Kabanata VI

101 29 18
                                    

"Ven, puwede mo ba akong samahan na maghanap ng church building?"

Kasalukuyan kaming nasa laundry shop ngayon. Ang balak naming mag-hand washing ay hindi natuloy dahil tinamad si Venus, pati tuloy ako ay pinilit niya na lang din sa laundry shop.

Ganito talaga ang buhay, minsan masipag at minsan tamad. At dahil sa pera, kaya na lang nitong tumbasan ng bayad ang katamaran.

Kapag nalaman nila Mama at Lola na umaasa na rin ako sa laundry shop, tiyak akong makatatanggap ng maraming putak. Ang babae raw kasi ay dapat masipag sa gawaing bahay kagaya ng pagluluto, paglalaba, paghuhugas ng pinggan, pagwawalis at paglilinis sa loob at labas ng bahay.

That's life. You need to work in order to survive.

"Ohw? Are you sure, Maria? You know we're not in the same religion, pero sige sasamahan kita," aniya saka kinuha ang headset sa bag at ipinasak sa magkabilaang taenga.

She's a music lover, but I'm not. She's a Catholic Christian, but I'm not. She loves beauty and fassion, but I don't care about that. We're best friend with opposite stuffs in life.

Kontento ako sa kung ano'ng mayroon ako at mas masaya ako dahil hindi ko kailangang ipagpilitan ang sarili ko sa iba para lang magustuhan. Ang totoong pagpapahalaga ay kusang nagpapakita ng pagmamahal.

"Salamat." Ngumiti kami sa bawat isa at nagsimula nang maglibot para maghanap ng church building.

Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na maghanap ng simbahan dito sa Maynila. Madalas kasi akong bumabiyahe pauwi ng probinsya tuwing Biyernes ng tanghali pagkatapos ng klase ko at bumabalik pa-Maynila pagkatapos ng church service tuwing Linggo. Pero ngayong ikadalawang taon namin sa kolehiyo ay may mga nabagong schedule kaya tuwing vacation breaks na lang ako makakauwi ng probinsya at ganoon din si Kuya.

Wala pang sampung minuto ang nakalipas sa paglilibot namin nang may nakita na ako. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng simbahan at tila ba may nag-uudyok sa akin na dito ako a-attend bukas ng church service.

"Sure ka na diyan, Maria?" kunot noong tanong ni Venus.

"Oo. Gusto mo isama kita bukas?"

Nalukot ang kanyang mukha sa narinig. Alam ko na to, eh. Hindi kasi siya relihiyosa.

"Sige na, please?" pagpupumilit ko.

Ngumuso siya at 'di nagtagal ay pumayag na.

***

Kinabukasan, maaga akong nagising at nag-ayos. Nagsuot ako ng bulaklaking mahabang itim na palda na umaabot sa bukong-bukong ng aking paanan. Pinaresan ko iyon ng pink na tshirt at in-insert.

Pinagmasdan ko ang sarili sa malaking salamin at nakita ang repleksyon ng isang inosenting babae. Sunod kong inayos ang aking mahabang buhok at ipinusod. Pagkatapos ay wala nang inilagay sa mukha.

"Venus, bilisan mo nang maligo diyan. Alas siyete na!" sigaw ko sa banyo.

'Di nagtagal ay handa na kami't humayo. Muntikan ko pang makalimutan ang maliit na Bibliya na inilagay ni Mama sa maleta ko.

Lead me to the cross
Where Your love poured out
Bring me to my knees
Lord I lay me down
Rid me of myself
I belong to You
Lead me, lead me to the cross...

Pagkarating namin ay nagsisimula na ang Praise and Worship service. Kapwa namin iginala ni Venus ang mga mata sa loob ng simbahan habang naghahanap ng bakanteng mauupuan.

That Old-Modern GirlWhere stories live. Discover now