08: Control

2.7K 91 22
                                    

Nilagyan ko ng cap ang ulo niya. Saka pinasuot na rin siya ng sunglasses. Mahirap na. Baka kahit nakadisguise na ako ay may makakakilala pa rin sa akin.

"Hey Karina! Stop running." Mabilis ko siyang hinabol at hinawakan ang kamay niya.

As much as I want her to enjoy this day, sorry but I can't give her freedom. Masyadong maraming tao. I don't want to lose her.

Nakita ko siyang nakahawak sa glass wall ng toys department at may tinitigan doon. I followed her gaze. May blue fluffy cub bear doon with necktie around its neck. Saka may vest din itong gamit. Hinila ko siya papasok.

Parang kuminang ang mga mata niya. She happily look around. Malaki ang department kaya hinihila niya ako kung saan niya nais.

"Tingnan mo Gavin oh! Ang cute. I want that. And that. Those din. Buy one for me. Hmm? Hmm?" Cute na cute niyang sabi.

Ngumiti na lang ako saka tumango. "Choose anything you want."

She nodded her head saka pinalibot ang tingin. Nabigla na lang ako ng binitawan niya ang kamay ko at tumakbo paalis.

I smiled then followed her.

Inabot niya ang life size blue teddy bear at niyakap yun. Lumingon siya sa akin. And damn! She looks so innocent I can't look away.

Madaya. Why does she has power over me? Feeling ko kayang kaya niya akong kontrolin. And I like this feeling. Masyadong nakakalulong.

Muli niyang binalik ang stuff toy. I saw her nose get red. Nagsimula na rin siyang mamula. Mas lalo akong nabahala ng makitang nahirapan na siyang huminga.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya. "Hey, what's wrong?"

Mahigpit siyang humwak sa braso ko pero hindi sumagot.

"Karina, what's wrong?" Huminga siya ng malalim Pero hindi pa rin sumagot.

"Baby please." I plead. Nakita kong may lumapit na clerk sa gilid ko.

"Mukhang may allergy po yo
ung girlfriend niyo sir." Anito.

Nilingon ko siya. "What should I do then?"

"May pharmacy pong malapit dito, pwede nyo po siyang bilhan ng gamot."

Sinandig ko si Karina sa dibdib ko, saka kinuha ang wallet sa bulsa. I took 2 thousand and gave it to her.

"Buy it for me. I can't leave her alone."

Tumango lang ito saka dali dali na ring umalis. Inakay ko si Karina palabas ng department at pinaupo sa pinakamalapit na bench. I took off my glasses.

Hinimas himas ko ang likod ni Karina whilst looking around the place.

What took that girl so long? Akala ko ba malapit lang ang pharmacy? Damn. I should have gone there.

Niyakap ko si Karina saka Paul it ulit na hinalikan ang tuktok ng ulo niya.

"It's going to be okay baby. Hold on. Just breath okay?"

I waved when I saw the girl. Lumapit ito sa amin.

"What took you so long?" I hissed then took the cellophane she was holding. Nilayo ko muna si Karina. Hinalungkat ko ang plastic bag at inabot ang isang tablet. Binalatan ko ito saka binigay kay Karina.

"Eto po tubig. Wala po kasing mineral water sa pharmacy kaya naghanap pa po ako." Sabi nito saka lumuhod.

Hinawakan niya ang tuhod ni Karina. "Okay ka na ba, miss?" Tanong niya.

Sold to a DemonWhere stories live. Discover now