Chapter 46 : are we done?

6.3K 258 31
                                    

SPG ALERT!
May maseselang lenguwahe po.

********

Louise (POV)

Halos kalahating oras na simula ng magpagpasyahan kong pumanik dito sa mock-up floor.

Nainip ako sa site office ng pansamantala akong iwanan ni Jamie para bumili ng dinner namin sa labas.

Paalis na dapat ito kanina para makipagkita sa isa nyang matalik na kaibigan, pero ng matagpuan ako nito sa ibaba na umiiyak dahil sa naging confrontation namin ni Gabby ay hindi ito nagdalawang-isip na ikansela ang sariling lakad.

Alam kong nalag-alala ito ng sobra.

Ilang minuto kaming nanatili sa bakanteng parking lot na iyon hanggang sa inalalayan at inaya ako nito patungo sa aming opisina para pakalmahin.

Mabuti na lamang at karamihan sa mga kasamahan ay nagsipag-uwian na dahil kung hindi ay malamang dudumugin ako ng mga ito upang magusyoso. Maski ang taong syang dahilan ng mga nangyaring ito ay hindi na rin namin nadatnan sa itaas.

Ang tinutukoy ko ay si Fermin. Si Fermin na nagpadalos-dalos ng kilos at hinayaang lukubin ng panibugho ang kanyang puso. Kung kaya naman ngayon ay sa akin nag backfire ang kanyang mga nagawa.

Mainam na rin na hindi ko sya nakita dahil kung sakali man ay talagang maibubuntong ko sa kanya lahat ng galit at inis na naramdaman ko. Isa pa siguradong hindi ko mapipigilan ang sarili kong masaktan sya.

Buti na lamang talaga at kadamay ko si Jamie sa mga ganitong pangyayari.

Speaking of her. Ilang beses nya akong kinumbinsi na umuwe kanina at mag-pahinga pero nagmatigas ako and decided to stay and render overtime para kahit paano'y maibsan ang nararamdaman.

Of course hindi ito sumang-ayon nuong una but when she noticed na hindi naman ako magpapapigil ay nanatili na rin ito kasama ako.

She comfort me for a little while at ng mahimasmasan ay tinatamad akong kumilos at nagsimulang mag-encode ng mga permits.

Hindi ako kumibo ng mga sumunod na minuto habang ang kaibigan ko ay nakamasid lang sa akin at panay ang pag-buntong hininga. Nang mapansin na namumutla ako ay nagpaalam itong bumaba para bumili ng aming makakain.

Makalipas lamang ang ilang sandali ay napagdesisyunan ko namang umakyat sa itaas at mag-ikot.

At ngayon ngang nandito na ako sa sariling destinasyon ay wala pa rin ako sa huwisyo.

I wanted to shrug off the negative emotions but until now ay wala ako sa sarili at hindi maitatatwa na pilit ko lamang iwinawaksi ang saloobin pero ang totoo ay hindi ko talaga malaman kung ano ang aking gagawin.

Hindi maramdaman ng katawan ko ang anumang pagod pero aaminin kong pagal ang isipan ko at nasasaktan pa din ang aking puso.

I sighed when I felt a sudden pang on my chest.

Sandali akong napatigil sa paghakbang ng maramdaman ang pangingilid ng aking luha.

Muling nanumbalik sa akin ang confrontation namin ng katipan.

Katipan? magkatipan pa nga ba kaming matatawag kung tinapos na nya ang lahat sa amin?

"were done!"

"were done!"

"were done!"

Napapikit ako at tuluyan ng nahulog ang mga luha ng magpa-ulit ulit sa akin ang mga huling katagang binitawan nya. I even imagined her fuming face habang nagtatagis ang bagang.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon