Chapter 52

1.7K 49 13
                                    

We started eating and Ly started on asking na din about the thing I'm going to tell her.

"So, Kief. Ano ba yung sasabihin mo?" Pangungulit nya.

"Mamaya na, Ly. Pagkatapos nating kumain promise sasabihin ko na." Sagot ko naman sa kanya.

"Eh, curiousity kills kaya and you know, I hate surprises." Sabi nya sabay irap.

"Promise, mamaya nga. I will tell you talaga. Kaya kung gusto mo talagang malaman, bilisan mo na ang pagkain mo dyan." Sabi ko pointing her plate.

"Fine!" She sighed as a sign of defeat.

We're in the middle of eating when someone talks behind me.

"Well, did I miss something here?"

Hindi pa man ako lumilingon pero parang pamilyar sakin ang boses na yun. Si Mika. Lumingon ako to make sure and hindi nga ako nagkamali.

"Hi babe. How are you? I missed you a lot"

Pagkatapos ay lumapit sya sakin at hinalikan ako sa pisngi. Shock was the understatement right now, bakit ngayon pa? Bakit ngayon kung kelan kasama ko si Ly.

I look at Ly and nakita kong nakayuko sya, umiiyak sya, sigurado ako dun.

"Oh, hi Ly. Ikaw pala yan. Kamusta ka na? May dinner pala kayo ng boyfriend ko." Madiing sabi sa kanya ni Mika.

I grabbed Mika's hand dahil balak nyang lapitan si Ly.

"Mika, stop!" Matigas kong sabi sa kanya habang hawak sya sa may pulso.

"Why would I stop, babe? Bebeso lang naman ako sa kanya eh. Namiss ko din naman sya." Sarcastic nyang sabi.

"Not here, please. Not here and not now!" Medyo napalakas na ang boses ko dahil naririnig ko na ang mga hikbi ni Ly.

"Bakit babe? Wala naman akong ginagawa ah. I'm just recognizing a long lost friend, masyado ka namang protective." Sabi nya.

Oh god! Napipikon na ako sa kanya bare with me kung mapatulan ko sya. I'm just extending the tie of my patience, lalo na ngayon na nakikita ko kung paano nasasaktan si Ly.

"Let's talk outside." Galit kong sabi then hinihila ko sya pero nagpupumiglas sya.

"Wait, babe. May sasabihin pa ako. Ano Ly? Siguro naman okay na yung time na binigay ko sayo para mahiram mo ang BOYFRIEND ko noh? Marunong ka namang magbalik diba? Binabawi ko na kasi sya sayo eh." Sabi nya kay Ly na hanggang ngayon ay nakayuko pa din at patuloy pa din sa paghikbi.

Parang dinudurog ang puso ko sa bawat hikbing naririnig ko mula sa kanya, and pagpatak ng mga luha nya na ako na naman ang dahilan. Nasaktan ko na naman sya. This night supposed to be the best pero hindi nangyari dahil biglang umepal si Mika. Bakit ngayon pa? Bakit kung kelan sinisimulan ko ng ayusin ang lahat saamin?

"I said let's talk outside!" Pasigaw na sabi ko sa kanya at tuluyan na syang hinila palabas.

Matapos kong kausapin si Mika ay binalikan ko si Ly pero wala na sya sa kinauupuan nya kanina. Wala na din yung pouch nya na kanina ay nakalapag sa table namin. She left.

"Ly, sorry. I'm so sorry." Bulong ko at napaluhod na ako dahil di ko na din napigilang magbreak down knowing na umiiyak at nasasaktan na naman si Ly dahil sakin.


Hi guys! How was it po? Bare with me please. Natural po talaga sa isang story ang pain na mararanasan ng characters. Votes and comments are allowed po. :)

Peace✌ and Love💙

Take Me BackWhere stories live. Discover now