The Angry soul

7.9K 110 15
                                    

Matinding sabunot at sampal ang bumingi sa akin kanina sa bahay. Kasabay ng matinding sakit na iyon ay ang nag-uunahang mga luha na nagmistulang ambon sa pagpatak sa ilalim ng aking mga mata.

Sa labing-limang taon na aking inilalagi sa bahay ay  ngayon ko lang naranasan na masaktan at hiyain ng ganoon. Hindi pisikal na sakit ang ikinasisikip ng aking dibdib kundi ang kaalamang nangaling iyon sa kamay ng pinakamahalagang babae sa aking buhay, si Mama.

Ako si Miss Biscara. Isang guro ng asignaturang Filipino sa All Girls School. Ang kwentong inyong nabasa ay hindi galing sa akin. Isa itong kwento na ibinahagi sa akin ni Rhea. Si Rhea ay  estudyante ko sa 3rd year highschool level.

Marahil ay nagtataka kayo kung bakit isang guro ang nagbabahagi ng istoryang ito. Ako bilang isang guro ay literal na tumatayong magulang sa aking mga estudyante. Masyado akong malapit sa mga ito na umabot sa puntong halos kaklase na ako kung ituring nila.

Nagkaroon pa nga ng malaswang isyu dati na karelasyon ko ang isang estudyanteng may pagkalalaki kung kumilos sa sobrang closeness namin nito.

Sa mga mata ng hindi gaanong nakakaalam marahil ay pag-iisipan talaga ng hindi maganda ang nakikitang relasyon ko dito ngunit kagaya ng isang inang naaakusahan na may paborito sa mga anak nya, mas pinagtutuunan ko lamang ng pansin kung sino ang sa tingin ko'y mas nangangailangan nito.

Naaalala ko pa noong nasa iisang bubong pa kami ng dati kong asawa, may katok na gumising sa amin ng madaling-araw at ng pagbuksan namin ng pinto ay napag-alaman namin na estudyante ko pala na naglayas sa kanila at doon tumuloy sa bahay.

Iiling na lamang ang dati kong asawa. Isa ito sa pinag-aawayan namin. Palagi nitong sinasabi na mas mahal ko daw ang propesyon ko kaysa sa kanila na aking pamilya. Pinagmumulan ito ng aming tampuhan. Kaya malaking tinik din ang nabunot sa akin ng maghiwalay na kami nito.

Isa akong single mother ngayon ng dalawang magagandang dilag. Close ako sa mga anak ko na kahit mga nobyo nila ay barkada ko na kung ituring.

Madalas may magsabi sa akin na maswerte daw ang aking mga anak dahil cool na cool daw ako na nanay. Hindi katulad ng ibang kabataan na nagrerebelde dahil hindi makasundo ang kani-kanilang mga magulang.

Ewan ko ba kung bakit masyado akong involved sa buhay ng aking mga estudyante. Sa tuwing nagsasabi sila sa akin ng problema nila ay sumasaya ako na binubuksan nila ang saloobin nila sa akin. At masarap sa pakiramdam na nakikinig sila sa mga ipinapayo ko. Nakakatuwa na nakakatulong ako sa personal nilang mga buhay. Sa kanilang mga murang isipan ay natututunan nilang hindi lahat ng pagkakataon sa buhay ay kakayanin mong mag-isa, minsan kailangan mo rin ng mga taong magtitiwala sayo. Ang realisasyong ito ang nagsasabi sa kanila na hindi mo dapat isinasarili ang mga problema mo sa buhay. Sigurado akong may isang nilalang na handang tulungan ka.

Akala ko noon makabubuti ang patuloy kong pagtulong sa kanila ngunit sa nangyaring insidenteng iyon ay mukhang ako ang naturuan ng leksyon.

Nasabi ko sa aking sarili : Lahat ng bagay ay may kaampat na limitasyon, Hindi lahat ibinibigay ng buo...

Let the story of Rhea begin...

Sa tuwing nagcocompute ako ng quarterly grades ng aking mga estudyante ay palaging may nag-iisang pangalan ang lilitaw na bagsak. Nakakadismaya. Hirap na hirap akong magturo sa harap ng classroom kada araw pagtapos ay makikita mong bagsak pa rin ang marka. Hindi ba ako naiintindihan ng batang ito o sadyang ayaw nya lang ang subject na itinuturo ko?

Filipino yung subject. Sa tingin ko hindi naman nya aayawan yun. Ang dali-dali lang naman aralin ito. Ipinatawag ko ito sa faculty room. Habang hinihintay ko ito ay inisip ko ang itsura nito sa classroom. Tahimik lang itong bata. Hindi naman ito magulo sa klase. Iniisip ko kung sino ang mga kaibigan nito sa school ng biglang bumukas ang pinto ng faculty room.

All Girls SchoolDonde viven las historias. Descúbrelo ahora