Six

6.5K 102 2
                                    

Six

Nakatulog ako dahil sa tagal dumating ng teacher namin. Ang nagulat lang ako ay paggising ko may teacher na pero tahimik pa rin silang lahat.

Inayos ko ang sarili ko at—holy moly—ang gwapo!!

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at tumitig sa Greek God na nasa harapan ko. Nasa early 20's pa lang siya. Naka-polo siyang kulay Navy Blue at slacks na itim. Ang pogi niya, shet!

"Laway mo tumutulo na."

Napakurap ako bigla at mapahawak sa mukha. Narinig ko ang tawa ni Prince kaya sinipa ko nang mahina yung binti niya. Napangiti ako at lumunok. Inikot ko ang paningin ko at nakita ko na halos lahat ng babae ay nakatuon ang pansin sa gwapong teacher sa harapan. Magaling!

Nagkwento lang siya at nagtawag ng mga estudyanteng gustong mag-kuwento ng kakaibang experiences nila sa buhay. Naubos ang oras doon pero hindi ako nainip. Ang pogi niya kaya!

"Tetotets, anong kakainin natin?" Lingon sakin ni Lorayne.

Natigilan ako at tumitig sa nakangiti niyang mukha.

"Huy!"

Nagpanggap akong biglang naiyak. Tumawa naman siya agad. "Ilang taon kong hinintay na sabihin mo 'yan!"

"Ang korni naman!" Sabi ni James.

"Pangit." Bulong ni Zymon.

"Oo, parang mukha mo, Zymon. Ang pangit." Inirapan ko siya at padabog na tumayo sa upuan. "Tara na nga! Gutom ka na nga may katabi ka pang pangit, noh? Panira ng araw."

Tumayo na rin si Lorayne at naglakad palapit sakin dahil nasa pintuan na ako ng room.

"Lorayne!"

Napahinto si Lory at lumingon kay James. "Oh?"

"Kala ko ba sabay tayo?"

"Eh? Kasabay ko si Tetotets," sagot niya 

Lumingon sakin si James at tinaasan ko lang siya ng kilay kahit nginusuan niya ko. Nagulat ako nang bigla siyang tumakbo at yumakap sakin.

"Princess, sorry naaaa. Pleeeease."

"James! Isa—bitaw! What the fuck. HOY!" Natawa ako sa kalikutan niya dahil ayaw niya akong bitawan. "Oo na! Bwisit!"

"Yeyyy. Tara, Lorayne. Sabay na tayo!"

"Hoy—teka, sinong kasabay ko—UY!" Nagulat ako nang biglang may humigit ng kamay ko dahilan para makaladkad ako nang hindi oras. "Hi, bitaw?"

Huminto si Zymon sa paglalakad at tinitigan ako nang malalim. Nailang ako bigla kaya umiwas ako ng tingin. Inabot niya yung baba ko pero umuurong ako hanggang sa hinila niya ako palapit sa kanya gamit ang kamay ko na kanina pa niya hawak. Issue 'to!

"Sorry."

Nabingi ako sa sinabi niya dahil masyadong malapit ang mukha niya na ang nasabi ko na lang ay: Ha?

Ngumiti siya. 3D, pusanggala!

"Sorry."

Bigla akong kinabahan. Biglang umingay yung paligid at ramdam ko na lahat ng mata sa amin. Umatras ako pero trapped ako sa braso niya. Nakapalibot ang kamay niya sa bewang ko habang ang isang kamay niya ay nasa harap namin hawak-hawak ang isang kamay ko. 

TSANSING. TSANSING. TSANSING.

"Prince..."

"Yes?" Ngisi niya.

"Malandi."

Tinulak ko siya nang buong lakas at tumakbo palayo. Natanga siya doon at tinawanan ko siya habang tumatakbo pa rin. Sapo ko ang dibdib kong nakikipagkarera yata.

You're Just My ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon