Prologue

21.1K 254 5
                                    

"Sometimes your real savior is in front of you, waiting for you to see him. You're just too blinded by your own version of Prince Charming."


-


Hindi lahat ng nasa tabi mo, mapagkakatiwalaan. Hindi lahat ng tinatawag mong kaibigan ay kaibigan pa rin kapag nakatalikod ka na. Hindi porket mahal mo ay dapat magpapakatanga ka na. Hindi porket kaaway mo, dapat na kamuhian mo na. At hindi porket tanga ka, mandadamay ka.

Hindi rin dahil siya ang una ay magiging siya pa rin hanggang sa huli. Hindi dahil mahal ka niya sa umpisa, mahal ka pa rin niya hanggang sa wakas. Minsan imahinasyon mo nalang ang nagsasabi sa'yo na mahal ka pa rin niya. Ikaw naman si tanga, sige pa rin ang kapit.

Pero minsan kailangan mo nang bumitaw. Minsan mas masarap sa pakiramdam ang bumibitaw sa pagkakahawak sa tali. Masusugatan ka lang kapag kumapit ka pa nang mahigpit. Kapag bumitaw ka ay pwede pang maghilom 'yang sugat mo na dulot ng mahigpit na pagkakapit.

Ikaw ang mamimili. Ikaw ang magdedesisyon. Ikaw ang mag-iisip kung ano, sino, at bakit. 

Kaya huwag kang maninisi kung bakit ka nasaktan noong hindi mo pinakinggan ang sinabi ng utak mo at nagpadala ka sa puso mong wala namang ibang trabaho kung hindi ang tumibok. 

You're Just My ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon