The man at the Auditorium

21.6K 249 103
                                    

Dahil sa makulit na Ms_Cherry, napaaga tuloy ang update ko... hihihi... This update is dedicated to all my followers. Medyo may pagkabrutal ang story na ito kasi ganito talaga ito ikinuwento sa akin... Hindi ito nangyari during our school years sa All Girls school pero sikat na sikat ang kwento nito magpahanggang ngayon...

"Did you know that out of the 200 people you see everyday on the street, 2 of them are ghosts?" - Reader's digest

Let the story of Annet begin •﹏•

Sa aming tatlong magpipinsan na nag-aaral dito sa All Girls school e ako yung pinakakulelat. Nanggaling naman talaga kasi ako sa public school dahil hindi naman kami mayaman pero nung matanggap na janitor si Papa dito sa school e nabigyan kami ng malaking discount sa tuition fee kaya pinilit nila mama na dito na ako i-enroll. Third year highschool na ako nung makapasok dito. Nakakainis pa nung hindi man lang ako binilihan ng bagong uniform. Mga pinaglumaang school uniform nila Ate Rochel at ng kapatid nito ang isinusuot ko. Sila yung mga pinsan ko. Madilaw at manipis tuloy na uniporme ang suot suot ko sa araw-araw. Mala-alambreng makakapal na buhok ang tumubo sa ulo ko. At dahil wala naman akong hilig magsuklay, palagi itong nakabuhaghag. Yung ibang maarte kong kaklase, nagpaparinig pa. Ang dugyot daw. May mga kaibigan man ako sa school e hanggang hi at hello lang. Di man lang ako niyayayang sumama sa barkada nila. Siguro dahil late na ako dumating sa school. Ang ibig ko sabihin ay nakabuo na kasi sila ng foundation ng barkada nila bago pa ako dumating kaya ayaw na nila akong idagdag. Isa pa ayaw siguro nila sa bobo. Madalas kasi na bagsak ako e. Wala kasi akong hilig mag-aral. Siguro sa isip-isip nila, "ano ba yan, pangit na nga bobo pa" Tse! Wala akong paki. Hmp!

Dahil araw-araw akong nagbabaon ng kanin at ulam e hindi na ako bumababa pa sa canteen. Kung hindi ako magbabaon, wala kasi akong kakainin. Sa baon kong iilang barya araw-araw e sakto lang talaga yun pamasahe papunta at pauwi galing sa school. Sa classroom ako kumakain dahil magmumukha akong tanga kung mag-isa ako na ngumunguya dun sa malalaking lamesa sa canteen. Oo, hindi ako masaya pero hindi ako masanay-sanay. Naiisip ko sa sarili ko bakit yung kasabayan ko na transferee, naging barkada agad sya nung sikat na barkada dito sa Batch namin. Napaismid ako sa naisip kong sagot. Ah... Dahil maganda ito at maputi. Magaling magdala ng school uniform at malinis sa katawan. Kahit hindi matalino ito ay maganda naman ang buhok nito na may highlights pa. Ok. Fine.

Isa sa mga dahilan kung bakit di ako makapag-aral sa bahay ay dahil ako ang pinag-aalaga ng mga nakababata kong kapatid. Isang eleven years old na Grade 5 sa public school at dalawang kambal na parehong nasa Grade 1. Ako ang panganay. Sa akin sila nagpapaturo ng mga assignments tapos ako yung tagaligpit ng mga kalat nila, taga-saing at taga-luto dito sa bahay pag maghahapon na. Buong araw kasi na nasa labas si Mama dahil ito yung taga-bola ng bingo dito sa lugar namin. Hindi ito nakatapos ng pag-aaral. Ala-sais ng gabi ang dating ng aking ama mula sa trabaho nito sa All Girls school. Sabay sila halos dumadating ni mama sa bahay. Dahil kung hindi maabutan ni papa si mama sa bahay ay tiyak na mag-aaway ang mga ito.

Ganito ang buhay ko araw-araw. Boring. Hindi masaya. Bukas, malalaman ko na kung pasado ako sa third grading period. Malamang nito bagsak na naman ako sa Math at Science. Ang baba kasi ng nakuha kong marka sa periodical exam. Nandito ako ngayon sa gilid ng auditorium ng school nagmumuni-muni. Mula sa kinauupuan ko ay natatanaw ko ang malaking bintana ng classroom namin. Gustong-gusto ko ang pwesto na ito. May mahaba at manipis na bubong dito na may bakal na upuan. Ang kahabaan nito ay puro puno ng santan. Naging libangan ko na ang sipsipin ang mga bulaklak nito. Matamis kasi ang katas nito mapa pula man o dilaw. Gustong-gusto ko ang hangin kapag dumadampi ito sa katawan at mukha ko. Nakakaginhawa.

"O, nag-iisa ka na naman dyan ah"

Si Mang Fidel. Kasamahan ito ng aking ama sa trabaho. Mabait naman ito pero mukha itong weird. Minsan nakatingin lamang ito sa akin at nakangiti. Iniistorbo nito ang katahimikan ko dahil kapag nakita nya akong naka-upo sa pwesto ko ay uupo din ito at kakausapin ako. Nagtatanong ng kung anu-ano tapos tititigan akong muli at ngingiti...

All Girls SchoolWhere stories live. Discover now