Chapter 16 : Aftermath

14.1K 363 14
                                    

Louise (POV)

"My wild Girl......."

"My wild Girl......."

"My wild Girl......."

paulit-ulit na ume-cho sa isipan ko ang mga huling tinuran ni Gabby bago ito tuluyang gupuin ng antok.

Kaya heto ako ngayon, nakatulala habang nakangiti at parang timang na pinagsasawa ang tingin sa babaeng nagpapatibok ng maligalig kong puso. Ilang minuto na rin ang lumipas buhat ng mahagip ng tenga ko ang halos pabulong na pagkakasabi sa bansag nya sa aking Wild Girl, malambing ang pagkakasabi nun at hindi kagaya dati na laging pa-sarcastic at pabalang sa tuwing bibigkasin nya. Idagdag mo pa ang kapansing-pansin na pag gamit nya ng "My" . Sa isang iglap para akong hihimatayin sa isiping yun ng biglang mag-react si heart heart at nag-tumbling dahilan kung kaya't hindi ko napigilan ang impit na daing.

Sh*t! ang landi landi mo teh ! at kinikilig pa talaga ang berat! Tudyo ng isang parte ng utak ko

My God! inaangkin mo na bang sa iyo ako Gabby? Piping tanong sa sarili ko ng hindi pinansin ang reaction ng isang panig ko. "kasi if yes, i'm all your's baby" wala sa sariling nausal ko habang titig na titig sa maganda nyang mukha while peacefully sleeping. Ilang minuto rin ako sa ganuong ayos habang pinagsasawa ang pagtingin sa kanya. Nang makaramdam na ng antok. Marahan kong hinawi ang buhok na bahagyang tumatabing sa mukha nito and then give her a quick kiss in the forehead " Good night Ms. Sungit ko" I mumbled bago umayos ng higa.

"This will be one of my best nights ever" usal ko habang nakapaskil pa rin ang ngiti sa mga labi at kapag daka'y pumikit na para matulog na rin.

********

Kinabukasan.

Halos mapabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang nag-eeskandalong tunog ng cellphone ko. Panay na ang alarm nun na nakapag pairita sa akin. Nakasimangot na kinapa ko ito sa gilid ng unan pero walang mahagilap ang kamay ko. Unti-unti kong idinilat ang inaantok pa ring mga mata. And when I do, natitigilan akong napalingon sa paligid.

"Where am i?" daing ng utak ko. Though comfortable ang pakiramdam sa kinamulatang kwarto unfamiliar naman sa akin ang paligid. Pilit kong inaalala ang nagdaang gabi sa medyo inaantok ko pang diwa ng may gumalaw sa tabi ko, doon ko lang napansin ang brasong nakayakap sa ibabang bahagi ng katawan ko.

Nang ma-reallized kung ano ang mga nangyari, a smile formed in my lips. Dahan-dahan akong umikot ng higa habang iniingatang wag masagi ang injured na kamay ng taong nakayakap pa rin sa akin. Hindi ko alam kung papaano naging ganun ang posisyon naming dalawa dahil ang tangi ko lang naalala bago panawan ng ulirat ay magkatabi lang kami ng higa.

Hindi na mahalaga yun Louise, ang importante nag-eenjoy ka naman sa posisyon nyo ngayon. Hindi ba? Tukso ng utak ko.

Not minding my teasing mind itinuloy ko na ang balak. Nang makaharap sa pwesto ni Gabby, agad ko syang pinagmasdan ng malaya. She's Gorgeous as ever. Gising man o tulog, Galit man o seryoso, nakangiti man o nagsusungit , hindi nagbabago ang aura nya. Maganda talaga sya kahit saang anggulo mo titigan.

"Good morning Ms. Sungit ko" I muttered while brushing her red cheeks with my thumb. I smiled when I realized na mukha akong timang na kumakausap sa isang taong tulog na tulog. Iiling iling na tinitigan sya ng matiim. My God! kung ganito ba naman kaganda ang masisilayan sa tuwing gigising ako, baka hindi nako bumangon pa.

Sa totoo lang, right now I don't mind if I spend my whole day just staring at her like this. Pero syempre hindi naman yun pwede dahil may pasok ako. Tila bumalik naman ako sa realidad ng maalala ang trabaho. Dahan-dahan akong kumawala sa pagkakayakap ni Gabby. Magkapanabay namang tumutol ang katawan at puso ko pero tila malakas ang hatak ng pag-iisip kung kaya't daglian na akong naupo. Pero bago tuluyang tumayo ,dinukwang ko ang nahihimbing na si Gabby and slightly brush my lips into her forehead.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Where stories live. Discover now