Kabanata I

232 45 46
                                    

Proverbs 16:3 Commit to the Lord whatever you do, and your plans will succeed.

---

Pasado alas singko na ng umaga nang magising ako't tulala sa kisame. Ilang saglit pa'y lumabas na ako sa kwarto at bumaba sa hagdan na yari sa kahoy. Talagang halatang pangsinaunang panahon ang disenyo ng bahay namin dahil pamana pa ito mula sa mga ninuno namin. Renovated na ang ibang parte ng bahay dahil wala namang bagay sa mundo na hindi nagiging luma kaya kailangan ding palitan at baguhin.

Natakam ako bigla nang maamoy ko ang alingasaw ng bawang mula sa niluluto ni Lola Hermie. Dumeretso muna ako sa banyo kasama ang tuwalyang nakasukbit sa aking balikat para sana maghilamos. Kaso dinig na dinig ko ang tagaktak ng tubig sa loob niyon kaya't napagtanto kong gising at naroon na si Kuya John Ril, lagi naman kasi siyang maagang gumigising kabaliktaran ng dalawang nakababatang kapatid namin.

Gumigising si Lola Hermie nang maaga para mag-asikaso kaya lagi ko siyang nadaratnan sa kusina tuwing umaga. Pagpasok ko sa dining area ay naroon na si Mama na abala sa paghahanda ng tinapay at pangkape. Si Papa naman ay may hawak na newspaper.

"Magandang umaga po sa ating lahat," bati ko.

"Magandang umaga rin sa iyo. Anak, halika't mag-almusal na muna. Naunahan ka na naman ng kuya mo ngayon sa banyo, mukhang may pinagkakaabalahan ang kuya mo ngayon sa school at napapaaga na ang byahe pa-Maynila, ano?" sabi ni Mama habang naglalagay ng peanut butter sa slice bread.

"Hindi ko po alam, Mama. Baka may napupusuan na," tugon ko saka mahinhing tumawa.

Iwan ko ba't pinalaki akong tila kalahi ni Maria Clara. Bukod sa magalang at mahinhin, para akong sinaunang Pilipinang namumuhay sa modernong mundo.

"Maria, may sinangag at pritong itlog na luto na diyan. Kumain ka na't huwag mag-isip ng kung anu-ano. Bawas-bawasan mo ang stress, tingnan mo kagabi hindi ka na nakakain dahil bagsak ang katawan mo sa kagagawa ng mga school activities. Baka'y magkasakit ka niyan." Bakas ang pag-aalala sa boses ni Lola nang makalapit sa hapagkainan at inilapag ang nilutong daing (fried fish).

"Hay naku Lola, huwag po kayong mag-alala. 19 anyos pa lang ako kaya malakas pa ho ako, kayo po ang huwag magpapagod," sabi ko saka tumayo't niyakap si Lola.

"Anak, kumusta naman ang pag-aaral mo sa Hilton University? Hindi ka ba inaano ng mga kalalakihan doon?" biglang tanong ni Papa nang maisantabi ang binabasang dyaryo.

"Hindi naman po, Papa. Takot na lang nilang isumbong ko sila sa inyo," tugon ko at natawa.

"Ganun ba? Baka kasi api-apihin ka roon. Ayoko namang makawawa ang Maria Clara namin," ani Papa saka tuluyang tinapos inumin ang natitirang kape niya sa tasa.

Mayamaya'y lumabas na si Kuya sa banyo kaya ako naman ang susunod.

"Maria! Sabay tayo sa byahe mamaya." Bungad ni Kuya mula sa banyo.

"Ah, sige. Bakit napaaga ka ng gising, Kuya? Ano'ng pagkakaabalahan mo, eh mamaya pa namang alas otso ang byahe natin?" tanong ko bago pa man magsara ng pinto.

"Wala naman. Bakit masama ba?"

"Inspired siguro ito, ano?" sabat ni Lola at iniabot ang tinimplang gatas kay Kuya. Hindi naman sa spoil, sadyang ganyan lang kabait si lola mag-asikaso.

