Kabanata VIII

59 12 2
                                    

"Talaga? Sali kami, dali!"

Kasalukuyan kaming nasa SPR nina Venus at Cris ngayon. Sinabi ko sa kanila ang tungkol sa alok ni Levi na agad namang sinang-ayunan ni Cris.

"Teka muna, kakayanin ba ng time management natin?" kontra ko.

"Maria, I think we can. Kung sina Levi nga na college students din at may club pa ay kasali sila roon, baka kaya rin natin. We'll give it a try," pag-e-encourage ni Venus.

Natahimik ako. Kahit kailan talaga ay laging magkakampi ang dalawa.

"Girl, sinu-sino naman daw ang nasa organization na?" tanong ni Cris na nagpahinto sa amin sa pagsusulat ng articles.

"Oo nga, 'di ba 15 pioneers ang kailangan? Ilan pa ba ang kulang?" sabat ni Venus. Nakapagitna ako sa kanila kaya magkabilaan ko silang tiningnan sa tanong nila na hindi ko alam ang sagot.

"A-ah, a-ano, hindi ko alam. Sabi ko kasi sa kanya na kakausapin ko na lang siya sa susunod na araw patungkol sa alok niya." Napanguso na lamang ako kung bakit ba naman hindi ko na lang kinausap nang masinsinan ang tao kanina.

"My God, girl! Be professional naman! Ano na lang iisipin ni Levi na umiiwas ka sa kanya? Simpleng pagkuha lang ng impormasyon sana sa iniaalok niya," pangaral ni Cris.

"Ay,ay,ayyy! Cris, tumitibok na siguro ang puso ng ating Maria Clara!"

"Ewan ko sa inyo!" Umirap ako saka nag-edit na ulit sa mga pinasang articles ng mga staff writers namin. "Kayo na lang kumausap kay Levi kung interesado kayo diyan."

Nagkatinginan ang dalawa saka iniligpit muna ang sinusulat nila. Maya-maya'y nagpaalam silang kakausapin nga raw nila. At dahil mag-isa na lang ako rito, nagsulat ako sa isang maliit na sticky note at iniwan iyon sa mesa para alam ng dalawa kung saan ako pupunta saka nagtungo sa cafeteria para bumili ng makakain.

"Look who's here."

Napabaling ang atensyon ko sa kanang counter nang marinig ang pamilyar na boses. Nginitian ko na lang.

"Sana'y wala ka ng babalikan sa music room," litanya niya ulit.

Hindi ko na lang siya pinansin. Hindi ko ba alam kung bakit may mga taong panira sa buhay.

Nang makuha niya ang order niya, hindi nakaligtas ang mapang-irap niyang mga mata.

Problema nitong babaeng 'to?

Nang makahanap ako ng bakanteng puwesto, sakto namang namataan ko sa entrance sina Cris at Venus kasama si Levi.

What?!

"Maria!" sigaw ni Cris. Sa lakas ng boses niya, halos mapatingin lahat ng mga narito sa cafeteria. Bandang mga alas kuwatro na ng hapon kaya medyo marami rin ang tumatambay ngayon.

"O? Ba-bakit kasama n'yo siya?"

Nagsiupo kami sa puwestong bakante.

"Mas mabuting pag-usapan na lang natin ang dapat pag-usapan." Kumunot ang noo ko sa isinagot ni Cris.

Bago nagsimula sa pakay, nag-order muna sila. 'Di nagtagal ay pinunto na nila ang nais pag-usapan.

"AkKab Organization comes from the word Aksyon Kabataan. Actually, we still need 5 pioneers. If you will join, then, 2 more left. For this month, meet up will be conducted on Saturday. By September, AkKab will start conducting charity programs and help community services. So if you're really willing to join--"

"No need to ask, Levi. We'll join." Natigil kaming tatlo sa biglaang pagsabat ni Cris. Sinundan naman agad iyon ni Venus ng thumbs up.

"How about you?" tanong ni Levi sa akin. Magkatapat kaming dalawa at nasa tabi niya si Cris kaya si Venus naman ang katabi ko.

That Old-Modern GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon