"Hoy!Ayusin niyo pila niyo!One line sa girls,one line sa boys!" Sigaw ng President na si Teo. Puro sigawan na ang mga kaklase ko,nakakahiya sa mga dumadaan.


"Pila daw!"

"Dito ako!"

"Bhes dito ka sa likod ko para tabi tayo!"

"Huy!Reserve niyo ko."

"Nauna na ako diyan!"

Napa-iling nalang ako.Para silang hindi Grade 9.

Nang nakapila na ang lahat ay isinarado na ni Pres. ang pinto ng room namin tsaka bumaba sa hagdan.Sa kabilang building pa kase yung auditorium,mukha tuloy kaming may fieldtrip at si Teo ang Tour Guide.

Expected ko na kami lang ang tao na mago-occupy ng Room pero laking gulat namin ng may makita kaming Grade 10 sa loob.

Psh,sila Xiz.

Dear Tadhana..Ano bang problema mo?Sapakan nalang oh!

Mukhang walang balak pumasok ang mga kaklase ko kaya nanguna na ako.Ngayon lang yata nakakita ng ibang tao,mga takas lang sa mental sensya na. -_-

Napahinto ako sa paglalakad ng mapansin hindi sila sumusunod sa akin.Nakakahiya,center of attraction tuloy ako.Nilingon ko sila.

"Wuy!Ano na?" Tanong ko.Tsaka lang sila natauhan at nagsi-pasok na din.

Naunang pumasok ang Grade 10 kaya nasa harap sila at kaming mga Grade 9 naman ang nasa likod.Walang upuan kaya na-upo kami sa sahig.Tiles naman eh.

"Kylie!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Kuya Jacob.Todo kaway pa siya habang ang katabi niyang si Xiz ay nakangiti lang.

Lul mo!Don't me,matapos ma kong pagsabihan nung isang araw.Ha!

Kinawayan ko si Jacob habang hindi ko pinansin si Xiz.Maya-maya pa ay natahimik na ang lahat ng pumasok ang teacher namin habang ang isa ay teacher yata ng kabilang klase.

"Good morning class!" Sabay na sabi nila.

"Good morning Ma'ams!" Sabi naman namin,wala nang nag-abala pang tumayo.

"Since same schedule lang ang science pati ang activity natin ngayon.Pinagsama na namin kayo."

"It's a group activity and we will need 7 groups."

Pagkasabi nun ni Ma'am ay ang pag-umpisa ng bilangan.Pang number 4 ako at sana ay matino ang mga ka-grupo ko.

"Please go to your groupmates." Sabi ni Ma'am tsaka in-aasign ang places ng bawat group.

I search for my grouomates at mabuti nalang ay may nagsign ng number four at itinaas ang kamay niya kaya lumapit ako sa kanya.Hindi ko siya kilala kaya baka Grade 10 siya.

"Group 4?" Tanong niya.Hindi sana awkward kung hindi lang siya lalake eh.Tumango nalang ako.

"Ahh,ikaw si Kylie?" Tumango ulit ako.

"Ahh!Ikaw yung may gusto kay Xiz!"

Asdfghjkl,wengya.Paano niya nalaman yun?!

Hindi na ako sumagot pagkatapos nun.Pero siya,eto, dinadaldal pa din ako.Mabuti nalang at nagsi-datingan na ang mga iba pa naming groupmates. Sad to say...Kagrupo ko si Xiz.

Dear Tadhana,kung may problema ka sabihin mo!Wengya. -_-

Ang mas malala pa,tumabi siya sa akin.Nakatikim tuloy ako ng nanunuksong tingin kay Teo at kay Fiona,mga kaklase ko. Idagdag pa si Derrick,yun yung pangalan nung madaldal na lalaki.

"Anong magandang title?Isip kayo guys!" Tanong ni Gia,leader namin,kaklase nila Xiz.

Ang activity na gagawin ay gagawa ng poem about sa climate change.

"Love is in the Air." Halatang may pinaparinggan si Derrick sa suggestion niya.Inirapan ko nalang.

"Ikaw Rick,umayos ka nga!" Saway sa kanya ni Gia.

Gaya ng ginagawa ng isang matinong grupo,nagbrain storming kami sa mga ilalagay sa mga stanzas."Mother Nature" ang final na naisip naming title at natapos na din namin ang 5 stanzas na tula namin. Ngayon,pasenti-senti nalang kaming groupmates.Si Gia,Derrick at Teo naman ay abala sa pagde-design ng illustration board kung saan dapat ilagay yung poem namin.Habang pinapanood silang matapos ay umupo na naman si Xiz sa tabi ko.

"C.R. lang ako." Sabi ko at tsaka lumabas ng AVR.Wala naman sila Ma'am eh.

Pagkababa ng hagdan,dumiretso ako sa iaang teacher's table na hindi na ginagamit at nakatambak lang sa hallway, naupo muna ako duon.Palusot ko lang yung sa C.R..

"Kylie,"

Asdfghjkl,wengya!

Aalis na sana ako ng hilahin niya yung dulo ng blouse ko.Psh,bakit hindi nalang sa kamay?Mas romantic kapag ganun.Haha!

"Wuy!Umiiwas siya." Nakangiting sabi niya,trying to lessen the awkward atmosphere.

Umupo siya sa may table kaya tumabi nalang ako.

"Hindi ah!" Tanggi ko.

"Bakit hindi ka namamansin kanina?"

Eh kase nga,nagmu-move on ako!Mayghad!

"Wala,feel ko lang." Wala sa sariling sagot ko.

"Trip lang ganun?" Natatawang tanong niya.Nagkibit-balikat nalang ako.

"Si Andrea?"

"Huh?Anong Andrea?Hindi ah!"

"Psh,nagseselos ka lang eh." Panunukso niya.Wow,feeling ah. -_-

"Bakit naman?"

"Dahil crush mo ako." Takte!Feeling Lvl. 99999.

"Ha!Hindi na noh!Dati lang yun,hindi na ngayon."

"Weh?Kahit gawin ko toh?"

And for the second time,nilapit na naman niya ang mukha.niya sa akin.

×Flashback×

"Hindi ba talaga?" Nabigla naman ako ng ilapit niya ang mukha niya.MayGhad!Full rest na ako!

"A-anong ginagawa mo?H-hindi naman talaga." Sabi ko.Agad naman siyang napatawa.

"Sabi nila gawin ko daw yun. Mukhang hindi nga totoo yung sinabi nila,hindi mo nga ako crush." Nakahinga naman ako ng maluwag sa simabi niya.Buti nalang at hindi na siya naniniwala.

×EndofFlashback×

"A-anong g-inagawa m-mo?" Nauutal na tanong ko sa kanya.

"Hmm,sabi mo hindi mo na ako crush.." Sabi niya sa akin.Not breaking the eye contact habang sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

"H-hindi na n-nga." Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.Mayghad Heart!Shattap ka lang d'yan!

"Eh bakit ka namumula?" Nakangising  tanong niya.

"M-mainit.Tama!Mainit."

"Dahil hot ako?" Asdfghjklmnopqrstuvwxyz.Lahat na ng letters sa alphabet!Wengya!

"Psh,n-nice joke.Galing mo." Umiwas na ako ng tingin at umayos ng upo.

"Psh din,crush mo pa din ako."

Ha!Wala na bang mas hahangin pa dito?!

End of chapter 23

Vomment!!<3

Highschool ConfessionWhere stories live. Discover now