Three

9.7K 165 5
                                    

Three

Hindi naman pala siya ganoon kasungit. Talaga lang daw naiinis siya sa mga taong clumsy lalo na kapag hindi niya kilala. Nasabi niya rin sakin na kaklase namin iyong kaibigan niya pero hindi daw pumasok. Tamad daw kasi 'yon. Baka next class pa daw. Tumawa nalang ako. Siguro gwapo rin 'yon.

Nang dumating na si Miss Hanna ay nagpakilala siya at inayos ang upuan namin. Madaming nag-reklamo, kasama na ako. Kasi naman may seating arrangement pa? At dahil mabait at nang-aasar ang tadhana, magkatabi ulit kami ni Prince.

"Your surname sounds like mine," sabi niya. 

"Ano ba last name mo?"

"Fernandez." Inikot ko ang mata ko. "Match talaga tayo, actually."

"Huh?" taas-kilay kong sagot. Ano daw? Nabingi ata ako.

"Kasi, look. Your name is Princess, mine is Prince. Your surname is Hernandez, mine is Fernandez. How cute is that?" mahina siyang tumawa.

"Ha, ha. O nga. Cute," walang emosyon kong sagot.

Matapos niyang ayusin kaming lahat ay nag-umpisa na kaming magpakilala isa-isa. Sa unahan ko nakaupo si Lorayne habang yung kaibigan ni Prince, katabi naman ni Lorayne. Buti nalang medyo mabait pa rin si Fate at pinaglapit kami ni Lory.

Nang mag-break na ay hindi na ako umasang sasama sakin 'tong masungit na 'to. Nilagay ko ulit ang earphones sa tenga ko at nakikanta sa Black Magic. Hindi pumasok si Lorayne, bakit kaya? Bumili nalang ako ng macaroni tutal kumain naman na ako kanina ng half-long.

Humanap na ako ng lamesa at kumain. Habang nakikinig sa music dahil wala akong pakialam sa mundo ay biglang may humintong tatlong babae sa harapan ko. Nasa hangin ang kamay ko at handa sa pag-subo ng macaroni nang bigla silang dumating. Tinignan ko sila mula paa hanggang ulo. Binaba ko ang tinidor ko at tinanggal ang earphones.

"Yes?" tanong ko. "Can I help you?"

"Who are you?"

Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Sino raw ako? Aba, siya nga itong lumapit sa akin, tapos ngayon siya nagtatanong kung sino ako? The heck.

"I'm sorry?"

"Who are you to talk to Prince?"

"What?" sarkastiko akong tumawa. "Magkaklase kami. Alangan namang hindi kami ma—"

"You're such a flirt."

Doon na nag-init ang ulo ko. I leaned forward and narrowed my eyes. "Excuse me. But you don't know me to accuse me that I'm a flirt. You were the one who approached me and I have no idea who the heck you are but I don't want to know because base on what you are doing, you're not worthy of my time."

Nanlaki ang mata niya at napa-hakbang patalikod. I kept my fake smile on habang 'yong dalawa sa likod niya ay kagat-kagat ang ibabang labi para mapigilan ang sarili sa pagtawa. Huminga siya nang malalim at pinanliitan rin ako ng mata.

"We're not done. Remember that, dear."

Inirapan niya ako bago siya tumalikod para umalis. Maganda sana at sexy, masama nga lang ang ugali.

"Edi wow," bulong ko at pinasak ang earphones. 

You're Just My ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon