Twenty-four

3.7K 68 5
                                    

Twenty-four

Umiikot ang sikmura ko sa naiisip na baka—na  baka kung hindi ako dumating ay may nangyari na sa kanila . . . at—at kahit kailan ay hindi ko malalaman at patuloy ko silang pagtatakpan—patuloy akong magpapakatanga na mahal nila ako!      

Nakahawak ako sa bibig ko sa gulat at para na rin pigilan ang hikbi ko sa paglabas. Parang may bomba sa dibdib ko na siniksik at anumang oras ay pwedeng sumabog at wasakin ang buong pagkatao ko.

"C—Cess." 

Lumapit siya sa akin unti-unti. Nakaupo si Zymon sa kama at nakayuko. Kita ko ang itim niyang bra at itim na panty. Nanlalabo ang mata ko sa luhang pumapatak mula sa mata ko.

tinaas ko ang kamay ko. "W—wag. Diyan ka lang. 'Wag mo kong lalapitan—'wag niyo kong lalapitan."

Unti-unti akong tumalikod sa kanila. Pinunasan ko ang mata ko bago unti-unting naglakad palabas sa impyerno.

"C—Cess, let me explain," habol ni Lory.

Halos mandiri ako nang hawakan niya ang kamay ko na agad kong winasiwas. Napaatras siya sa gulat nang harapin ko siya. Tumawa ako. 

"Explain? Sige nga, Lorayne. How can you explain this?!"

Nanginig ako sa sobrang galit. Halos umikot ang mata ko sa ulo ko sa sobrang sama ng tingin ko sa kanya. Lintik na luha! Ayaw tumigil!

Hinayaan ko sila na lokohin ako dahil—tang ina—naging bulag ako sa pagmamahal at tiwala ko sa kanila na mas matimbang pa rin ang pinagsamahan namin! Hindi ko alam na aabot sa ganito. Hindi ko alam na ganito pala kasakit. Sobrang sakit. Para akong mawawalan ng malay. Mabigat sa dibdib. Hindi ako makahinga nang maayos. 

Ganito ba talaga magmahal? Nagiging tanga? Nasasaktan? Hindi ba pwedeng masaya nalang? Bakit kailangan pang masaktan ako nang ganito?

"Please, Tetote—"

"STOP IT!" Lumapit siya sakin pero psumigaw ako kaya't natigil siya. "'WAG MO KONG LALAPITAN!" 

"Please."

Nagsimula na siyang umiyak. Umiwas ako ng tingin. 

"'Wag kang lalapit dahil baka kung ano lang ang magawa ko."

Ayokong manakit. Ayoko. Hangga't maari.

Tumalikod ako at naglakad palabas ng condo ni Zymon. Malapit na ko sa pinto nang may naramdaman akong humawak ulit sa kamay ko. 

"Princess, please. Let me explain.  Please, pakinggan mo ko. Hayaan mo kong magpaliwanag."

Nilingon ko si Lory at nakita ko siyang nakaluhod habang umiiyak. 

"Let me go," matigas kong sabi.

"No, I won't let you. Hayaan mo muna akong magpaliwanag. Please, Cess. Please, I'm begging you," iyak niya.

"Let me go!"

Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa braso at kamay ko na halos ramdam ko na ang sakit nito.

"Please, Princess. Please. Please."

Tinulak ko siya na naging dahilan para mapaupo siya sa lapag. 

"PLEASE, LEAVE ME ALONE!"

Tumalikod ako kaagad pero niyakap niya ko mula sa likod na naging dahilan para hindi ako makakilos. Nagpupumiglas ako pero masyadong mahigpit ang yakap niya. 

"Cess, no. Please, let me explain. Hear me out." 

Humahagulgol na siya pero walang akong maramdaman. Puro sakit at galit ang nararamdaman ko ngayon para sa kanila at ayoko silang makita hangga't maari. Gusto kong umalis! Gusto kong mapag-isa! Bakit ba hindi nila ako hayaan?!

You're Just My ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon