Chapter 56

1.7K 51 2
                                    

Malalim na ang gabi pero hindi pa din ako nakakatulog, kaya naisipan kong bumaba at pumunta sa veranda ng bahay. Tulog na din sila mama at kuya dahil wala ng tao sa sala, umupo ako sa isa sa mga upuan doon at nakatingin lang ako sa malayo.

"Iniisip mo sya noh?" Biglang tanong ng tao sa likod ko kaya napaharap ako bigla.

"Ma naman, ikaw lang pala yan. Akala ko naman minumulto na ako." Sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko.

"Wag kang OA anak." Sabi nya habang natatawa tawa pa.

"Ma naman eh, bakit gising pa kayo?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi nararamdaman kita. Iniisip mo ba sya?" Seryosong tanong nya at umupo sa tabi ko.

"Sino po ma?" Patay malisya kong tanong kahit alam ko naman kung sino ang tinutukoy nya.

"Si Kief." Tipid nyang sagot.

"Hindi po. Bakit ko naman sya iisipin? Wala naman pong reason para isipin ko sya." Pagdedepensa ko.

"Eh yung pagkawala mo ng halos isang linggo? Wala din bang dahilan yun?" Tanong ni mama na nakagulat talaga saakin ng sobra.

"P-po?" Sagot ko dahil baka namamali lang ako ng dinig.

"Oo anak, alam ko yung pagkawala mo. Alam ko yung nangyari, anak kita kaya alam ko kung may dinaramdam ka." Sabi nya.

"Gusto ko lang po magpaka-layo layo nung mga panahon na yun para makahinga ako, Ma." Sagot ko sabay ng pagpatak ng luha ko.

"Para makahinga o para takasan si Kiefer at mga kaibigan mo? Para takasan yung totoo."

"Pumunta dito si Kiefer anak, sinabi nya lahat ng nangyari saamin ng Papa mo. Alam mo ba kahit nasaktan ka nya naawa pa din kami ng papa mo sa kanya kahit na dapat magalit kami sa ginawa nya. Pumunta sya dito ng umiiyak, nagmamakaawa saamin na ilabas ka namin dahil ang akala nya nandito ka. Lumuhod pa nga sya sa harap namin para lang makita ka, kaso wala ka dito, wala kaming maihaharap sa kanya." pagpapatuloy nya.

Just with my mom's story, nararamdman ko yung emotion ni Kiefer.

"Ma, hindi ko na po alam ang gagawin ko. I felt betrayed po, ang sakit sakit." Sagot ko habang umiiyak.

"Masakit sa ngayon dahil hindi mo alam yung totoo, hindi mo sila pinakinggan. Anak, subukan mo lang, kahit wag mo munang patawarin kung hindi mo kaya, basta pakinggan mo lang ang paliwanag nila." Sabi nya saakin at niyakap ako.

"Susubukan ko po, ma." Sagot ko at niyakap sya pabalik.

"Basta lagi mong tatandaan, kapag nasasaktan ka na at hindi mo na kaya, takbo ka lang dito sa Batangas. Andito ako, kami, dadamayan ka namin." Sabi nya at ngumiti saakin.

Tumango lang ako at ilang minuto pa ang lumipas ay nag-aya na si mama na pumasok.

"Tara na, anak. Tama na ang drama dyan, ang prinsesa ko dalaga na talaga. Namomroblema na sa pag-ibig eh." Pangaasar ni mama habang paakyat kami sa kwarto ko.

"Ma naman eh, I'm 23 na kaya. Dalaga na talaga ako." Sabi ko sabay pout.

"Oo na. Sige na, tulog na. Goodnight anak. I love you." Sabi ni mama.

"Goodnight din po ma. I love you." Sagot ko at pumasok na sa loob ng kwarto ko.

I already decided, this time I will listen and I'll try my best to understand them kahit masakit. Learn to listen, and learn to understand. I can do it.

Para maintindihan ka, kailangan mo munang pag-aralan ang makinig sa kanila. Hindi solusyon ang pagtatago at pagtakas. Be brave enough even in the hardest times of life.


Hi guys! Sorry kung lame, I just don't have enough time para makapag-update dahil sa sobrang daming gawain for school. Hope you understand :) continue reading and voting:*

Peace✌ and Love💙

Take Me BackWhere stories live. Discover now