Nakakainis! Anong maputla? Normal color niya 'yon!



"Baka naman bampira siya? Hindi naman ba, girl?" Kitams, nagawa niya pang humirit. Ubos ang pasensya akong bumuntong hininga. Napataas kamay naman siya. "Sabi ko nga stop na."



"Matangkad siya!" Sabi ko. "Ang attractive kasi ng height niya."



"Na-aattract ka sa height...?" Bulong niya.



"Ano?" Taas kilay na tanong ko.



"Wala. Sabi ko ano pa, bukod sa height?"



"Uhm...cute?"



She sneered. "You mean like a pet? Oh well, I couldn't agree more. At sa tono mo parang 'di ka rin sure."



Napakamot ako ng kilay. Nagpatuloy ako. "Magaling siyang maglaro ng basketball. 'Yon na lang. Oh ano, may masasabi ka?" Mayabang na hamon ko. "Ang balita ko, he's always MVP, at hindi naman siya magiging team captain kung hindi siya magaling! Right?"



"Nabalitaan mo? Walang katotohanang chismis lang 'yon. Tangina. Never pa nga sila nanalo, so pa'no siya naging MVP?"



Napaismid ako. Sumandal ako at humalukipkip. "I like him. You hate him. 'Yon ang pinagkaiba natin sa pagtingin sa kanya kaya ganyan ka makareact, Gwenita."



"Talaga!" Kinumpirma naman niya. "Who wouldn't hate a guy who is so full of himself? Who?!" May uyam na wika niya sabay singhap. "Oh, of course it's you." Napairap ako sa tono ng pananalita niya. "Hindi mo ba napansin? Crush mo siya sa physical traits lang. Paano kasi wala ka namang magugustuhan sa kanya as a person. Yung personality niya..." sinampal niya ang sariling noo. "Ayaw ko na lamang magsalita."



Napasimangot ako.



Actually, tama naman siya. Hindi ko rin alam kung bakit sa dinami-rami ng lalaking matino at may modo kahit papa'no, sa isang John Steph pa ako nahumaling. Aminado naman akong puro panlabas lang—'di pa 'yon sure—ang maipagmamalaki ko sa kanya, and that's because...I'm just attracted to him. That's all. Crush ko lang siya and so far, hindi pa naman lumalalim ang pagtingin ko. Hindi naman porket may gusto ka sa isang tao ay may nararamdaman kanang mas malalim pa roon. I'm a hopeless romantic. It's not easy for me to fall for someone because occasionally the other side of me has these irrational ideas about love and too many unrealistic expectations. Hindi pasok ang crush ko sa mga ideyang iyon.



"Sabi mo dati sa'kin maganda ang boses niya, masarap pakinggan." Sabi niya pa. Tumango ako bilang tugon. "Nakakakilig pa ngumiti." Sinabi ko ba 'yon? Pero tumango lang ako para matapos na ang usapang 'to. Maganda naman kasi talaga ang mga ngiti niya. Hindi man para sa'kin ang mga ngiting 'yon pero kere lang. "Ulap, tanong ko lang. Bulag ka ba?"



"Huh?"



"Kasi naman. Bakit halos lahat kayo rito sa putahamnidang paaralan na 'to nagkakagusto sa kanya? Lahat kayo nagagwapuhan sa kanya? May sakit ba kayo sa mata?! Ako lang ang nakaiwas sa sakit niyo?!" Ngumiwi ako sa tindi ng paninindigan ng emosyon niya. "I feel bad for you, though."



Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon