"Bitter?" She gasped. "Hindi bitterness 'to, Ulap! Gusto lang kitang gisingin sa katotohanan."



"Katotohanan? Anong—!"



"Katotohanang ang ingay niyong dalawa. Mag-usap nga kayo ng maayos!" saway sa'min ng section president namin dito, si Anna Marie Thurman. "Pakihinaan ang boses, pwede? Kung hindi naman masyadong nakakahiya sa inyo!"



Napaupo ako ng maayos. May good manners naman ako kahit papaano at nirerespeto ko ang class president namin kaya humingi agad ako ng pasensya sa kanya. Hindi ko kasi napansin na nandito pala siya.



"Sorry, Marie."



"Sa sususod, kapag nangyari pa 'to, I'm going to report both of you. Nakakaistorbo kayo!" Masungit na sabi niya na para bang may ginagawa ang lahat at distraction kami, samantalang nagk'kwentuhan lang naman ang iba naming mga kaklase na nandito. "Buti sana kung kayo lang ang tao rito."



"Edi magreport ka. Sinong tinakot mo?" Mas masungit na supalpal ni Gwen. Napatingin ako sa kanya, pinandilatan ko siya ng mata. "Why don't you mind your own business? Sino ka ba? Lumabas ka kung ayaw mo ng maingay! Dun ka sa bundok!"



"Gwen!" Saway ko.



Hindi nakasagot si Anna Marie. Sensitibo pa naman ang kaklase naming ito. Ayaw niya ng sinasagot siya at sinisigawan kaya ako ang nakaramdam ng guilt at awa. Nginitian ko na lamang siya ng pilit, and I mouthed sorry again, but she ignored me. Binigyan niya kami ng masamang tingin at saka siya galit na lumabas ng classroom.



"Nagwalk-out tuloy," usal ko habang nakatingin sa pintuan. Bumaling ako kay Gwen at inismiran siya. "Ayusin mo 'yang ugali mo, sinasaway lang naman tayo!" Minsan talaga hindi ako natutuwa sa ugali ng babaeng 'to eh, sarap ilibing ng buhay. "Ang sama mo sa tao. Tayo na nga ang maingay tapos ikaw pa galit? Paano kapag umiyak yon?! Worse baka magreport nga!"



"Edi magreport siya! Pwede naman kasi tayong sawayin ng maayos eh. Hindi ko siya sasagutin kung 'di siya bida-bida! Anong pinagmamalaki niya, itong—!"



"Oo na! Oo na!" Pagtatapos ko dahil mauuwi na naman siya sa maraming katwiran at reklamo. "Kaya ayaw non makipagkaibigan sa'tin eh."



"Duh. Same here!" Napapalatak na lamang ako. Nangalumbaba ako at ibinalik ang aking tingin sa labas. "Pero Ulap, mabalik tayo sa usapan." Napairap ako. Hindi pa rin kami tapos? "Ano ba talagang nagustuhan mo sa pangit mong crush? Hindi siya gwapo. Okay pa ba 'yang mata mo?"



Napapikit muna ako ng mariin saka ako nagmulat at tumingin sa kanya. "Eh, 'yang mata mo, okay pa ba?" Libak na balik ko. "Ang gwapo kaya niya! Tapos maputi pa!"



Tumaas ang kilay niya sabay singhap. "Gwapo? I don't know lang ha. I doubt that." You always have doubts, gaga. "At anong maputi? Besh, puti ba ang dugo niya? Ba't ang putla niya? Kulang yata siya sa dugo eh. Try mo kayang magdonate ng dugo sa kanya. Hindi mo ba alam na sharing is caring?"



Inis kong dinampot ang pen ko't tinutok sa kanya. "Hindi mo ba alam na mapapatay na kita?" Natawa siya. Agad niyang idinistansya ang kanyang upuan palayo ng bahagya sa akin. "Tumigil kana baka masaksak kita!"



Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER REVISION)Where stories live. Discover now