cont. The Singing bee

Comincia dall'inizio
                                    

Naaalala nya kasi si papa na dating musikero. Iniwan na lang kami nito at nawala na parang bula. Hindi nito kinaya ang pang pinansiyal na responsibilidad kay mama.

Hindi ko alam kung bakit napakagaan ng pakiramdam sa tuwing ako ay kumakanta. Nakakalimutan ko ang problema ko sa buhay. Natatandaan ko pa nang minsang magpunta kami sa mall ng kaklase ko, sinubukan ko yung videoke mic na binebenta nung sales lady sa isang music store na malapit sa supermarket. Napakaraming tao sa mall kaya pinipigilan ako ng kasama ko na kumanta. Nakakahiya daw.

Pwes! Ang paborito kong I will always love you ni Whitney Houston ang aking kinanta at hindi ka maniniwala na pagdilat ng aking mga mata ay napapaligiran na ako ng mga taong naaaliw sa bawat pagbirit na aking ginagawa tuwing ako ay may aabuting mataas na nota.

Sumasali din ako sa mga singing contest ng fiesta sa aming baranggay. Sa tuwing nababalitaan ito ni mama ay talaga namang isang oras ako nitong sesermunan. Paulit-ulit at masakit na masakit sa tenga.

Ang pagkanta para sa akin ay pagiging malaya. Nakakatanggal ng kung ano mang nakabikig sa aking dibdib. Dito ako nakakaramdam ng kasiyahan. Lumalabas yung totoong Vanessa na ako lang din ata ang nakakakilala. Yung Vanessa na hindi maarte... hindi unapproachable... walang yabang at parang isang masayahing bata lang na nagtatampisaw sa ulan... mababaw ang kaligayahan at walang intensiyong makasakit ng sino man.

Alam ko at nararamdaman ko na maraming inis sa akin sa room. Gusto kong sabihing wala akong pakialam pero ang totoo ay nakakailang sa akin na malaman iyon. Wala akong ginagawang masama sa kanila ngunit marami akong naririnig na hindi maganda tungkol sa akin.

Ganun yata talaga pag mataas ang tingin sayo. Hihilahin ka pababa ng iba. Pero hindi ako madaling matinag. Hindi naman kasi ako malungkutin talaga. Kahit palagi akong nag-iisa iniisip ko na lang na pagdating ko ng bahay hindi ko na makikita ang mga pagmumukha nila. Tunay ngang there's no place like home. And there's no place like All Girls School...

Sa unang araw ng aking voice lesson ay na-enjoy ko talaga ang vocal workshop na itinuro sa akin ni Ms. Bagayaua. Siyempre doon kami sa music room kung saan may organ na ginagamit during the session.

Ang music building ay isang bahagi ng All Girls School na malapit sa tinutulugan ng mga madreng nagsisilbi dito. Puro kahoy ang division nito. Isa itong malawak na studio type room na hinati-hati sa maraming kwarto. Bawat kwarto ay may piano. Nandito rin makikita ang naglalakihang larawan ng mga madreng nagsilbi noon sa school. Medyo nakakatakot ang ambiance sa music room kasi malayo na ito sa mga daanan ng estudyante. Pinakadulo na ito ng bahagi ng school. Tahimik at medyo madilim...

♪A-a-a-men ♪A-a-a-men ♪A-a-a-a-a-men ♪A-a-men

♪A-a-men ♪A-a-a-men ♪A-men...

Nasa daily routine na kami ni Ms. Bagayaua. Araw iyon ng huwebes. Nagwawarm up ako para sa 1st Friday mass na gaganapin bukas sa All Girls School. Makakasama kasi ako sa Chorale na kakanta sa misa. Kinakabahan pero mas excited ako na magiging part na ako ng school chorale. Sinong mag-aakala ng ang isang tili ng tili na katulad ko ay makakasali sa ganitong grupo.

Nang halos isang oras na kaming nagpapraktis ni Ms. Bagayaua ay nagpaalam ito saglit sa akin na magbabanyo. Binuksan nito ang pinto at lumabas. Ako naman ay naiwan sa loob ng music room at sumusubok na tumipa ng piano. Mahigit isang minuto na ang nakakaraan nang may marinig akong kumanta sa kabilang room.

Bukas ang pinto kaya ngayon ko lamang napakinggan ang boses nito...

♪Mi-hi-hi-hi-yo-ho-ho-ho-o-o-o-o-o ♪Mi-hi-hi-hi-yo-ho-ho-ho-o-o-o-o-o

Napakalamig ng boses ng kung sino man ang kumakantang iyon. Hindi pumipiyok na kagaya ko. Para tuloy akong hinehele sa duyan... Kung ganyan lamang kaganda ang magiging himig ng boses ko ay sasali ako sa iba't- ibang singing contest.

All Girls SchoolDove le storie prendono vita. Scoprilo ora