Chapter 2

3.1K 54 0
                                    

Naalimpungatan ako ng mapansin kong may nagluluto at nang maamoy ko ang niluluto nya, walang duda alam kong si Ella yun.

After that scenario, bumangon ako and when I look at my phone it's already lunch time na kaya pala kumukulo na ang tyan ko.

I immediately go to the bathroom and wash, after that pumunta ako sa living room at nakita ko dun sina Amy,Den,Bea T. at si Ella naman ang nasa kitchen.

"Uyyy mga besh, ano 'to? Mini-reunion for us? Sana sinama nyo na din si Synj." Masayang bati ko sa kanila.

"Mini-reunion agad? Di ba pwedeng we just want to see you lang?" Sagot naman ni Amy na may pagka maarte pa sa salita.

"Oo nga, ikaw talaga Ly. We missed you na kase eh" singit naman ni Bea T.

"Yeah, whatever!" Sagot ko na lang at pumunta sa kitchen para tignan si Madam Ells.

Naglakad ako papuntang kitchen habang sila ay nanunuod. Pagpasok ko ng kitchen ay nakita kong nire-ready na ni Ella ang food at parang ise-serve nya na lang.

"Ay,besh! You're awake na pala, saktong sakto tapos na din ako magluto. Ready to serve na din ang favorite mong food" sabi niya habang nakangiti ng malaking malaki sa'kin.

Nakakapagtaka naman ata tong bulinggit nato. Kilala kasi sya sa grupo na bully at mapang-asar,pero ngayon di man lang ako kinantyawan.

"Ay besh, ano nakain mo at ang bait bait mo today? Bibili ako ng madami para naman maging ganyan ka na lang lagi." Sagot ko habang nakaback hug ako sa kanya.

"Stop it! You little Big Panda!" She said.

"Oh, little piggy. I just missed your big fatties." I answered her while pinching her fats then I run out of her.

"You little Big Panda! I hate you!" She's having tantrums again.

"I love you,little piggy" I answered.

Kung may isang bagay man akong ipagpapasalamat kay God, ito yung binigyan nya ako ng mga kaibigan na hinding hindi ako iniwan kahit sobrang stupid ko. Di sila nawala sa tabi ko especially those times that I almost shut all the people out of my life. Sinamahan nila ako sa bawat iyak at sa bawat sakit na naramdaman ko, di nila hinahayaang maramdaman ko na mag-isa ako lalo na dun sa panahong iniwan ako ng taong pinakamamahal ko, si Kiefer.

Hinding hindi ko makakalimutan yung gabing sinabi nya na mas mahal nya si Mika, oo si Mika Aereen Reyes. Ano nga ba naman kasi ang laban ko? Nauna si Mika sa buhay nya, nauna nyang mahalin at nauna nyang pahalagahan kesa sakin. Mas pinili nyang iwanan ako, mas pinili nyang sumama may Mika sa America para dun nila ipagpatuloy ang lahat. Halos pinapatay ako araw araw ng alaalang yun, ang tagal ng tapos pero hanggang ngayon dinudurog pa din ako ng nga alaalang dapat kinalimutan ko na din.

Kamusta na kaya sya ngayon? Mahal nya pa kaya ako? Gusto kong isipin na "oo" kaso humaharang yung mga salitang "may Mika na sya". Baka nga kasi nakaraan na lang talaga ako sa kanya.

Sana sa susunod na magising ako, wala na lahat ng sakit,hapdi at hirap dito sa loob ng puso ko..

"Ly, tama na. Tigil na, pinahihirapan mo lang ang sarili mo." Sabi ko sa sarili ko pero parang may sariling utak ang puso ko.

"Wag muna Ly, baka naman bumalik pa sya. Konting tiis at hintay lang muna."

Ano nga bang nangyari kay Ly at Kief? Bakit nga ba hanggang ngayon nasasaktan pa din sya?

Abangan sa next chapters guys until mareveal ang reasons behind everything and every pain.

Take Me Backजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें