The missing link

11.9K 135 19
                                    

Let the story of Andrei begin...

I may be liberated but I'm just really trying to be friendly. Masayahin kasi talaga akong nilalang. You only live once anyway so live it to the fullest, that's always my way of thinking. Isa akong taong ma-PR. I have good interpersonal skills, you know. Malakas ang loob ko sa lahat ng bagay. I have good voice too and I am proud to say that I've won few singing competitions at school. Everytime this happens, I just don't look unique. I also feel it.

Isa akong albino. It's in the genes. Ang tita ko na nasa states at ang lolo ko ay mga albino. Anak araw kami kung tawagin. Maputla na kulay gatas ang aming kutis. Because of lack of "pigmentation" whatever it is, puti rin lahat ng  buhok na tumutubo sa akin. Kilay, balahibo, buhok sa ulo, pilik mata at kung saan-saan pa. Lahat ay puti. Sensitibo din ang aking paningin dahil manipis at kulay pula ang aking mga mata. Hindi ito contact lens. Literal talagang pula ang aking mata.

Kapag nasisinagan ito ng araw, mas lalo akong nahihirapang makakita. But all of these won't stop me from being normal in enjoying life.

Dahil nasunugan kami ng bahay sa Cavite ay napilitan kaming tumira sa bahay ng tita ko na naging US citizen na. Third year highschool na ako nun. Kaya inihanap ako kaagad nila mama ng school na mapapasukan kalapit ng bago naming tirahan. Ang totoo, muntik na akong hindi maka-enroll sa All Girls School dahil ang daming mga requirements na hinihingi nito at isa pa mahirap na talagang mag transfer kapag 3rd year highschool ka na.

But I guess, kung para sayo then it's made to fit you. Dahil hawak hawak ko na ngayon ang class card form. Ang section ko at ang aking mga subjects ay nakalista dito. Masaya kong tinungo ang gate ng All girls school habang papasok ako dito. This is going to be fun. Surely, I'm going to make new friends... Soon...

Ako ang pinakapaboritong pamangkin ni Tita na nasa States. Hindi kasi ito magkaanak ngunit hindi rin ito nag-aampon. At dahil katuwang ito ni mama noon sa pagpapalaki sa akin ay itinuring na akong sariling anak nito. In short, I'm also a brat. Lahat ng material na bagay na gusto ng isang teenager in my age ay ibinibigay nito sa akin. Kapalit ng line of 8 na grades siyempre.

Kinakaya ko naman ito. As a result, nasa bulsa ko na ang bagong Nokia 3210. Oo. Nokia 3210. Ito ang pinaka hightech na mobile unit sa buong Pilipinas ng taong ito. Pinadalhan ako ni tita ng 8,000php para makabili ako. Naawa kasi ito sa akin dahil nagpalipat-lipat ako ng school nang masunugan kami.

Hindi naman sa pagmamayabang pero ng malaman ng mga kaklase ko na meron akong cellphone ay naramdaman kong marami ang nainggit sa akin. Ang iba ay namangha dahil sa buong third year level bukod tanging ako lang ang may ganitong unit ng phone. Ito na kasi ang pinakamahal at karamihan sa aking mga kamag-aral ay wala pang cellphone. Hindi rin ako nauubusan ng pabango dahil may supply ako ng Victoria's secret galing kay tita sa states.

Ang saya ng ordinaryong buhay ko. Wala sa aking hinagap na may paparating na isang pangyayaring gigising sa akin. I never thought someone has mistaken me for her love one...

The searching sibling

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay palagi akong dumadating ng maaga sa classroom. Pagdating ko wala palaging tao sa loob nito. Magulo minsan ang silya kaya aayusin ko ito at ililinya nang pantay pantay habang ako ay kumakanta. Hilig ko talagang humuni at kumanta unconscious that I'm already singing. Pagkatapos ay uupo na ako sa upuan ko at maglalaro ng "Snakes" na game sa aking pinakamamahal na cellphone. Naaadik ako dito at talagang nakafocus ang buong atensiyon ko. Kapag nasimulan ko nang maglaro ay wala na akong iniintindi kundi ito. Higit itong nakakaaliw sa brick game. Parang isinasarado ko ang pinto ng aking mundo at ikinukulong ko ang sarili ko kasama ang aking cellphone. Hanggang sa magdadatingan na lang ang mga kaklase ko at sabay sabay na kaming bababa patungong quadrangle kapag tumunog na ang bell for flag ceremony.

All Girls SchoolWhere stories live. Discover now