Chapter 15: Punishment

Start from the beginning
                                    

Tinaasan ko siya ng kilay " takot ka? " pagsusungit ko. tinawana niya lang ako.

"Gusto mo ng parusa? " sabi niya na diretsong nakatingin sa mga mata ko. bigla na lang akong kinabahan. Napailing ako na ikinatawa niya naman.

Ano namang parusa ?.

Nanlaki ang mata ko sa gulat ng biglang ilapit ni Zach yung mukha niya saakin. nakangiti siya habang tinititigan ang labi ko.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko!. ito na naman ang nararamdaman ko. siya lang ang nakakagawa nito. ikaw lang Zach. Ikaw lang!. sa tuwing nararandaman ko ito  mas nauunawaan ko kung anong ibig sabihin ng nararamdaman kung ito. But I need to be sure about my feelings. Mahirap na baka ako pa ang masaktan sa huli.

" I'm you're First kiss right? " sabi niya.Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Bigla namang nag-init ang pisngi ko ng maalala ang mga labi niya. Jusko po!. Anong gagawin ko.

Tiningnan niya ako. tapos ngumiti siya saakin. Ang gwapo ng kupal na toh. " I want to be your second kiss" sabi niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko. parang sasabog ang puso ko sa sinabi niya. hindi ako makapagsalita.

Anong sabi niya?

Bigla ko siyang tinulak kaya napahiga siya. nagmadali akong tumayo para harapin siya. "Baliw ka na! " sigaw ko tapos tinalikuran siya. I heard him chuckled pero hindi ko na lang iyon pinansin. nagtungo ako sa kitchen at wala sa sariling nagpunas ng mesa, naglinis, nagluto at naghugas ng pinggan.

problema niya ba?!.

Naghilamos ako ng matapos kung linisin yung buong unit niya. Pawis na pawis ako at hinihingal. walangya!  paulit ulit kung naaalala ang nangyari kanina. nakakainis ka Zach!. inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng banyo. naabutan ko si Zach sa kusina na kumakain.

Binalingan niya ako ng tingin. napaiwas ako. "Are you done? " sabi niya. Napatango na lang ako. "Let's eat " yaya niya. tatangi sana ako ng biglang umepal yung tyan ko. Naku naman!  gutom na ako!. umupo na lang ako sa tapat niya tapos tahimik na kumain.

tumayo siya ng matapos siyang kumain. kumuha siya ng saging. binalatan niya ito at umalis na sa harapan ko. Buti naman!.

Tumayo ako pagkatapos. Hinugasan ko muna ito bago nagtungo sa sala. Laking pasasalamat ko ng makitang wala siya duon. baka nasa kwarto na siya.

"Coleen!! "

napatakip ako sa tenga ko ng tawagin niya ako. Ang tinis ng boses! kaimbyerna!!.

Nakasimangot akong pumunta sa kwarto niya. Anong kailngan niya?. Pinihit ko yung doorknob pero ayaw mabuksan. "Hoy! " sigaw ko habang hinahampas yung pinto.
pilit ko itong binuksan hanggang sa mabuksan ito.

Napahinto ako ng may malamig na likido na bumuhos saakin galing sa taas. biglang lumamig ang Pakiramdam ko

Binuhusan niya ako ng isang timbang tubig na punong puno ng yelo. para akong nag ice bucket challenge.

Narinig ko siyang tumatawa. tumatalon talon pa siya sa kama. Bigla na mang kumulo ang dugo ko dahil sa ginawa niya.

Fuck!

"Hoy. Ikaw! "sabi ko habang nakaduro sa kanya.

Napahinto siya sa pagtalon "Yes?" sagot niya.

"Kupal ka! " sigaw ko saka padabog na sinira ko yung pinto.
kasabay na pagsara ko sa pinto ang pugbuhos ng harina na nagmula sa taas. agad kung pinunasan ang mga mata ko dahil dumikit na ang harina sa katawan ko dahil basa ako. napapabahing na rin ako at napapaubo.

Zach! Arggg! nang gigigil na ako sayong kupal ka!

Narinig kung bumukas ang pinto kaya napaharap ako at kung nangiinis nga naman siya naibuga niya sa mukha ko yung juice na nasa bibig niya.

Ewww!

Inis na inis na ako. sagad na ang pasensya ko sa araw na ito.

napatakip siya sa bibig niya at halatang nagpipigil ng tawa. "What happened to you? " natatawa niyang sabi. Naginit lalo ang ulo ko .painosente pa talaga ang isang toh. halata naman na siya ang may gawa ng lahat diba?. alangan namang ako ano yun sasaktan ko sarili ko?.

hindi na talaga ako makapag pigil. Agad ko siyang dinambahan kaya nawalan siya ng balanse at. natumba. Sinakal sakal ko siya.

"Ang sama mo! "

"Epal ka"

"Nakakainis ka"

"Isa kang kupal! "

Nang makontento ako ay tumayo na ako. napahawak siya sa leeg at paubo ubong tumayo. dumeretso na ako sa banyo para maligo dahil ang lagkit ko. Napasigaw ako sa inis ng makita ang itsura ko. Bakit ba ang sama ng ugali niya?. Kung ano siya sa academy ganun din siya dito. Walang duda halimaw talaga ang ugali niya. kaya ganun na lang siya kung katakotan sa Academy. hindi lang siya pati na ang grupo niya ang '3kings'.

Pagkatapos kung magbihis nagmadali akong lumabas ng banyo para makauwi na ako. Ayaw ko na magtagal dito .mamamatay ako kapag kasama ko siya. kupal.

Patakbo akong lumabas ng banyo nanlaki ang mata ko ng may naapakan akong madulas na bagay dahilan ng pagbagsak ko sa sahig. napahawak ako sa pwet ko dahil sa sakit.

Balat ng saging!

Si Zach na naman ang may gawa ganun na ba siya ka sama para pahirapan ako. ibang klase ka Zach your so Heartless!.

naglakad si Zach papunta sa akin. he's smirking. nakapamulsa siya tapos naka topless. Shit!

Umupo siya para mapantayan ako. Matalim ko siyang tiningnan. "masakit ba? "tanong niya na obvious naman na OO.

Lumapit siya saakin at ngumiti. "Kawawa ka naman" sabi niya sabay haplos sa pisngi ko. wala akong ibang maisip gawin kundi ang titigan siya ng masama. bakit ba ganito siya?.

"Bak-------"

Hindi ko na nagawang ipagpatuloy ang sasabihin ko. wala na! Kinuha na naman niya at ang masaklap hindi ko siyang magawang ilayo saakin. Kinuha na niya ang una bakit pati pangalawa ay sa kanya parin napunta?.

Lumayo siya saakin tapos tumayo. nanlalaki parin ang mata ko hanggang ngayun.

"That's your last punishment" sabi  niya tapos bumalik na siya sa kwarto niya.

Hinawakan ko ang labi ko. He kissed me. he  kissed me again for the second time and that's my last punishment. Shit!






















I Fell Inlove With The Most Unexpected PersonWhere stories live. Discover now