Kabanata III

118 35 13
                                    

Lumipas ang tatlong araw simula nang maganap ang pagkadawit namin sa disciplinary office. Buti na lang at first offense pa lang 'yon, kaso hindi ko talaga matanggap na nadamay ang pangalan ko, pakiramdam ko tuloy iba na ang tingin ni Mrs. Ren Salvador sa akin.

"Maria?"

Walang buhay kong nilingon si Venus na abala sa pagsusulat ng assignment habang wala pa ang aming professor para sa next subject.

"Bakit ang tamlay mo? Iniisip mo pa rin ba 'yong nangyari sa cafeteria noong lunes?" tanong niya at saglit na huminto sa pagsusulat.

"A-ah, hindi naman. Inaalala ko lang si Mrs. Ren Salvador, baka kasi kung ano na ang tingin niya sa atin. Nakakahiya talaga." Nag-iwas ako ng tingin at nagsimulang magsulat para sa mga artikulo na kakailanganin sa school news paper.

"Ano ka ba, hindi gano'n si Mrs. Ren. Seryoso talaga siya pero hindi naman siya magtatanim ng masamang impression. Huwag ka nang mag-alala. Past is past," aniya at ngumiti nang malawak saka nagpatuloy na ulit sa pagsusulat.

Pagsapit nang tanghalian, pumunta kami ni Venus sa mall para bumili ng mga gamit pang dekorasyon sa SPR. Nais daw kasi nila Ginang Apostol na baguhin ang mga disenyo sa apat na sulok ng kwartong iyon.

"Nasaan ba si Cris? Bakit wala siya kanina sa morning class?" tanong ko kay Venus na abala sa paglilibot ng kanyang mga mata sa paligid. Ako naman, heto at hindi makatingin ng maayos sa nilalakaran. Hindi kasi ako sanay sa lugar na maraming tao. Mas gugustuhin ko ang magkulong sa bahay or sa dorm kaysa gumala.

"Ewan. You know, baka napuyat na naman sa kdrama," aniya at biglang pumasok sa national book store.

"Bakit ba gustong gusto niyang manood ng kdrama? Mas gusto niya na ba ang Korea kaysa sa Pilipinas na bansang sinilangan niya?"

Natawa si Venus sa aking nasabi. Hindi kasi ako mahilig manood ng tv, malamang ay hindi rin ako nanonood ng mga drama or movies. 'Yong tanging laptop na mayroon ako ay ginagamit ko lang para sa school stuffs pati ang internet.

"Duh, seriously, Maria Lourdes Agatha Santiago, sa tingin mo bakit kaya maraming nahuhumaling sa taga ibang bansa?"

Saglit naman akong napaisip sa tanong niya. "U-uh, ewan. Wala akong masabi."

Tumawa ulit siya saka nagsimula nang dumampot ng kung anu-anong pang-abobot sa SPR.

"You know why? First, because of their looks. Second, because of their attitude and posture. Third, seems like they are embracing others culture, and the rest are their own reasons. Hindi ka lang kasi nanonood ng mga ganoon kaya hindi mo ramdam or hindi ka maka-relate sa kanila," mahabang litanya niya.

"Hmmm, siguro nga."

Iginala ko ang sariling mga mata sa mga book shelves. Animo'y hinahatak ng mga iba't ibang libro ang aking atensyon, kaya dumako rin kami roon baka sakaling may magustuhang bilhin.

"Maria, gusto mo bang magbasa ng Manga?" tanong ni Venus sabay taas ng kanyang kaliwang kamay para ipakita ang Manga na sinasabi niya.

"A-ah, gusto naman. Bibili ka ba ulit niyan?"

"Oo. Pahiramin na lang kita, then just buy next time if you will like it," aniya. 'Di kalauna'y dumampot ako ng isang inspirational book at 'yon na lang ang binili.

Pagtapos naming mamili sa NBS, napag-desisyonan naming kumain na lang sa Jollibee. Habang naghihintay sa aming order, may tatlong lalaking pumasok sa entrance. 'Yong isa ay may nakasukbit na lalagyan ng gitara sa balikat niya. 'Yong dalawa naman ay pamilyar na pamilyar. Bigla kong itinutok ang tingin kay Venus na ngayo'y nakamulagat na rin ang mga mata. Alam na alam niya na siguro kung ano ang gusto kong ipahiwatig.

"Wow naman! The world is so small for us. Ang daming ibang restaurant or food court sa labas, bakit dito pa sila? At saka mayroon naman 'yong cafeteria sa school, bakit dito pa? Seriously? Nananadya ba ang tadhana?" Naiinis na litanya niya. Wala naman akong pakialam sa kanila kaya kalma lang ako. Pero itong kaibigan ko, mukhang sasabog makita pa lang ang dalawang iyon.

"Ano ka ba? Kumalma ka saka huwag mo na lang silang tingnan. Act like nothing happened."

"Wow! Is that you, Maria?" Halata sa tuno niya ang sarcasm.

Mayamaya'y dumating na ang order namin kaya nagsimula na kaming kumain. Ngunit 'di nagtagal ng dalawang minuto ay naupo sa kasunod naming table ang tatlong lalaki.

Nang mapansin kami 'nung isang lalaki na natatandaan kong Brenan Yu ang pangalan, bigla niyang tinapik sa balikat 'yong nagngangalang Rafael Olivares. Sakto namang pagtingin ni Rafael sa puwesto namin ay ang paglipat din ng tingin ni Venus sa puwesto nila. Hindi ko tuloy naiwasang mapangiti ng lihim para sa dalawa. Sabay rin agad silang nag-iwas ng tingin. Maski iyong si Brenan ay natawa. Hindi ko na tuloy naiwasang mapangiti na siyang ikinangiti rin nito. No feelings involved, pero pakiramdam ko ay mabait naman sila. Hindi lang talaga maganda ang naging pagkakakilala nila Venus.

"Hi. Nice meeting you again, Ms. Santiago and Ms. Parker," nakangiting bati ni Brenan. First impression ko sa kanya ay talagang may pagka-friendly na bubbly ang taong ito.

Ngumiti na lamang ako bilang tugon while Venus just ignore him. Nang mapatingin si Rafael sa akin, he just nod as a greetings. 'Yong isa namang kasama nila na may dalang gitara kanina ay nagmamasid lang sa puwesto namin ni Venus. Wala pa kasi ang order nila kaya hindi naiwasang mapagawi ang atensyon nila sa amin.

Habang kumakain ay walang nagsalita sa amin ni Venus. Ramdam ko kasing ayaw niyang magsalita sa mga oras na ito. Madaldal siya, pero kapag may kinakainisan siya ay talagang tikom ang bibig niya.

Dinig na dinig namin ang boses ng tatlo sa gilid. Mukhang matagal na silang magkakaibigan.

The thing I love about myself is being observant but not judgemental.

Nagbabasa ako ng mga librong mystery/thriller genre aside from historical fictions and inspirational book kaya hindi ko maiwasan ang deduction skills ko. I do criticism but mostly in a constructive way.

Takaw-tingin ang ginagawa ko sa paligid. 'Yong tipong maingat dahil takot na mapintasan ng iba. Naniniwala kasi ako sa sinabi ni Mama na 'kung paano mo tingnan ang iba ay maaaring ganoon din ang tingin nila sa'yo.'

Napansin ko talagang may pagkaseryoso si Rafael, pero iba siya sa mga kaibigan niya. He's formal yet catchy. Si Brenan naman ay talagang masasabi mong friendly at bubbly. 'Yong isa ay hindi ko kilala. Sa Hilton University rin ba kaya ito nag-aaral? Bakit parang hindi ko naman siya nakikita roon? Bakit may dala siyang gitara?

Is he a music lover?

Bakit ba ako masyadong maraming tanong ngayon sa isang taong ngayon ko lang nakita? Parang may mali. Parang sa ikadalawang taon kong pamamalagi sa Maynila ay unti-unti na ring nagbabago ang mga perspective ko sa buhay.

#Changing

That Old-Modern GirlWhere stories live. Discover now