Kabanata VII

42 15 9
                                    

Tila kidlat ang pagdaan ng mga araw. Ang kahapon ay ngayon at ang ngayon ay bukas na naman. Paikot-ikot lang ang buhay ng tao.

"Maria, kaya mo 'yan! Ano ka ba naman, girl! Pumunta ka na sa music room!"

Kasalukuyan akong pinagtutulakan nina Cris at Venus ngayon. Tuwing Miyerkules ay malaki ang vacant time ng mga estudyante ng Hilton University kaya ito na ang araw at oras na puwede kong ma-interview ang President ng Mi Musika.

"Maria, what's wrong with you? Bakit nagkakaganyan ka ngayon? You've really change a lot!"

Napasimangot na lamang ako sa harapan nila habang nakapangalumbaba sa mesa. Medyo maingay ang paligid ng cafeteria ngayon dahil breaktime na.

"Sige na nga, lalakad na ako."

Lugmok ang mukha akong lumabas doon tangay ang isang kwaderno, panulat at tumbler na puno ng malamig na tubig. Nasa bulsa ko rin ang recorder.

K-kaya mo 'yan... Langgam lang 'yan...

Sigaw ng isang panig sa aking isipan.

Pagkarating ko sa tapat ng Music room, nagpakawala ako ng malalim na paghinga saka ikinawag-kawag ang aking mga kamay habang nakaipit ang kwaderno sa aking kilikili.

"Come on, go in. Dinasaurs do not exist there."

Agad akong napalingon nang marinig ang kakatwang iyon mula sa aking likod.

Hindi ko alam kung maiinsulto ako sa kanya kaya pumasok na lamang ako. Umupo ako sa isang silya na aking namataan sa harap ng mini stage habang hinihintay ang sasagot sa aking sadya.

"You're name is?"

May pagkamataray ang dating nito habang may kinakalkal sa sariling bag sa kabilang silya.

Wala pa namang ibang tao sa loob kaya sigurado akong ako ang tinatanong niya.

"Maria Lourdes Agatha Santiago, from Tinta Pluma Publication," nagpapakumbabang sagot ko.

"Ah, I see. So, you'll gonna interview someone here?" Tumango ako bilang tugon. Inilahad niya ang kanyang kamay saka muling nagsalita, "I'm Yssa Gomez, the vice president of Mi Musika."

Nag-shake hands kami pero ramdam kong may pagkamayabang siya o sadyang may pakamaldita lang. Kung hindi ako nagkakamali, siya 'yong kumanta noon sa tabi ni Levi noong araw na bumisita ako rito para manghingi ng pahintulot.

Taas noo siyang naglakad dala ang kanyang bag papunta sa isang maliit na kwarto, ang dressing room.

"Human without changes is lifeless."

Bigla na naman ulit naagaw ang aking atensyon nang may nagsalitang bagong dating sa pintuan.

Sinuri ko siya kung may hawak na celpon or may kasama na kanyang kausap pero wala kaya nag-react ako.

"H-huh? Ano ang tinutukoy mo?"

Isinantabi niya ang backpack na dala saka lumapit sa kinaroroonan ko. Naghila siya ng mauupuan at maliit na mesa.

May nagsisidatingan ng mga members pero kinausap muna sila ni Levi na may guest 'daw' ang music club kaya hiniling niyang bigyan kami ng isang oras para ma-solo ang silid. Maging 'yong Vice President ay pinalabas din muna niya.

"Nothing. I just find this day interesting. So, should we start?" aniya sa direktong punto.

"O-okay--"

"Wait. Can you spare me 5 minutes? I have something to share on you," aniya.

Kumunot ang noo ko sa kung anumang nais niyang sabihin. Hindi naman ako masokista at masama para pagbawalan siya.

"A-ah, sige. Ano 'yon?"

Pakiramdam ko para akong nakikipag-usap sa isang taong titulado. At saka hindi niya ba napapansin na Filipino ang gamit kong wika tapos siya, ayan at tila pinapangalandakan na magaling siyang magsalita ng wikang English.

