Chapter 22

1.8K 41 3
                                    

Today is my flight going back to Manila. Actually, masyado pang maaga para pumunta ng airport.

Tuesday pa lang naman pero exactly 12:00 am dapat nandun na ako sa airport dahil na-move ang flight ko.

Instead na 3 o'clock in the afternoon, naging 3 o'clock ng madaling araw na.

"By, kain ka nang breakfast mo. Para may energy ka para mamaya." Sabi ni Mika.

Tumango lang ako dahil ayoko ng magkaroon pa ng madaming interactions between us.

"Aalis ka na mamaya. Ready ka na?" Tanong nya.

"Yes." Tipid na sagot ko.

After that small talk, wala ng nagsalita sa'ming dalawa.

Fastforward..

It was 6 o'clock already and I'm on my way na papuntang airport.

After 30 minutes, nakarating na din kami sa Airport. I was about to open the door nang bigla akong pigilan ni Mika.

"Kief." Sabi nya habang hawak ang kamay ko.

"What?" I asked.

"Ika-musta mo ako kilala Tita Mozzy dun ha. Mami-miss kita." Saad nya.

I decided to give us time to talk for a while.

"Sana habang wala ako dito makapag-isip ka para sa sarili mo. I want you to search for the real Mika Reyes you are before your anger cross over with you. Ye, we can still save our friendship, we can make each other happy again without taking back all what we have before." I said.

"Pero Kief, ayoko ng friendship. Gusto ko ikaw mismo, yung lalaking mahal ko at minahal ako. Mahirap ba yun ibalik?" Tanong nya at nararamdaman kong naiiyak na sya.

"Our story has ended. We ended it already with a period, can't you see Miks? Kinukulong ako ng pagmamahal mo which is nakakasakal na sakin. Hindi na ako masaya, hindi na ako malaya." I answered her.

"Kief, minahal lang naman kita sa paraang alam ko. Pero sya, minahal mo sa paraang nasasaktan ako. I'm sorry, but I am not a quiter. Kung yun lang yung paraan para makasama ka, I will still do the same. I don't care kung masaktan sya, basta gusto ko akin kalang!" She said at medyo tumaas ang boses nya.

"Then, wala nang kwenta tong pag-uusap nato. Kahit anong gawin mo, di mo mapapalitan si Alyssa sa buhay ko. Kahit ilayo mo ako sa kanya habang buhay, sya pa rin ang hahanap-hanapin ko. Kahit kailan hindi mo mapapantayan yung lugar ni Alyssa sa buhay ko!" Pagalit kong sabi.

"Ano bang meron kay Alyssa na wala ako?! Lahat na lang puro Alyssa!Alyssa!Alyssa! Nakakarindi na Kief!" Sigaw nya.

"Alam mo kung bakit laging sya? Kasi nasa kanya lahat ng bagay na wala ka,Mika! Lahat ng bagay na hindi mo makukuha o magagaya kahit kailan dahil bali-baliktarin mo man ang mundo, Si Alyssa ay si Alyssa. At ikaw?! Ikaw si Mika na kahit kailan hindi magiging si Alyssa!" Sagot ko at medyo napataas ang boses ko.

Ito yung pinag-aalala ko kapag magu-usap kami, nagkaka-sakitan kami by means of words.

I took a deep breath and sighed heavily.

"Pwede na ba akong umalis? Siguro naman kaya mo nang mag-isa." Sambit ko.

"Hindi ako nagsakripisyo para lang mawala ka nang ganun ganun na lang. Ipaglalaban kita,Kief. Kahit sino at kahit kanino pa yan. I am not Mika Reyes for nothing." Sabi nya.

Hindi na ako sumagot dahil hahaba lang lalo ang pagtatalunan namin. Bumaba na ako ng van at pumasok sa loob.

"Eto na yun, Kief. Babalik ka na sa lugar where you really belong." Bulong ko sa sarili ko.

*Fastforward*

We're here na at Manila, we landed at excatly 9 o'clock Wednesday evening. I call my mom para sunduin ako dito sa Airport.

*Calling Mommy Mozzy*

"Oh! Anak, napatawag ka?" She said from the other line.

Oh God! Di ko nga pala nasabi na na-move ang flight ko.

"Uhmm. Mom? Can you drop me here at airport? Nandito na kasi ako eh, I forgot to tell you kasi na na-move ang flight ko into 3am instead na 3pm." Pagpapaliwanag ko habang hinahagod ang batok ko.

"Oh really?! Sige. Wait mo kami nila Daddy mo dyan, we're on our way. See you son! So excited to see you na!" She said then binaba na yung call.

Di din masyadong excited ang mommy ko eh noh?

Di naman nagtagal ay dumating na din sila. Niyakap ko si Mom and Dad, pati na din si Thirdy at Dani.

"Na-miss ko kayong lahat" sabi ko sa kanila at niyakap ulit sila.

"Kami lang ba na-miss mo. Yung kasama namin sa van baka na-miss mo din?" Tanong ni Thirdy.

Sinong kasama sa van? Oh my! Don't tell me tama ang iniisip ko. Masyado pang maaga para magkita agad kami.

Nakaramdam ako bigla ng kaba.

"Si Ly?! Kasama nyo sya?!"

Peace✌ and Love💙

Take Me BackWhere stories live. Discover now