Chapter 32 : Her Past

9K 336 47
                                    

Louise (POV)

It was already 7:00 in the morning ng maramdaman ko ang kagustuhan ng katawan na maglabas ng likido. I was about to move slowly para sana tumayo ng matigilan ako when i felt a one pair of arm and leg na nakadantay sa akin. I smiled automatically ng mapagtantong nasa biyahe nga pala kami ng katipan papunta sa province nito.

Dahan-dahan kong ipinihit ang katawan paharap sa katabi at pinagsawa ng tingin ang mga mata sa kaharap.

Aaminin ko, up from this very moment may isang bahagi sa akin ang hindi pa rin makapaniwala na girlfriend ko na ang isang Gabby Sandoval. Everything is too good to be true, parang kailan lang ay abot ang pang-aaway nito sa akin.

But now here we are, animo walang bakas ng kung anumang pangit na simula.

I touched her face at caress it slowly, kapagdakay kinintalan ko ito ng halik and then unhurriedly stood up para tumungo sa wash area.

Sandali akong nagbawas ng likido sa katawan at inayos ang sarili bago lumabas ng cubicle ng madatnan ko si Joshua, preparing some kind of coffee sa maliit na pantry area na nanduon.

"Coffee po Ate" alok nito while handling me a cup of coffee.

Inabot ko iyon at nagpasalamat tsaka naupo sa recliner na nasa isang gawi. Joshua remained standing habang panaka-nakang nagtatapon ng tingin sa akin at kay Gabby. Na nuon ay nakatalikod sa amin at himbing na natutulog.

"malayo pa ba tayo?" i ask breaking up the silence after i sip on my drinks.

"malapit napo, mga isang oras at kalahati na lang po" he said politely habang nakangiti sa akin.

"o-okay" tangi kong naisagot dahil medyo naiilang sa pagkakatingin nito.

I placed my coffee in top of the countertop na kinasasandalan ni Joshua and about to wake up Gabby ng pigilan ako ng binata.

"mamaya nyo na po sya gisingin ate Louise, matagal pa naman ang biyahe. tsaka, bihira lang matulog ng ganyan kahimbing yang si Ate Abyang"

"hmm.. ganuon ba?" i reacted at kapagdakay bumalik sa kinauupuan.

I reached out for my coffee ng muling magsalita ang kausap.

"my sleeping problem po kasi sya dati. yung parang insomnia"

"i never noticed, mukhang okay naman sya nitong nagkakasama na kami" komento ko.

" oo nga po, mukhang okay na sya kasi anjan ka na eh" panunukso nito ng nakangiti

"what do you mean?" tanong ko

"dati po kasi yung sakit nya na iyon, nagtrigger nung iniwan sya ni Ate Jenna" paliwanag nito, then stood up and bumaling sa kinalilikurang lamesa at inilapag ang sarili nitong kape.

Lihim akong napasinghap when i heard Gabby's Ex-girlfriend name. Tila may kung anong kuryosidad ang bumangon sa dibdib ko.

Kunwari akong nagpatay malisya and  just stare at him curiously, waiting for his next sentences na hindi ko naman ikinabigo. dahil ng makaayos na ulit sya sa pagkakasandig ay ipinagpatuloy nito and pagku-kwento.

"bata pa lang ako, na witness ko na kung gaano sila ka-close na dalawa. pero 15 years old na ako ng minsang mahuli ko sila sa likod bahay ng mga ate Jena na naglalambingan. Nakita nila akong dalawa, at pinakiusapan na huwag ipagsasabi ang mga nasaksihan ko." he suddenly paused and smile " eh wala naman akong balak ikuwento yun sa iba, mataas kasi respeto ko jan kay Ate Abyang. Bata pa lang ako idol ko na yan eh, nuknukan kasi ng bait at humble. Kaya hayun, simula nuon naging sanggang dikit kami nyan,ako nga ang naging secrets keeper nila. Kapag dumadating yung panahon na hindi makalabas si Ate Abyang dahil sa pag-aaral ako ang tagapag-padala nya kay Ate Jena. sulat, pagkain, at kung-ano-ano pa.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Where stories live. Discover now