"I know you have potentials that's why I want to recruit you in our organization. This is a non-profit organization, no politics, no religion and no educational institution involved here--"

"T-teka teka... kung fraternity 'yan, HUWAG NA LANG," diretsong saad ko.

Tumawa siya na tila ba isang kahihiyan ang nasabi ko. Hindi naman din kasi pangkaraniwan ang usapang ganito.

Recruit? Aba't anong mayroon sa akin para mapasama sa kung anong organisasyon? Baka'y nais lang akong pag-trip-an ng taong ito.

"Relax," aniya habang pinipigilan ang tawa. "Don't jump into conclusion after a first impression."

"Sorry."

"Well, it's an organization of youth empowerment. Actually, private small organization pa lang ito. Samahan ito ng 15 katao na ang layunin ay magbigay ng tulong sa ating komunidad like community services and charity programs under the advisory of my uncle, a business man. Though, I do not want to force you, it's your choice."

Pagkatapos ng nais niyang sabihin, sinenyasan niya na ipagpatuloy ang usapan.

Hindi ko ma-digest ang sinabi niya kaya saglit muna akong nag-isip.

"U-uhm, siguro kakausapin na lang kita sa susunod tungkol diyan. Pag-iisipan ko muna."

"Sure. Then, forget about it first, let's start the interview."

Binuklat ko ang notebook na dala ko saka pasimpleng huminga para i-set aside ang kaba. Sandaling nagtalo pa ang isip ko kung anong wika ang gagamitin ko. Pagtiisan na lang.

Inilabas ko ang recorder at ipinatong sa mesa saka nagsimula. "W-what's the story between you and this music club?"

Tutok ang mga mata namin sa isa't isa kaya napansin kong interesado siya sa una kong tanong.

"Well, at first I do not want to join clubs. Pero dahil makulit ang grandpa ko na dating professor dito, he wants me to hold and lead the group and make Mi Musika to be at best. Of course, I made excuses. I took nursing course, but during my second year college, I realize something. Music is my passion. I shift another course related to music. Then, before my grandpa got his retirement, he put me to this club. At first, I'm just a loner member but as days and months passes by, I changed. I learned how to interact with others, I became confident, and this is what I am now."

Napatulala ako sa pahayag niya. Imbes na magsulat habang nakikinig, inasa ko na lang sa recorder ang mga sinasabi niya. Mas makagagawa at makabubuo ng konsepto o artikulo ang isang manunulat kung alam niya talaga ang pinagsasabi ng speaker o interviewee.

"A-ah, that's great." Hayan na't nakapag-english tuloy ako.

Nagpatuloy kami sa interview hanggang sa maubos ang mga tanong na nasa listahan ko. Mahigit 30 minutes din ang nagugol namin sa panayam na ito.

"Maria, don't forget about what I told you, huh?" paalala niya bago ako tumayo sa kinauupuan ko.

"A-ah, sige."

"Okay. Just let me know kung ano ang magiging desisyon mo. I'm telling you, it's a good opportunity. You can invite someone you know who has a potential to be a pioneer para may kasama ka."

"A-ah, sige."

Pagkalabas ko sa music room, nadatnan ko si Yssa na naglalakad sa hallway. Pabalik siya dito sa music club na halatang nanggaling sa cafeteria dahil may dala-dala siyang drinks and burgers.

"Finally, you're done! Sana'y wala kang sinayang na minuto sa pakikipag-usap kay Levi. Time is precious for none sense thing."

Nagpanting ang mga taenga ko sa sinabi niya. Tila ba may ibig siyang ipahiwatig sa negatibong usapan. The way she talk shows what impression she would have to somebody like me.

"Wala naman. Sige, mauuna na ako."

Sa huli, nagpakumbaba pa rin ako. Bahala siya sa kung ano'ng gusto niyang isipin.

Teka, I feel guilty na naman sa ugaling ganito. Masama ito. Magagalit sina Mama at Lola kapag nagbago na nang tuluyan ang Maria Lourdes Agatha Santiago. Okay lang na magbago, pero mali ang tumungo sa 'di kaaya-aya.

#ChangingUnexpectedly

That Old-Modern GirlWhere stories live. Discover now