Pagkalabas ko ng bahay nila Lance ay nag simula na agad akong mag lakad papunta sa Parke. Buti na lang at malapit lang dito 'yon. Naku talaga mapipingot ko na sa tenga yang Lance na 'yan!


Pagkadating ko sa Parke at ayon ang ugok, nakikipag halakhakan sa isa sa mga babaeng nandoon. Ang dami kasi e'. Agad akong lumapit sa kanila. Agad niya naman akong nakita, biglang namutla ang mukha niya ng makitang nakakunot ang kilay ko at nakabusangot ang mukha ko.


"A-Anne," naibulalas niya. Agad namang napatingin sa akin iyong tatlong babaeng kakwentuhan nya. Tinaasan lahat nila ako ng kilay saka sabay-sabay inirapan. Abat! Tatlong bibe tong mga 'to, ah!


"Sino siya Lance~" pakantang sabi nong babaeng nakapula at nakahapit ang sando at nakamaikling short. Parang lata ang boses! Ew.


"Obvious na. Tinawag niya na nga 'yong name ko e'. Duh!" tinaasan ko rin sila ng kilay at napamaang siya. Tatanga-tanga kasi. Hmp. Akala nila, ah. Mas mataray ako!


"Huwhat?!" naibulalas ni Red Girl.


"Ah. Hehe. Bye na muna girls!" At kinindatan pa sila nitong si ugok!


"Ha? Iiwan mo kami?!" sabi ni Green Girl. All green siya e'. Mukha siyang damo.


"Huwag muna!" pahabol nong isang babae na makapal ang mukha I mean make up. Mukhang clown, the eff.


Hindi sila pinansin ni Lance at hinigit na lang ako paalis. Nang makalayo na kami ay agad kong tinanggal ang pagkakahila niya sa akin at saka siya binatukan ng napakalakas.


"Aray!" hiyaw niya at agad na hinimas ang ulo. Buti nga sa kaniya.


Naglakad na ako papunta sa palengke. Hindi ko na hinintay si Ace. Malapit lang naman ang palengke kaya okay lang na maglakad.


"Huy, Anne! Sorry na! Ito naman, oh." Nakahabol pala ang ugok. Hindi ko parin siya pinansin. Manigas siya. Nyeta.


"Hoy!" Sinundot niya ang bewang ko kaya tumigil ako tiningnan siya ng masama napapeace sign naman siya. Hindi ko na lang ulit siya pinansin at naglakad na ulit. Malapit na kami.


"Sorry na. Nakalimutan ko e'," malambing na sabi niya. Playboy na 'to. Kinalimutan?! Fuck this guy.


"Tigilan mo ako, Lance."


"Sorry!" nakapout na sabi niya saka naka-puppy eyes. Wala na. Alam niyang kapag nagganan siya nawawala ang galit ko e'. Kasi....

"Damn! Mukha kang taeng nakanguso!" halos maglupasay na ako sa sahig dahil sa kakatawa. Napahawak na lang si Lance sa ulo. Ang dami ng napapatingin sa amin. Palengke na pala 'to. Pero real talk ang cute niya, shh lang kayo.


"Anobayan!" naiinis na sabi niya kaya nagpeace-sign na lang ako.


"Okay na tayo. Tara na nga," sabi ko na natatawa parin. Natuwa naman siya dahil sa sinabi ko.


"Yehey!" Muntanga talaga 'tong playboy na 'to. Inakbayan agad ako ni Lance saka kami nag patuloy sa paglalakad. Okay lang sa akin na akbayan niya ako, kaibigan ko ito e' pati sanay na ako.


Habang naglalakad kami para hanapin 'yong mga bibilin ko ay nagulat na lang ako nang biglang may dalawang babaeng yumakap sa akin ng mahigpit. Pati nga rin si Lance ay nagulat din.


"Jean! Nakita ka rin namin!" umiiyak na sabi nong babaeng may maputlang balat pero maganda.


"I miss you, Jean!" sabi naman nong babaeng cute. Tinanggal ko ang pagkakayakap nila sa akin saka humawak kay Lance.


"I'm sorry, pero hindi ko kayo kilala. Hindi ako si Jean," agad kong sabi. Ewan ko ba pero parang kumirot 'yong puso ko ng makitang umiiyak sila.


"Ha? Joke time ba? Nakakatawa, Jean!" pinipilit tumawa nong babaeng cute kahit naiyak naman. Nagtaka naman ako. Sino bang Jean?


"Siya si Anne. Hindi siya si Jean. Tara na nga," seryosong sabi ni Lance saka ako hinigit papunta sa ibang mga tindahan.


"Pero! Jean! Ano bang nangyayare sayo?! Ako 'to si Tracy at si Heart!" sabi nong babaeng maputla na hinabol pa kami. Humarap ako sa kanilang dalawa at tiningnan sila gamit ang mukhang walang emosyon.


"Ako si Anne hindi si Jean at hindi ko kayo kilala. Wala akong kilalang Tracy at Heart."


Pagkatapos niyon ay napatigil sila at nanlalaki ang mata. Ako na ang humila kay Lance para umalis. Ang weird naman ng mga babaeng 'yon. Baka nag kamali lang sila. Hindi ko naman kasi talaga sila kilala. Wala akong maalala ng ganong mga pangalan na kakilala ko.


Sino ba sila?

A Bloody Mess (COMPLETED)Where stories live. Discover now