07: Date

3.8K 110 12
                                    


"Which one do you like?" Tinaas ko ang dalawang damit na hawak.

Sumandig ako sa gilid ng pintuan ng CR. Kasalukuyang kinukusot ni Karina ang buhok habang natatakpan ang kahubdan gamit ang bubbles sa loob ng tub.

Pareho pa rin ang epekto sa akin ng mga simpleng galaw niya, pero ngayon medyo alam ko na kung paano kontrolin.

She stared at the pink dress. Magkasalubong ang kilay at nginunguya ang ibabang labi.

I smiled. Ang cute lang niya.

"You like this one?" I raise the blue dress.

Umaliwalas ang mukha niya at tumango.

Tumalikod na ako dala ang mga damit niya.

"Gavin?"

Lumingon ako kay Karina at marahang ngumiti.

"Why? You need something?"

Umiling lang siya at binalik na ang tingin sa tubig.

I shrugged my shoulder at dumiretso sa kama. I left her dress on top of the bed at binalik ang pink sa closet.

Habang inilalagay ang dress niya ay may nahagip ang mata ko. Her plain white bra.

Ngumisi ako ng may matandaan. It was two weeks ago. Her lips still lingers. Feeling ko kahapon lang nangyari ang halik na yun.

I really can't get enough of her.

Malambing kasi si Karina. Madaling i-please, madali rin magtampo. Day by day parang nagiging normal na ang pakikitungo niya. Hindi na siya parang bata pero minsan ganun pa rin. She's also a brat. Kung ano ang gusto niya dapat yun ang sinusunod.

Napangiti ako ng matandaan ang pag-iyak ni Karina dahil kinain ni Storm ang icecream niya. Mahina lang ang iyak niya pero sobra kang mag-aalala kasi hindi siya gumagawa ng ingay.

Naalala ko rin ang pag-apak niya sa paa ko at hindi pagpansin sa loob ng dalawang oras dahil lang sa namali ang pagluto ko ng egg. She said she wants something fried egg. I gave her scrambled egg. Malay ko bang sunny side up pala ang gusto niya?

Minsan din nung bumili ako ng slipper para sa kanya, yung malambot at masarap sa paa. It was a blue one. Nung binigay ko yun sa kanya mangiyak ngiyak siya pero ang lapad ng ngiti. Buong araw siyang good mood at lagi akong niyayakap.

She's very lovely. Marami pa siyang hindi alam gawin. Pero yung iba parang natural lang na lumalabas. Kung dati ako pa nagpapaligo sa kanya ngayon hindi na. Dati hindi rin siya marunong magdamit ngayon kaya niya na. Hindi nga lang siya marunong maglagay ng bra.

She ask lots of questions. Masyado siyang curious sa mga bagay bagay. Andami niyang why's and how's. Like how the hell would I know kung ilang stitches ang ginawa sa dress na gusto niya. Kung bakit iba ang lasa ng olive oil sa coconut oil sa corn oil. Kung paano ang wood nagawang paper.

Minsan kung kaya kong sagutin, sinasagot ko naman. Pero pagnaiinis na ako kasi andami niyang why, I would just glare at her and she would say sorry with a pout.

Ganun lang kadali siyang mapatawad. Hindi nga ata umaabot ng 5 segundo ang inis ko sa kanya. Ang bilis niya kasing maglambing.

I stiffen when I felt arms snake around my waist from my back. Napangiti ako at inalis ang yakap niya. I turn around to face her lovely face.

Nakatowel lang siya at basa pa ang buhok. I grabbed one towel on my side at pinatong yun sa ulo niya. I massaged her head at pinatuyo ang buhok niya.

"Yuko ka muna."

Alam niya na ang gagawin ko kaya hindi na siya nagtanong pa.

She bowed her head, I took that chance to gather her hair and wrap all of it in the towel.

"It's done."

She raised her head at ang ganda lang niyang tingnan. Namumula kasi ang pisngi at kagat kagat ang labi.

I grinned. "Get dress."

"Okay." Nilagay niya ang mga kamay niya sa bewang ko.

Nakatitig siya sa akin at ngumiti.

"What?" Tumaas ang kilay ko.

Karina loves to stare at obserbahan ang mga bagay bagay. Isa sa napansin ko sa kanya ay ang pagiging matalino nito. Hindi siya makalimutin at magaling siyang mag-analyze ng mga bagay bagay.

Umiling siya muli at inalis na ang ang kamay sa bewang ko. Kumuha siya ng blue na bra at sinuot yun. Tumalikod siya sa akin at hinayaan akong i-hook ito.

Tinapik ko ang balikat niya pagkatapos. Parang sinasabing hooked na. Tumango siya habang nakatalikod pa rin sa akin at pumunta ng kama para kunin ang kanyang damit.

Sumunod ako sa kanya palabas. I just watched her get dress. Nakatupi ang mga braso ko sa dibdib at nakatitig lamang kay Karina.

Pagkatapos ng ilang minutong pag-aabot sa zipper ng dress sa likod niya ay natapos din siya sa damit. Dumaan siya sa gilid ko para pumasok sa closet.

Napasimangot ako. Sungit. Hindi man lang ako binigyan ng tingin.

Dala dala niya ang silver sandal sa kanang kamay ng pumunta siyang kama.

I sigh. Hindi talaga ako pinansin.

Naglakad na lang ako patungong pintuan at lumabas pagkatapos magpaalam.

Maghihintay na lang ako dito sa sala. Tinandaan ko ang mga pangyayari ngayon araw. I know my Karina. Inis yun sa akin. At yun ang hindi ko alam.

I was so lost in my own thoughts kaya hindi ko naramdaman ang pag-upo ni Karina sa tabi ko. Halik niya lang sa leeg ko ang nagpabalik ng isipan ko sa kasalukuyan.

Pinatong ko ang baba ko sa taas ng ulo niya at malakas na bumuntong hininga.

I hugged her from her waist and pushed her even closer.

"What did I do wrong?" I asked her with a sigh.

Tinulak niya ako para matingnan. Makikita ang inis sa mukha niya kaya napangiti ako. I like it when she's irritated.

"Try to remember, Gavin. Naiinis na ako sayo ngayon." She pouted her lips at bahagyang hinihigpitan ang hawak sa bewang ko.

"That's why I'm asking you kasi hindi ko alam ang dahilan. I don't remember I did something wrong."

Mas lalo siyang napanguso. I flinched when I felt her hold getting even tighter.

"You forgot to wake me up this morning. And you ate breakfast on your own. I hate you Gavin."

I chuckle. "I tried to wake you up sweetheart pero masyado kang mahimbing matulog. And you woke up at 1 pm." Inangat ko ang baba niya para ipatong sa balikat ko. I buried my face on her neck. "I'm sorry baby. I was hungry. Kaya mo bang makita akong gutom?"

She pushed me to look at my face. She stared at me kaya nagpa-awa ako sa kanya.

Umiling lang siya. Dahan dahan niyang pinalibot ang mga braso sa leeg ko. Pinatong niya ang baba sa balikat ko. She lightly tapped my back. Parang nangkakalma lang.

I smiled at hinigpitan ang yakap ko sa bewang niya. See, ang lambing ng baby ko.

"Wag na iyak Gavin. Ayaw kong iyak ka." She sighed.

Tinulak ko siya ng bahagya para matingnan. Nginitian ko siya at pinatong ang kamay sa ulo niya. Hinimas ko muna yun bago tumayo.

"Hindi na. Ikaw galit ka pa rin?" Tanong ko sa kanya.

Umiling lang siya at tumayo na rin. Pinalibot niya ang braso sa braso ko saka ako hinila palabas.

"Good. So where do you want to go first?"

Pinatunog ko ang kotse bago binuksan ang shotgun para kay Karina

Guess, it's time for our first date.

Sold to a DemonWhere stories live. Discover now