Forty-six

4.1K 56 1
                                    



Forty-six

Pagkagising ko ng umaga ay ang payapang mukha kaagad ni Jayden ang bumungad sa akin. Nakapalupot pa rin ang mga bisig niya sa akin. Pinatakan ko ng halik ang baba niya at dahan-dahang kumalas sa yakap niya. Tumalon ang puso ko nang mas higitin niya ako palapit.

"Tatakasan mo na naman ako," sabi niya habang nakapikit pa rin. "Do it later. Let me hold you for a little longer."

"I'm planning to cook our breakfast," napangiwi ako sa garalgal kong boses.

"Uh-huh."

I gave his neck light kisses. Naramdaman ko ang unti-unting panghihina ng braso niyang nakapulupot sa baywang ko.

"Please... Magluluto... lang... ako," I said between my kisses.

Umangat ang halik ko sa panga niya. I pecked his cheek and his mouth automatically pouted, waiting for my kiss. Natatawa ko siyang hinalikan. Binitawan niya ako para hagkan ang mukha ko at agad akong tumayo palayo sa kama.

Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa akin habang ako ay kagat ang labi at nakangisi sa kanya.

"Magluluto lang ako sa baba."

Natapos kaming kumain at agad akong naligo pagtapos. Hindi siya nagreklamo sa niluto ko kaya inisip ko na ayos ang pagkakaluto ko. Noong una ay nagtatampo pa siya sa akin dahil iniwan ko raw siya kanina sa kama. Lambing lang ang katapat ng tampo niya.

Nakatapis ang tuwalya sa katawan ko nang lumabas ako ng banyo. Napahinto ako sa tuluyan paglabas nang makita ko si Jayden na nakahiga sa kama at nanonood ng TV. Napabalikwas siya ng tayo nang makita ako.

Nakita ko ang pagpasada ng tingin niya mula sa paa ko patungo sa mukha. Napalunok siya nang sumalubong sa kanya ang nakataas kong kilay. Hindi siya tumatagal sa titig dahil panay ang baba ng tingin niya. Tinignan ko ang katawan ko at masyadong maliit ang tuwalya na hanggang hita ko lang ang haba at ang cleavage ko ay sumisilip rin.

Hindi ko naman inaasahan na nandito siya. Akala ko nandoon siya sa kwarto niya.

"What are you doing here?" tanong ko.

"Uhm..." Umiwas siya ng tingin ngunit binalik rin sa mata ko. "Y-Yayayain sana kitang ano—" Bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. Kinagat niya ang labi niya at mariin na pumikit. "—lumabas."

"Bakit wala ka sa kwarto mo?" kaswal kong tanong at naglakad palapit sa cabinet ko.

Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya at nahuli ko siyang titig na titig sa akin. Ilang beses siyang kumurap at inangat ang tingin sa mukha ko. Namumula na ang mukha niya. Umiling siya bilang sagot.

"Magbibihis lang ako."

"Okay," tango niya.

Agad siyang tumayo at nagtungo sa pintuan. Akala ko ay aalis na siya agad at isasara ang pinto ngunit nanatili pa siya roon na nakatitig sa sahig. Pinagmasdan ko siya hanggang sa salubungin niya ang titig ko.

"I'm sorry. You look so pretty and so hot," nahihiya niyang ngiti at sinara ang pinto.

Natatawa akong umiling at naghanap na ng susuotin. Nag-suot ako ng high waist faded jeans at loose baby pink na shirt na naka-tuck in sa pantalon na suot ko, and then I wore my white sneakers. Hinayaan ko ang buhok kong nakalugay at ang mukha kong walang bahid ng make-up. I applied perfume before I went downstairs.

Nakita kong nakaupo si Jayden sa sofa at pinapanood ang pagbaba ko habang pinaglalaruan ang labi niya. Ngumiti siya nang tuluyan akong nakababa at agad na hinawakan ang kamay ko.

You're Just My ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon