Fifty

4.5K 61 17
                                    


Hello! Dedicated sa'yo. Dati ko pa nakikita 'yung pangalan mo pero vote ka lang lagi eh. Sa last chapter nag-comment ka kaya natuwa ako. Thank you! Enjoy reading! :)

FIfty

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti at titigan ang singsing na nasa kamay ko. Dalawa ang nakasuot sa palasingsingan ko. 'Yung couple ring namin at ang engagement ring. Ito na ba talaga? Magpapakasal na ako? Hindi ako makapaniwala at sobrang saya ko.

"Pst. Baka matunaw naman 'yung singsing kakatitig mo."

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Bitchnie na nakatayo sa harapan ko. Nakaupo lang kasi ako dito at hindi nakikisali sa kanila. Naka-two piece pa rin sila at ang mga lalaki ay topless. Umupo siya sa tabi ko. Binigyan niya ako ng isang malaking ngiti.

"I'm so happy for you, Wreakcess."

Napangiti ako sa sinabi niya. Maya-maya biglang may tumulong luha sa mata niya at bigla akong niyakap.

"Wreakcess, ikakasal ka na. Hindi ko aakalaing magmamahal ka pa ulit matapos nung nangyari sa'yo. Sirang-sira ka noon at hindi ko talaga akalain na... na may iba ka pang mamahalin. Masayang-masaya ako para sa'yo. Nakita mo na rin ang taong mamahalin mo habang-buhay. Congrats." Natawa siya ng mahina habang umiiyak. Naluha rin ako sa sinabi niya.

"Baliw ka talaga, Bitchnie. Engage pa lang ako ngayon, hindi pa ako ikakasal. 'Wag excited, okay?"

Natawa kaming dalawa sa sinabi ko at kumalas sa yakap. Pinunasan namin ang luha namin at tumingin kay Irish na hawak ang mic at mukhang may tama na. Kanina pa kasi sila nag-iinuman at nagsi-swimming.

"GUUUUUYS! Dali dali! Dito sa aking magandang katawan ang tingin."

"IRISH! Nasaan 'yung maganda?"

Natawa na ako sa sinabi ni Mark kasabay nang pagtawa ng lahat. Dinirty finger na lang siya ni Irish habang tumatawa rin.

"Kasi ganito 'yan. Dahil birthday ni Princess, kailangan may performance tayo para sa kanya. Kahit sayaw o kanta pa 'yan. Pero isa lang kaya para masaya.. bubunot ako ulit! HAHAHA."

"Ang hilig niya talaga sa bunutan," inis na bulong ni Lorayne.

Napalingon ako sa likod ko at nandoon siya. Napangiti na lang ako at tumingin ulit kay Irish.

"At ang magpe-perform ay si... PRINCE! YEY!"

Pumalakpak naman ang mga kaklase ko at tinulak-tulak si Prince na lumapit kay Irish. Ginala ko ang paningin ko para hanapin sila Mama pero hindi ko sila makita. Missing in action din si Kisa. Bumuntong-hininga na lang ako at tumingin ulit kila Prince.

May videoke kaya pinapili nila si Prince kung ano ang kakantahin. Nagulat ako nang may naglahad na kamay sa akin, si Mark pala. Nakangiti kong nilagay ang kamay ko sa palad niya at inalalayan akong umupo sa upuan sa gitna na nakaharap kila Prince.

"Uh. Yeah. Happy Birthday ulit, Princess," bati ni Prince.

Nginitian ko siya at tinanguan. Nagsimula nang tumugtog 'yung videoke.

Nagulat ako sa lyrics ng kanta. Tugmang-tugma sa aming dalawa. Nakatitig lang si Prince sa mata ko at nakangiti habang kumakanta. Pero alam kong hindi siya masaya kahit nakangiti pa siya. Alam kong nasasaktan ko siya. 

Sorry, Prince. Sorry.

"Alam niya ba na 'di ka dapat hinahayaang mag-isa? Alam niya ba na 'di ka dapat hayaang maagaw ng iba? Alam niya ba na lagi dapat siyang nag-go-goodnight? Alam niya ba na see you later, tama na ang good bye? Alam niya bang dapat ingatan niya ang puso mo? Alam niya ba na 'di dapat siya maging katulad ko?"

You're Just My ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon