Twenty-two

3.8K 51 10
                                    

Twenty-two

Saturday ngayon at gaya ng napag-usapan ni Papa at ni Zymon noong nag-inuman sila ay papayagan daw ako ni Papa. Sabado na ngayon at hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta.

Nandito ako ngayon sa banyo at nakapikit habang nasa bathtub. Puyat kasi ako kakabasa ng wattpad kagabi at kanina ginising ako ng magaling kong ama.

"Nak! Nak! Bangon bilis! Kumilos ka na." 

Dinilat ko ang isa kong mata. Nakita ko si Papa na inaayos ang mga kalat ko sa kwarto. 

"Pa, wala namang pasok. Hayaan mo muna ko magpahinga. Wala pa akong tulog oh! Please, Pa," sabi ko sabay taklob ng unan sa mukha.

Inalis naman 'yon ni Papa. 

"Dali! Kailangan mong bumangon diyan! Dapat bago mag-tanghalian, ready ka na."

"Papa naman eh. I want to sleep. MORE."

"PAPA!" Napasigaw ako kasi niyuyugyog ako ni Papa. ANG KULIT!

"Nak, dali na, bangon na diyan! Maligo ka na bilis!"

Umupo ako. "Papa, ano bang meron at pinapabangon mo ko? Ang aga-aga. Alas syete pa lang oh! At saka wala pa kong tulog, Pa!"

Napahawak ako sa tenga ko nang bigla niya itong pinitik. 

"Eh kasi anong oras ka na naman ba natulog? Puyat ka nang puyat diyan sa wattpad na yan! Ano bang napapala mo diyan, ha? Nakakain ba 'yan? Tignan mo nga nadudulot sayo, PUYAT KA! Kaya sa ayaw at sa gusto mo bumangon ka na diyan, maligo ka, at mag-ayos."

"Eh bakit? Ang ganda-ganda ng wattpad eh! Nakakakilig kaya. Tapos may mga natututunan din. At least ako nagbabasa eh 'yung anak mong lalaki wala nang ibang hawak kung hindi 'yong PSP niyang panget."

"Basta kumilos ka na diyan. Kapag ikaw hindi ka pa nag-ayos at na-late ka, humanda ka sakin. Itatakwil kita."

"Tatakwil agad? Hindi ba pwedeng papagalitan lang?" 

Nasa pinto na si Papa nung lumingon siya sakin at magsalita. "Mag-aayos ka ba o ilulublob kita sa bathtub hanggang mawalan ka ng hininga?"

"Ilulublob agad hindi ba pwede buhusan nalang ng malamig na tubig?"

"Aba't—"

"AHHHHHH! Sabi ko nga po maliligo na ko!" 

Tumakbo agad ako papunta sa banyo.

Lumabas na ako ng banyo matapos maligo at nagbihis na. I wore a baby pink shirt and maong skirt above my knee. Sinuot ko ang puti kong Keds na sapatos. Bumaba na ako para kumain. Nang makita ako ni Kuya ay halos mabulunan siya sa pagpigil ng tawa niya habang si Papa naman ay nasamid kaya't napainom ng tubig.

Sinamaan ko ng tingin ang kapatid ko nang umalingawngaw ang tawa niya sa buong kusina.

Umubo pa ulit si Papa bago magsalita. "Nak, ano ba namang 'yang suot mo? Magpalit ka nga 'don. May nilapag akong kahon sa kama mo ah? Di mo ba nakita?"

Umiling ako.

"Oh siya, mamaya mo na tignan. Basta magpalit ka ng damit mamaya. Kumain ka na muna dito, nakuuu! Itatakwil na talaga kita, konti nalang."

Tinignan ko nang masama si Papa. Si Kuya naman lalong lumakas ang tawa at maya-maya sumama na si Papa sa pagtawa.

"Nakakainis kayo! Ano bang problema sa suot ko?!"

Tawa sila nang tawa. Hawak-hawak na ni Papa ang tiyan niya habang si Earl ay halos mahulog na sa upuan. Ayos naman 'tong suot ko ah?

"Magka-pigsa sana kayo sa pwet." 

You're Just My ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon