Kabanata II

121 35 15
                                    

Mga bandang alas tres ng hapon kami nakarating ni Kuya sa Maynila. Ang Hilton University ay may mga dormitoryo kaya expected na hindi na namin kailangan ni Kuya na umupa ng boarding house. Ang kaso nga lang, magkaiba kami ng dorm ni Kuya dahil may nakatalagang dormitoryo para sa mga babae at iba naman para sa mga lalaki. At ang bagay na nagustuhan ko rin sa dormitoryo nila rito ay may pang-single dorm at pang-paired or grouped dorm. Sa kaso ko, mas pinili ko ang pang-single dorm last year since baguhan pa ako, pero nang magkaroon ako ng kakilala at kaibigan, may ka-shared na ako ngayon.

"Maria, pumunta raw tayo bukas sa SPR (School Publication Room) dahil may ipapa-follow up daw sina Ginang Apostol at Maam Amber," ani Venus na siyang kasama ko ngayon sa pang-paired dorm.

"Okay."

Malapit nang mag-alas nuwebe ng gabi ngayon, subalit heto at gising pa rin kaming dalawa. Abala siya sa harap ng laptop niya nang kausapin niya ako, habang abala naman ako sa pagsasagawa ng mga reports. Sa akin kasi ito iniatas ni Ginang Apostol dahil ako raw ang Editor-in-Chief ng Filipino School Publication na siya ring namamahala sa kahit anong may kinalaman sa Filipino activities.

Kinabukasan, maaga kaming pumasok dahil may pagtitipon sa university gym para sa mga announcements sa iba't ibang activities sa buwan ng Agosto.

"Magandang umaga sa ating lahat!" bati ni Ginang Lore Apostol na isa sa mga professor sa College of Education.

Bumati rin ang mga estudyante saka sinimulan na ang announcements.

"Nais kong ipabatid sa inyong lahat ang tungkol sa gaganaping pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa darating na ika-24 ng Agosto. Bukod sa mga ilan pang simpleng activities gaya ng booth making, writing contest, dula, tula, awit, sayaw, at balagtasan, magķakaroon din tayo ng pageant at search for best Filipiniana at Barong tagalog attire. Kaalinsunod dito, napagkasunduan na kailangang magtalaga ang bawat college department kung sino ang inyong pambato, isang kagalanggalang na Ginoo at isa ring kabighabighaning Binibini. Ang karagdagang detalye ay makikita at mababasa ninyong lahat mamaya sa malaking bulletin board sa labas ng SPR. Iyon lamang muna sa ngayon, maraming salamat sa pakikinig."
Napuno ng palakpakan, bulong-bulungan at galak ang buong gym nang matapos ang sandaling mensaheng iyon. May mga sumunod pang announcement at acknowledgement mula sa ibang departamento, at pagkatapos niyon ay pumunta na kami ni Venus sa cafeteria. Nadatnan din namin ang isa pa sa mga nakilala kong malapit na kaibigan.

"Hi, girls! I miss u talaga!" biglang bungad ni Cris sa amin sa cafeteria.

"Hay naku, andito ka lang pala, Crisostomo Rizal! Bakit 'di ka pumunta at nakinig sa announcement?" sabat ni Venus.

"Eh, sa kadarating ko lang kaya. Tingnan n'yo naman 'tong 'feslak' ko, busog na busog pa ang mga bags ng mata ko," aniya saka kumuha ng salamin at tiningnan ang buong mukha. Natawa na lamang kami, 'di na bagong lagi siyang puyat dahil sa kanonood ng kdrama.

Saglit na nagpaalam si Venus dahil o-order daw siya ng buko shakes at makakain namin. Subalit hindi pa ito nakakalayo ay may narinig na kaming sigawan sa di kalayuan sa kabilang tables.

"Hoy! Nakita mo ba ang kabastusang ginawa mo!?" narinig naming singhal ng isang babae. Parang boses ni Venus 'yon kaya agad kaming tumakbo roon.

Nakatayo na ang karamihan at agaw attention na sa canteen ang nangyari.

"'Di ko sinadya 'yon." Walang ganang saad ng lalaking ngayo'y kaharap ni Venus. Jusko! Mapapaaway ata ang kaibigan namin.

"Ang lapit-lapit na nga kasi ng trash can sa puwesto n'yo, 'di mo pa inayos ang pagtapon. May pa-shoot shoot kapang nalalaman d'yan!" sunod-sunod na pasaring ni Venus.

"Ven? Anong nangyayari?" tanong ko at pilit siyang pinapakalma ni Cris.

"Nakita n'yo ba 'yon, Bes? Binato lang naman ako 'nung malakaing cup na pinaglagyan ng shake niya, and the worst part ay may laman pang kaunti kaya natapon sa'kin," pag-aalburoto niya habang pinupunusan ng panyo ang sariling uniporme.

That Old-Modern GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon