Kabanata X

9 3 3
                                    

MARIA LOURDES AGATHA SANTIAGO POV

Madilim, mahangin at malakas ang bugso ng ulan ngayong araw ng Sabado. Inaasahan na magdudulot ng tropical depression dahil noong Huwebes pa lamang ay may nakapasok ng low pressure area. Kahapon naman ay tirik pa ang araw sa umaga ngunit pagsapit ng hapon ay nagsimula nang bumagsak ang malakas na ulan, at ngayo'y halos 'di na tumili na siyang naghahatid ng pagkabahala.

Kasalukuyan naming tinatanaw ni Venus sa bintana ang paligid na tila ba nagdadalamhati ang panahon, parang galit na nais maghiganti. Naisip ko bigla kung ano na ang kalagayan ni Kuya John Ril sa dorm nila.

Okay lang ba kaya siya roon? Hindi ba siya giniginaw? May makakain pa ba si Kuya roon?

"V-Venus? Hindi ba natin puwedeng puntahan ang kabilang dorm? Nag-aalala ako kay Kuya."

Halata rin ang pagkabahala sa mukha ni Venus. Iba kasi ang dating ng bagyo ngayon, parang aabot pa sa super typhoon.

"Ano ka ba, Maria?! Kita mo na'ng malakas ang ulan at bumabaha na sa labas. Baka mapaano pa tayo at mas mag-alala si Kuya John. Dito na lang tayo. I-te-text ko na lang siya pati si Cris."

Medyo napapasigaw si Venus ngayon. Wala akong magawa kundi ang pagmasdan na lamang ang pag-iyak ng kalikasan. Hindi rin kasi maganda ang pakiramdam at mood ko ngayon dahil sa PMS kaya heto ako't napapa-mood swing. Ito 'yong problema ng mga babae na kailangan tapatan ng self-control.

Pasado alas siyete na ng umaga at wala pang laman ang mga tiyan namin. Sa huli ay nagluto na lamang ako ng noddles para sa aming dalawa. Mabuti na lang din at nag-grocery kami kahapon. Iyon kasi ang bilin nila Mama at Lola na kapag daw masama ang panahon ay mas mabuting maging handa at mag-imbak na ng makakain kahit 'yong mga nakadelata or noddles lang. Mahirap na't siguradong magba-brown out pa.

"Maria, pakiabot nga 'yong phone ko na nakalapag sa mini table malapit sa socket 'jan sa kwarto." Kinuha ko ang laptop ko pati ang phone niya sa nasabing puwesto.

Kumakain kami habang nakatutok ang mga mata sa screen ng pinagkakaabalahan.

Maya-maya'y biglang nagsalita si Venus. "Mag-open ka sa account mo. May message sa group chat. As expected, canceled ang meet up."

Since she already told me about the news, 'di na lang ako nagbukas ng account ko. May mas importante pa akong paglalaanan ng oras ko. Mas mabuting tapusin ko na lang ang pag-e-edit sa mga nakatambak na soft copy ng mga articles ng Tinta Pluma school paper.

Wala pang tatlong minuto ang nakalipas ay nagsalita na naman siya while reading something on her phone. "Maria, nag-reply na si Kuya John Ril. Sabi niya okay lang daw sila roon. Take care daw. Then, pinapasabi raw ng Mama ninyo na bumili ka na raw ng phone mo."

Bigla akong napataas ng kilay sa huli niyang nabanggit. "E, ano naman ba kasi kung wala akong phone? Bakit naman kaya ako pinapabili ngayon? Gano'n na ba kaimportante ang cellphone ngayon? May laptop naman na ako. Okay na 'to, paki-reply na lang din niyan si Kuya."

At dahil may mood swing ako ngayon, nahahawaan ako sa ugali ni Venus na may pagkamataray.

Tinapunan niya ako ng what's-with-that-mood-look. "Matalino ka ba talaga o ano? Alam mo sa panahon ngayon, ang cellphone at pera ay nagiging needs na rin natin. Malay mo na-mi-miss ka nila kaya kaysa sa makihiram ka sa phone ng kuya mo ay direkta ka na lang nilang tatawagan para makausap. At isa pa, baka nag-aalala sila dahil may bagyo rito ngayon."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That Old-Modern GirlWhere stories live. Discover now