Chapter 23 : Yearning Hearts

13.1K 484 94
                                    

Louise (POV)

I was currently in my deep sleep when suddenly naramdaman ko ang pagba vibrate ng sariling telepono. In between my unconscious mind ipinilit kong idilat ang mga mata para alamin kung sino ang tumatawag. When i saw Jamie's name on the screen, hinanap ko ang accept button nuon at tsaka pupungas-pungas na sinagot.

"h-hello, Amay" i answered in a husky voice.

"hello baby girl, i'm sorry now lang ako nakatawag. Medyo nalibang kami ni Janna kanina. Anyways, hindi na ako makakabalik jan sa quarters at didiretso na ako sa bus terminal" pagbibigay alam nito.

" o-okay " sa inaantok pa ring tinig kasunod ng hindi mapigil na paghikab.

"are you sure okay ka lang jan mag-isa?" nag-aalalang tanong nito.

Halos kakalipat lang kasi namin dito sa female's barracks at nagkataon pa na ito ang unang linggo na maiiwan akong mag-isa.

Apparently, weekends ngayon at karamihan sa mga kasamahan ko ay nag-siuwi sa kani-kanilang bahay.

"don't worry, i will be okay, Amay" sagot ko dito.

Totoo naman iyon dahil nakasanayan ko na ang maging ganito, simula pa lang sa unang bahay na inupahan mas madalas na wala akong kasama, dahil karamihan sa mga naka-boardmate ko ay mga call center na kalimitang mga grave yard ang shift. Isa pa, hindi ko rin naman nakaugalian ang umuwi sa probinsya kung kaya mas madalas na tumambay lang sa tinitirhan. Kung tutuusin pwede naman akomg mag-spend ng weekend sa amin pero dahil sa kasalukuyang iniindang family problem ay hindi ko yun magawa.

"okay sige. Ingat ka jan ha.. see you next week." pukaw ng kaibigan ko sa kabilang linya.

Matapos maputol ang usapan namin ay tila nahirapan na akong kumuha ng tulog, kahit anong biling at baligtad ang gawin ay hindi na ako dinalaw pa ng antok. Nang mapagtanto na wala ng pag-asang maigupo ang sarili ay napapabuntong-hininga akong umupo at dinampot ang Cellphone upang silipin ang orasan.

Pasado alas onse y media na. Almost 4 hours na rin pala ang nakalipas simula ng makatulog ako.

Maaga akong nag-out kanina sa trabaho pero late ng nakauwe mula sa medyo mahabang biyahe. Apparently, I went to one of Gabby's Condo Unit sa gawing Espana, pero sad to say, nabigo akong makita at makausap ang taong hinananap. Excited pa naman sana ako pero ang pagkasabik na yun ay napalitan ng panghihinayang ng wala akong datnan sa address na ibinigay ni Jamie.

Where are you, Gabby? ..... ...why are you doing this to me? magkasunod na daing ko habang malayang pinagmamasdan ang sariling wallpaper at litrato ng taong hindi na yata mawawala sa sistema ko kahit kailan.

Please come back, Ms. Sungit ko. piping bulong ko while intently staring at her photo. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng mukha nyang naroroon hanggang sa mapadako ang mga tingin sa namumula nyang labi. Sa isang iglap, naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa buong mukha ng maalala kung gaano kalambot ang mga iyon. Wala sa sariling napapikit ako habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi upang pag-labanan ang nararamdaman.

Sh*t! I'm desperately longing for her. Nami-miss ko na sya ng sobra at naiinis ako dahil wala akong magawa. Ilang linggo ko na ring syang hindi nasisilayan at aaminin ko, habang tumatagal ay lalo lang akong nasasabik na makita sya.

Nang magsawa sa pagtingin at makaramdam ng bahagyang panunuyo ng lalamunan ay tatamad-tamad akong bumangon para tumungo sa kusina.

I was about to open the Bedroom door ng biglang maalerto sa sariling suot. For a while, nag dalawang isip ako kung magsusu-son ng pang-ibabaw na damit upang mapagtakpan ang manipis kong pantulog. Pero ng maalala na wala namang kasama sa buong unit ay dire-diretso na akong lumabas ng pintuan.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Where stories live. Discover now