Ngumiti lang si kuya at tuluyan nang nilantak ang almusal niya. Nagsigising na rin ang dalawa pa naming kapatid na babae. Hindi ko na narinig kung ano pinag-usapan nila sa hapag kainan dahil tinatawag na ako ng kalikasan.

***

Muli kong sinulyapan ang sarili sa malaking salamin sa loob ng kwarto ko. Hindi kayang magsinungaling ng salamin sa aking nakikitang babae roon. Mahaba ang itim na tuwid nitong buhok na medyo kulot sa dulo na umaabot sa baywang. Hindi ito maputi dahil katamtaman lang ang balat nitong morena. Mapungay ang mga mata at mahaba ang mga pilik. Maliit ang ilong nitong hindi gaanong matangos at maging ang labing binahiran ng kaunting pulang lipstick. Nakasuot ito ng puting tshirt na pinaresan ng plantsadong itim na slacks. Walang kahit anong kalurete maliban lang sa relos na suot.

Bago pa man ako mapag-iwanan nila Kuya, nagmadali na ako't isinara ang sling bag ko saka isinukbit sa balikat. Nang buksan ko ang pinto para lumabas na sana ng kwarto, naalala ko ang makapal na notebook ko na lagi kong dala-dala kaya bumalik ako sa study table malapit sa bintana at kinuha iyon. Ang cover nito ay may design at title na "Passion de Calligrafia".

Nadatnan ko si Kuya sa labas ng gate at naghihintay na sa loob ng kotse sina Papa, Mama, Lola at 'yong dalawang kapatid namin na nag-aaral sa isang religious school. Ihahatid kasi kami nila sa terminal ng bus na may mahigit isang kilometro ang layo dito sa hacienda ng mga Santiago.

Sa Maynila kami nag-aaral ng kolehiyo ni Kuya. At dahil taga La Union kami, kailangan naming magbyahe pa-Maynila bago sumapit ang Lunes. Weekend at vacation breaks lang kami umuuwi ni Kuya sa probinsiya, depende kung makakabyahe kami minsanan ng Biyernes dahil hanggang umaga lang naman ang klase namin tuwing araw na 'yan. Hindi kami parehas ng kursong pinag-aaralan ni Kuya. Mas matanda siya ng dalawang taon sa akin at graduating na rin siya samantalang ako ay nasa 2nd year college pa lang sa kursong BA in Language and Literature.

Nang makasakay na kami sa bus, umidlip muna ako. Pero bago pa man ako tuluyang makatulog, may biglang sumagi sa isip ko na nangyari noong nakaraang linggo.

Nang tinahak ko ang hallway papunta sa room 328, aksidenting may nakabangga sa akin sa gitna nang paglalakad ko sa tapat ng engineering building. Nabitawan ko ang hawak kong notebook kaya napatigil ako at tinapunan ng tingin ang nakabangga sa akin.

Matangkad at maputi, matangos ang ilong, nakawhite t-shirt, at may itim na backpack na nakasukbit sa kanang braso nito. Seryoso ang mukha niya na tila bad trip pa pero hindi ko 'yon pinansin. Lumuhod ako at inilagay sa dibdib ko ang kaliwang kamay para hindi ako masilipan saka pinulot ang makapal kong notebook. Tinapunan ko muli ng blankong tingin ang lalaki bago tuluyang umalis.

"Hey!? I'm sorry!" pahabol na sigaw ng lalaki pero hindi ko na nilingon pa.

Walang galang! Matapos akong mabangga at kitang nahulog ang gamit ko, hindi man lang kusang pinulot.

Puro pa naman mga lalaki ang nasa engineering building na nakakita sa banggaan namin at hindi man lang nagpaka-gentlemen ang lalaking iyon. Nakakahiyang pagtinginan. Kunsabagay, wala na sigurong lalaking katapat ang gaya kong Maria Clara sa modernong panahon ngayon.

Save boys who are gentlemen. Only few left. Phew!

That Old-Modern GirlWhere stories live. Discover now