Forty-one

4K 65 4
                                    

Forty-one

Today is Friday. Maaga akong gumising para makapag-ayos mamaya sa pagpunta ko sa agency. Inayusan ko ang sarili ko. I wore a deep shade of red lipstick. Ito raw ang bagay sa akin sabi ni Bitchnie. Kadalasan sa shoot ay iba't ibang shades ng pulang lipstick ang gamit ko. Naglagay rin ako ng subtle smoke eye sa aking talukap at tsaka naglagay ng mascara.

Kinulot ko rin ang dulo ng mahaba kong buhok at sinuklay gamit ang daliri. Sinuot ko ang isang hugging black dress na off shoulder. Tinernuhan ko ito ng isang black stilettos. Nang tapos akong mag-ayos ay kinuha ko ang itim kong purse at lumabas na ng kwarto.

Paglabas ko ng kotse ay halos lahat ng madaanan ko ay tumitingin sa akin. Sanay na ako sa atensyon ng mga tao. Hindi ako lumingon at taas-noong naglakad papunta sa entrance ng building. Nang makarating na ako sa entrance ay nagtanong ako sa information desk. Bumati sa akin ang isang babae na Leslie ang pangalan.

"Where is the office of Miss Diane? I have an appointment with her."

"May I know you name, Ma'am?"

"Princess. Or Yvo."

Nanlaki ang mata niya pero agad ring nakabawi sa gulat.

"Ah, yes, ma'am. Miss Diane is on leave but the VP will assist and entertain you," she smiled.

She told me the floor number and where I could find Miss Diane's office—or the VP's office because she's not in. Habang naglalakad ako papunta ng elevator ay iilang gwapo rin ang nakita ko. Of course, it's a requirement. You have to look good to be a model.

Nang marating ko ang floor ay pinuntahan ko ang sinabing room sa akin ni Leslie. Kumatok muna ako sa pinto at may nagsalita naman sa loob.

"Come in."

Binuksan ko ang pinto. May lalaking nakaupo sa desk niya na nakatungo sa lamesa dahil sa ginagawa o binabasa nito. Iritable akong nagbuga ng hininga. Humalukipkip ako.

"Tell me, mali bang room ang napasukan ko at dito ako napunta?"

Nang marinig niya ang boses ko ay agad niya akong tiningala. Hindi kaagad siya nagsalita sa gulat at pinasadahan pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Princess..."

"I'm here for work. So tell me, tama ba ang napasukan kong kwarto?" walang pag-aalinlangan kong sabi.

"N—No, you're right. And... uh... Miss Diane is not here so I'm the one who's in charge. Please sit," sabi niya sabay turo sa upuan sa harap ng desk niya.

Naglakad ako at tahimik na umupo doon. Hindi naman matigas ang ulo ko para hindi makipag-cooperate sa kanya. I'm a professional and should act like one.

"So, you're the new model right?"

Tumango ako sa kanya.

"Can you chill? Hindi ako komportable kapag ganyan ang kausap ko at naiirita ako," kunot-noo kong sabi.

Hindi kasi siya makatingin sa akin at para siyang tuod dahil hindi siya gumagalaw. Hindi niya rin ma-relax ang sarili sa upuan niya at nauutal siyang kausap ako.

"Sorry. It's just that... you look very intimidating."

Halos lahat ng kakilala ko ganyang ang sinasabi sa akin.

"I checked everything and you're good to work. You have a shoot tomorrow. Alam mo naman na siguro iyon?"

"No," iling ko.

"Okay. You have five months contract under our modeling agency, Diane's Model. You will be modeling the new clothing line, Denise Creations. Kami ang bahala sa pag aadvertise. All you have to do is project in front of the camera." Inabot niya sa akin ang kontrata. "Just sign it. Seven o'clock tomorrow. Sharp. We have our studios here so you'll go here. Ayos lang ba na may shoot ka na kaagad bukas?"

You're Just My ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon