reklamo ni Ella.

"Ay, sige na nga. Bora muna tayo" She said.

Kitang kita sa mata ni Ly yung happiness.

Ano kayang sinabi ni Fille sa kanya? Pero sana nga magtuloy tuloy na to.

Sorry kung nahahabaan na kayo, feeling ko kase mas maganda pag detailed eh.
Reveal na nga natin kung ano yung nangyari kay manong at Aly.

Take Me BackWhere stories live. Discover now