Four

8.7K 140 3
                                    

Four

"Boo!"

Napatalon ako sa upuan ko. At sa sobrang gulat, lumipad ang tinidor kong may macaroni sa uniform ko. Tinignan ko siya nang masama habang tuloy siya sa pagtawa kahit na nakaupo na siya sa harapan ko kasama ang tray niyang may sushi.

"Nakakatawa, 'no? Sobra," sarkastiko kong sabi.

Tumawa siya nang malakas. Ang cute niya, pakshet. Inirapan ko siya at hinablot ang tissue para punasan 'yong natapunan kong uniform habang sinusubukan niyang pakalmahin ang sarili niya sa pagtawa. Nanginginig na siya at hinihingal.

"Mautot ka niyan," ngiti ko.

Imbis na tumigil ay lalo siyang tumawa. Hawak-hawak niya ang tiyan niya at yumuko siya sa table. "Fuck."

Nang matapos na ko sa pagpupunas, may stain pa rin, tinapon ko ang tissue sa lamesa at hinawakan ang backpack ko. Nilakihan ko ang mata ko at huminga ng malalim, "UMUTOT KA?" sabay tawa nang malakas. Naramdaman kong tumigil siya sa pagtawa at unti-unti kong naririnig ang mga pigil na tawa ng mga nasa paligid namin.

Tinitigan niya ako ng masama at nang nagtangka siyang hawakan ako ay tumayo ako at tumakbo na palayo. Nanlaki ang mata ko at mas lalong natawa nang hinabol niya ko habang pulang-pula ang mukha niya. Dumiretso ako sa restroom ng mga babae at nakita kong hiningal na siya kaya tumigil na ako at naglakad. Kinindatan ko siya at pumasok sa banyo. Umiling lang siya sakin habang nakangiti.



P R I N C E

Huminga ako at naglakad pabalik nang biglang may umakbay sa akin. Si Jayden pala.

"Bakit hinihingal ka?" tanong niya.

"Tumakbo." Bumuga ako ng hininga. "Nag-cutting ka na naman. Pano mo pala nakilala si Princess e hindi ka naman pumasok kanina sa klase?"

"Narinig ko lang sila Stephanie. Tsaka ang saya mo kasi kanina noong kasama mo siya." Ngumisi siya sakin at tinaas ang dalawa niyang kilay. "Ang cute ni Princess, 'no? Pumasok ka na at baka hinihintay ka na niya sa upuan mo," tawa niya.

"Fuck you."

Tumakbo na siya papunta sa building habang ako balak pang bumili ng pagkain. Naiwan ko kasi iyong pagkain ko sa cafeteria. Si Princess kasi pasaway. 

Bumili nalang ako ng sandwich at naglakad na pabalik sa building nang bigla kong makita si Stephanie sa hallway.

"Oh. Hi, Prince!" bati niya. 

Di ko siya pinansin at nagtuluy-tuloy lang ako sa lakad at diretso ang tingin. 

"I miss you."

Huminto ako sa paglalakad at umikot para harapin siya. Nakatingin siya sakin gamit ang inosente niyang mata. Nakakainis, nakakainis. Nakakainis. Mahina akong tumawa, "Really?" Kinagat niya ang ibabang labi niya. "You miss me? Oh, come on, Stephanie. Is this a new bet? Are you playing with me again? Can you just stop this bullshit? Stay away from me."

"I—I'm sorry."

Napataas ako ng kilay, "There's that word again. Sorry. Parati na lang bang sorry, Steph? Sorry, because I hurt you. Sorry, because I played with your feelings. You always say that. You hurt me. You don't know how much I loved you. You didn't even love me, did you? You played with me. I became your toy and I didn't have the slightest idea. You were so good, so, so good. Good job."

Nginitian ko siya at naglakad na palayo nang bigla siyang nagsalita. "I can make things better. If you—If you let me. Please."

"No. No. Hindi na ako tanga. I thought you loved me but I was wrong."

Naglakad na ako palayo. That felt so good. It feels so good to let it all out. I kept my feelings for a long time and now I said it. It feels good.

Pumasok na ako sa room at napansin agad ni Jayden ang seryoso kong mukha. Lumingon siya sakin mula sa upuan niya at tinitigan ako. Tinitigan ko lang siya at bigla niyang pinitik ang ilong ko. "Problema?"

"Stephanie."

"Don't mind her."

"Mhm," tango ko.

Nang pumasok na si Princess, ni wala akong ganang asarin o kahit man lang tignan siya. Umupo siya sa tabi ko habang ang utak ko nasa space. Alam kong kating-kati na siyang kausapin ako dahil di na siya mapakali sa upuan niya.

"Hey, look. If nainis ka sa ginawa ko kanina—I'm sorry." Pinikit ko ang mata ko. Fuck sorry. Umayos siya ng upo nang hindi ko siya pinansin. "Ugh, ang sungit talaga."

"Next time na bubulong ka, dapat hindi ko maririnig. That's why it's called whisper."

"Whatever." Tumingin ako at nakapangalumbaba lang siya sa desk niya nang bigla ko siyang tinawag. "What?"

"Go out on a date with me," ngiti ko.

Her eyes starts to go wide as well as her mouth, "The fuck?"

You're Just My ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon