11: Corrine

2.3K 79 8
                                    

Sinamaan ko ng tingin si Storm ng makitang umiiyak si Karina sa harap nito. Mabilis ang ginawa kong hakbang para makalapit sa kanya. If not for Nixel hand on my arm to stop me ay kanina pa ito hindi makatingin sa pagkakabugbog ko, I'm sure.

There were tears on Karina's face. Kahit walang tunog ang pagluha niya ay alam kong nasasaktan ito. Sa unahan niya ay si Storm na may malaking ngiti habang kumakain ng ice cream. Pinapaiinggit ang Karina ko. Mukhang nasisiyahan pa ito habang nasasaktan si Karina.

Napalingon si Storm mula sa kinauupuan niya sa akin. Lumunok ito ng makita ang nagbabaga kong tingin sa kanya. Inabot niya sa nanginginig na kamay ang bucket ng ice cream kay Karina.

Agad umaliwalas ang mukha nito at inagaw ang hawak ni Storm. Mabilis akong umalis sa pagkakapit kay Nixel at tinalon ang sopa para maabutan ang hawak ni Karina kaso ay nasubo na niya ito at nakangiti pang inangat ang tingin habang nasa loob pa rin ng bibig niya ang kutsarang ginamit ni Storm.

Tangina! Nilingon ko ang nagtatakang si Storm. Tinalon ko ang distansya namin at dinaganan siya saka pinalibot ang braso sa leeg niya para sakalin.

"Aaaahhg. Sor- *cough* na.... Ahhck... Shiit--"

Pinalo niya ang kamay ko pero hindi ko siya tinigilan. After getting satisfied nang makitang halos wala ng dugo sa mukha nito ay saka ko siya binitawan.

Hinihingal na inayos ko ang pagkatayo at pumunta sa tabi ni Karina. Inagaw ko ang kutsara mula rito at tumungo sa kusina kung saan pinilit kong tiklupin ang kutsara dahil sa inis kay Storm. Putangina talaga! Na-indirect kiss niyang tarantado siya si Karina ko. Gigil na gigil kong tinapon ang kutsara sa malapit na basurahan at kumuha ng panibago. Dumiretso ako sa sala kung saan umuubo pa rin si Storm at humihinga ng malalim.

I mentally smirked. Buti nga sa kanyang gago siya.

Tumabi ako ulit kay Karina. Naiiyak niyang tinitigan ang ice cream. Mahina akong napatawa at hindi na napigilan ang sariling kurutin ang kanyang tumatambok na pisngi. Ang cute ng babaeng toh.

Lumingon ako sa gilid ng marinig na mas lumakas ang ubo ni Storm.

Nakaiwas ito ng tingin sa amin at sa tabi niya ay si Sage na tumatawa habang hinihimas ang likod niya.

Sa kabilang dako naman ay si Thunder na may malawak na ngiti at si Nixel na nakatitig sa akin habang naglalaro ng baraha.

"What?" I mouthed at Nixel.

He tsked at umiling iling. He looks dissapointed na ewan.

Tiningnan ko na lang ulit si Karina habang masayang kumakain ng ice cream. She hates sweets. Tanging ice cream lang talaga ang gusto niya kaya pinagbibigyan ko na din.

"Grabe I thought I was going to die." Ani ni Storm.

Inirapan niya pa ako saka tumayo at lumapit kina Nixel at sumamang maglaro.

Lumapit si Sage sa amin ni Karina.

"I'm happy for the both of you."

Nagtataka ko siyang tiningan habang napatigil naman si Karina sa pagsubo at tiningnan siya.

"Happy for what?"

"Tsk! Nevermind." Saka ito tumalikod at pumunta sa table para samahan ang tatlong ugok na yun.

Karina shrugged her shoulder at tinuloy ang pagsubo.

Tinitigan ko pa ang apat na kasama namin dito sa bahay.

"Hindi pa ba kayo uuwi?" Iniwasan kong magmura dahil nasa gilid ko si Karina. Ngayon ko lang napagtanto na nakita niya pala ang ginawa ko kay Storm kanina. I hope she's not angry and didn't get scared. Mahirap pa naman itong amuhin. Napangisi ako. But it's worth it.

"Dito muna kami. Hindi ka na dumadalaw sa base. Fuck you ka!"

Sinamaan ko ng tingin si Thunder na tumatawa. Alam niyang ayaw kong nagmumura sila pag andito si Karina. Tangina! Sinusubukan ata ako ng gagong toh!

"Umuwi na nga kayo."

"Maya na. May race din kami kaya maaga din kaming aalis." Nixel said while his eyes are still fix on the cards he's holding.

"Why don't you go upstairs? Alam naman namin ang dahilan kaya ayaw mo kami dito eh."

Natawa sila at sabay sabay na nag-apir.

"Inuutusan mo ba ako Thunder?" Malimig na tanong ko.

"Nag-sa-suggest lang uy. Grabe ka." Saka ito tumawa at binaba ang isang baraha. "Hah! Lucky 7 mga tol! Ano kayo ngayon?"

"Nandaya ka Gago!"

"Peste! Nakakamatay toh eh."

"Tsk!" Ani ni Nixel at kinuha ang isang shot ng baso na may pinaghalong wine at vinegar as a consequence sa mga matatalo. Kahit gaano pa ito katapang ay hindi niya naiwasan ang mapangiwi dahil sa lasa.

I smirked ng makitang kinuha na rin ni Sage at Storm ang baso at inisang shot lang. Agad napahawak sa kanyang leeg si Sage habang napamura naman si Storm.

Umiling na lang ako at dinala na sa itaas si Karina.

Narinig ko pa ang pag "yun oh!" ni Thunder at sabay nilang tawanan. Kung hindi lang dahil kay Karina ay kanina ko pa ang mga ito pinagsasapak.

-----------------------------------

Napabalikwas ako ng marinig ang pagkalampag sa ibaba. Agad kong hinanap si Karina sa aking tabi ngunit mabilis na dumaloy sa akin ang kaba ng hindi ito nakita sa kama.

Lumuwag lang ang aking paghinga ng makalapit sa CR at narinig ang lagaslas ng tubig.

Agad kong kinuha ang baril sa ilalim ng kama at tumungo sa kwarto kung saan tinatago ko ang mga computer na konektado sa CCTV.

Mabilis kong nahanap sa screen kung saan nagmumula ang ingay. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nakita. Lumilingon ito sa paligid habang pilit na sinisira ang locker code ng pintuan.

Kinuha ko ang laptop sa tabi at i-kinonek ang mga camera dito saka nagmamadaling tinungo ang sala.

Huminga ako ng malalim at pinilit na kalmahin ang dumadagundong kong puso.

Nakita ko si Karina na nakaupo at yakap ang mga tuhod habang nakasubsob ang mukha dito. Naririnig din ang iyak nito at pagsinghot.

"Karina?"

Inangat niya ang tingin sa akin. Lumuluha ang kanyang mata at parang natatakot.

"Gavin? Help me.... They're going to hurt me." Nanginginig ang kanyang boses habang sinusubukan tumayo.

Lumapit siya sa akin pero lumayo ako. I coldly look at her. Pinaharap ko sa kanya ang laptop kung saan plinay ko muli ang video kanina.

Ang pagsubok niyang sirain ang pintuan at ang mabilis na pagupo ng marinig siguro ang pagdating ko.

Mabilis na nawala ang emosyon sa mukha niya. Pinunsan ang mukha at biglaan ding tumigil ang luha Sinuklay niya ang buhok at ngumisi sa akin.

"I see. Alam mo na." Nakangiti lang ito at parang bagot na bagot.

I glared at her na ikinatawa niya lang. Parang hindi ito ang Karina na nakasama niya sa iisang bahay.

"Gavin. Gavin. I never knew it will take you 6 months na matuklasan ang ginagawa kong toh." She played with her hair.

"Who are you?" My voice was cold at tinyak kong buo ito.

Ayaw ko ng nararamdaman na toh. Ayaw ko ang ginagawa ng Karina na nasa harapan ko. Ayaw ko nito.

I hate this hand clenching my chest. Hirap na hirap akong i-digest ang pagbabago ni Karina. Parang humina din ang puso ko sa pagtibok dahil sa nakita.

"Me? Well, Mr. Gavin Cordova, right in front of you is no other than Selena Corrine." Nakangisi niyang saad.

Sold to a DemonWhere stories live. Discover now