Chapter 53

1.7K 55 6
                                    

Alyssa's POV

Umalis ako sa resto na pinagdalhan ni Kief sakin. Iyak lang ako ng iyak habang naglalakad palayo. Hindi ko alam yung gagawin ko, durog na durog ako ngayon. Ito na ba yung sasabihin nya? Na dadating si Mika at babawiin sya sakin.
Ang sakit makita na yung taong mahal mo binabawi sayo. Para kang biglang nagising sa fairytale mong panaginip.

Naghanap ako ng masasakyan dahil wala akong dalang kotse habang patuloy pa din ako sa pag iyak.

"Ano Ly? Siguro naman okay na yung time na binigay ko sayo para mahiram mo ang BOYFRIEND ko noh? Marunong ka namang magbalik diba? Binabawi ko na kasi sya sayo eh."

I guess, pinakamasakit na narinig ko. "Binabawi ko na kasi sya sayo."

Tama naman si Mika eh, hindi naman talaga sakin si Kief. Masakit man pero totoo, hindi ako ang nagmamay-ari sa kanya. Dahil doon, lalong nadudurog ang puso ko, iyak lang ako ng iyak the whole time hanggang makauwi ako sa unit ko. Mabuti na lang nandito sila besh.

"Besh, anong nangyari sayo?! Asan si Kiefer?!" Nag-aalalang tanong ni Den.

Tinignan ko lang sya then patuloy na namang umagos ang mga luha ko bago ako nagsalita.

"Andun,*sobs* sa tunay na nagmamay-ari sa kanya. Kay Mika." Pagkatapos kong sabihin ay hindi ko na napigilang humagulgol.

"Besh, ang sakit sakit naman eh. Akala ko ako yung mahal nya, *sobs* akala ko magiging masaya na talaga kami pero hindi pala.*sobs*" Sabi ko sa kanya habang iyak ng iyak.

Hinahagod nila Ella at Den ang likod ko habang sila Amy ay nasa gilid ko hawak ang isang basong tubig. Umiyak ako ng umiyak ng umiyak pero parang walang kapaguran ang mga mata ako.

"Besh, sorry." Sabi sa akin ni Den.

Tinignan ko lang sya habang patuloy ako sa pagiyak, wala na akong pakielam sa itsura ko ngayon dahil nasasaktan na talaga ako.

"We know everything." Mahinang sabi ni Den.

"What do you mean everything?!" Matalim ang tingin ko sa kanya.

"Kung bakit iniwan ka ni Kief noon, ang lahat ng reasons kung bakit nya ginawa yun and yung pagbalik nya. Lahat yun alam namin." Den said then cry.

So, alam nilang lahat tapos ako hindi?! Nagmukha akong tanga na maghabol kay Kiefer noon pero alam pala nila lahat?! So, ginawa nila akong tanga?!

"Ah ganon?!*sobs* All this time, alam nyo pero wala man lang sa inyong nagsabi sakin kahit isa?! Alam nyo pero hinayaan nyo akong masaktan noon?!*sobs*Ano ba ako sa inyo ha?! I trust all of you pero all this time, ginagago nyo lang pala akong lahat?!" Galit na sigaw ko sa kanila.

Why? Did I don't deserve the truth? Bakit kailangan nilang itago lahat? I'm so over with this.

"Besh, hindi sa ganun yun. You know, we love you. Ginawa lang namin yun para sayo." Pageexplain ni Ella.

"Ganun din yun, Ella!*sobs* Niloko nyo ako, pare pareho kayo nila Kiefer! Tell me, am I not deserving for the truth?!" My voice started breaking again.
Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko.

Sobra na akong nasasaktan ngayon and worst is, hindi ko alam how to end this pain inside me. I felt betrayed twice tonight.

"Besh.." banggit nila sakin.

"Can you please leave me alone? Kahit ngayon lang, iwanan nyo muna ako please." Mahina kong sabi dahil pakiramdam ko anytime ay babagsak na lang ako sa kinatatayuan ko.

"Pero besh.--"

"Please lang. Pabayaan nyo muna ako.Pakiusap." Sagot ko then sabay pasok sa kwarto ko.

Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Pagod na ako, pagod na pagod. Kailan ba to titigil? Ano bang nagawa ko at nasaktan ako ng ganito? Deserve ko ba lahat ng to?

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa mapagod ako pero wala din eh, kusang naglalabas ngsama ng loob ang mga mata ko.

Pumunta ako sa kusina at kumuha ako ng isang boteng Jack Daniels, wala na din sila Den sa unit ko pero may iniwan silang sulat saying, "I'm sorry."


Hi guys! How was it po? OA po ba or kulang sa feelings? Comment nyo po yung reaction nyo :) votes and comments po :*

Peace✌ and Love💙

Take Me BackWhere stories live. Discover now