Chapter 30 : Unplanned

Mulai dari awal
                                    

Nang makalayo sa grupo, kagyat kong tinawagan ang katipan na agaran namang sumagot.

"hi babe, im sorry i missed your calls, nasa testing kasi ako kanina, nasaan ka na?" bungad ko sa malambing na tinig.

"ok lang babe, im on my way na pabalik jan sa site. prepare all your things ha, i'll pick you up. lunchout tayo" she replied sa tila excited na tinig.

"prepare my things? eh hindi ba dito lang naman tayo magla-lunch sa kalapit na mall?" nagtatakang tanong ko

"i'd change my mind. basta. prepare ka na after nyan, tawagan kita pag-malapit na ako, drive lang muna ko babe. i love you"

"o-okay, keep safe baby, i love you too" tugon ko and then hang-up.

********

5 minutes before 12 noon ay nakababa na kami ni Cess at nakapag-ayos na pero wala pa ring Gabby na tumatawag. Akmang I-tetext ko na sana ito pero hindi ko na naituloy iyon when i saw her entering the Main Door. I smiled at her ng mapadako ang mga tingin nito sa akin and in response my girlfriend automatically smiled at me.

Nang makalapit na sya sa gawi namin, saglit nyang pinutol ang pakikipagtitigan sa akin at bumaling sa katabi ko

"Cess" tawag nito sa taong kanina pa nakatunghay sa sarili nyang telepono.

"Y-yes M-ma'am?" kandabulol na sagot nito na halos ikina-igtad ng makita ang presence ni Gabby.

"can i talk to you for a minute?" tanong nito sa kaibigan ko at tsaka tinapunan ako ng tipid na tingin at makahulugang ngiti bago tumalikod at pumasok sa opisina nito.

"luh, kinabahan naman ako.. bakit kaya?" mahinang komento ni Cess pagkabaling sa akin. Hindi ako nakakibo dahil animo nagulumihan din ako sa ikinilos ng katipan. Habang nalilito sa nangyayari ay tumayo naman si Cess at marahang tumungo sa office ni Gabby. Sinundan ko pa ito ng tingin at lalong naguluhan when i saw her slightly close the Office Door na nadinig kong iniutos ng katipan.

Ano bang meron? nagugulumihan kong tanong sa sarili.

I was impatiently waiting sa mga susunod na mangyayari when suddenly i saw my friend na lumabas ng opisina. She abruptly smiled at me at nagkomento "ikaw talaga bru, ang hilig mo sa sikreto, kelangan ba talagang kay Ma'am ko pa malaman? " bungad nito na ikinakunot ko ng noo. "H-huh?" i respond ng hindi ma-absorb ng utak ang mga sinabi nito.

"T-teka nga ano bang sinas---"

Ang akma ko sanang pagtatanong sa kaibigan ay naputol when i heard my Girlfriend behind me clearing her throat. Apparently, nakatayo na ito sa other side ng low wall partition namin at ngayon nga ay nakatanghod sa amin ng kaibigan ko.

"okay na Cess, go and take your lunchbreak" pamaya-mayang baling nito sa kaibigan ko.

"a-ahm..s-sige po Ma'am, m-mauna na ako sa inyo" dagliang paalam nito sabay hablot sa wallet at cellphone nya na nasa ibabaw ng kanyang lamesa, pero bago tuluyang lumabas ng cubicle ay bumaling pa ito akin at bumulong "pasalubong ko ha" which made me more confuse. Nang makalayo na ang kaibigan at makitang wala ng tao sa loob ng Site Office maliban sa aming dalawa ni Gabby ay daglian ko itong nilingon at tinaasan ng isang kilay.

"anong meron Ms. Sandoval?" paninita ko dito.

"wala naman" she said calmly then grin at me. Akmang magrere-act ako ng muli itong kumilos at may iniabot mula sa likuran.

"sign this" utos nito sa hindi malamang tono at pilit na iniaabot ang bungkos ng papel at isang ballpen. Kunot-noo ko iyong kinuha at napipilan sa nabasa. Nagugulumihan akong lumingon dito when i check that it was a leave form with my name in it.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang