01: Beginning

8.7K 161 2
                                    


Haaaay, antagal naman ng susundo sa akin. I've been here for almost two hours. Nakaupo lang ako pero nakakangawit pa rin.

I looked around the place at nakitang madilim na ang paligid. Napahawak ako sa magkabilang braso ko dahil sa lamig at takot.

Open pa rin ang gate ng school at nakikita ko pa rin naman ang guard pero hindi ko pa rin maiwasan na matakot. It's my first time to stay out this late.

I wish I can go home now.

Napatingin ako kay Manong Guard nang marinig ko siyang may kausap. Bigla na lang ang pagkurba ng aking labi nang makita ang kausap niya.

It's Shane!

Tumayo na ako at lalapit na sana ng makitang dumating si Sean at pinulupot ang braso sa bewang ng babae. Babae na best friend ko at alam na ang lalaking kasama niya ngayon ay ang lalaking pinakagusto ko simula pa noon.

Tulala akong napatitig sa kanila. Nagtama ang paningin namin ni Shane pero hindi ako umiwas ng tingin. Why would I?

Nakita kong napayuko siya at umiwas ng tingin pero hindi pa rin ako umiwas. Inalis niya ang kamay ni Sean sa bewang niya at dahan dahan siyang lumapit sa akin at tiningnan ako.

There, written in her face how sorry she was. Like as if she regret Sean being by her side.

No! I won't cry. Nasaktan ako. Oo, sobra. Pero hindi dahil sa inagaw niya ang lalaking alam niyang gusto ko kundi sa kadahilanang trinaydor niya ako.

I thought we're best friends. Why did she betray me?

Nang tuluyan makalapit ay agad niyang sinabi ang salitang alam kong sinasabi niyang kasalanan niya talaga, "I'm sorry. Corrine, I'm sorry." Napayuko siya at hinawakan ng mahigpit ang dalawa kong kamay habang lumuluha na.

Nakita ko ang nakakunot na noo ni Sean na para bang ipinapahiwatig niyang hindi niya gusto ang nakikitang kalagayan ng babae sa harapan. Sinubukan niya pang hawakan ang babae ngunit inaalis din nito by shrugging her shoulders.

Inalis ko ang pagkaka-hawak ni Shane sa dalawa kong kamay. Mahigpit yun pero sinubukan ko pa rin.

Nakita ko ang pag-daan ng gulat sa kanyang mukha ng inangat niya ang tingin. Mas lalo siyang napaiyak ng makita ang sakit na nakabalatay sa mukha ko.

Masakit naman kasi talaga. Alam niya kasing sobra kong gusto si Sean. Pero ano tong ginawa niya? She clearly betrayed me. She should have just told me na gusto niya rin si Sean at gusto rin siya nito.

I smiled at her, "It's okay. Let's talk about it some other time. For now just go home."

Pinahid niya ang kanyang mga luha at tumango. Buti naman. Dahil kung ipipilit niyang ngayon baka masabunutan ko siya sa harapan ng jowa niya ata. At knowing Shane? Hindi yan lalaban at hahayaan akong gawin  yun.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Taka niyang tanong.

"I'm waiting for the family driver. Kanina pa nga eh."

"Why don't you come with us? We'll just drive you home, right Sean?" Binigyan niya ng nagsusumamong tingin ang lalaki kaya napatango na lang din ito.

I know her intention was pure but I can't help but rolling my eyes. Geez, ang manhid niya ah!

"No thanks. I can manage. At hindi ko pa kaya makitang magkasama kayong dalawa dahil ngayon palang nagsi-sink in sa akin ang lahat." Umupo na lang ako sa mahabang bench ng waiting shed.

"Sean dito na lang muna ako. Sasamahan ko na lang muna si Corrine sa pag-hihintay dito."

Mabilis naman ang pag-angal ng lalaki. "But---"

Sold to a DemonWhere stories live. Discover now