End of The School Dance Night

16.6K 165 53
                                    

Kumunot ang noo ko. Ganun din ang mga noo nina Cielo at Ingrid. Hindi ko kilala ang pangalang tinawag nito ngunit iba pala ang dahilan ng pagkunot ng noo nila Cielo.

Nicart's point of view

Si Pamela ay isang kwento sa All Girls school na may pagkakahawig sa kwento ni Annet. Ang tanging pinagkaiba ay ang sarili nitong pagkitil sa sarili nitong buhay nang magbigti ito sa loob ng sariling classroom. Nabuntis daw ito ng nobyo nung graduating na ito. Nang may pinagsabihan itong kamag-aral na isang matalik na kaibigan ay ibinunyag naman ng taong iyon sa faculty ang nangyari dito, sanhi upang ipatawag ang magulang ni Pamela sa school. Dala ng sobrang takot at magulong isipan kung paanong ipagtatapat sa magulang ang nagtulak dito upang wakasan ang sariling buhay. Nag-iwan ito ng isang maikling sulat na natagpuan sa nakakuyom na palad nito : "Sana masaya ka sa ginawa mo Kristina" Pangalan ito ng matalik nyang kaibigan.

At dahil nga sa sulat na iyon kung bakit gusto kong makausap si Pamela. Gusto kong malaman nya na ang matalik nitong kaibigan ay naging tapat sa kanya hanggang sa huli. Na ang intensyon nito ay upang hindi na siya mamroblema pa. Para magabayan siya ng mas maigi at humupa ang nararamdamang gulo sa isip nya.

End of point of view

"Pamela... Pamela... Ikaw ang gusto naming makausap... Magparamdam ka kung kasama ka na namin..."

Nang mga oras na iyon ay nasa ibabaw na ang hintuturo ni Nicart sa barya. Sinenyasan nya kami na ipatong na rin ang aming mga hintuturo dito. Ganun na nga ang ginawa namin. Halos marinig ko na ang tibok ng aking puso sa pinaghalong kaba at takot.

Napakatahimik sa lugar na iyon. Uminit ang loob ng silid aralan dahilan kung bakit butil butil na ang pawis namin. Napakadilim hanggang sa nagsalita muli si Nicart...

" Lagyan natin ng kaunting pagitan sa mga daliri natin ang barya. Hayaan nating gumalaw ito mag-isa.."

"Pamela... Meron kaming importanteng sasabihin sayo... Matagal ka nang nagagalit pero hindi dapat... Pamela... Magparamdam ka sa amin kung nandito ka na..."

Walang nangyayari. Ngunit hanggang kailan?

" Pamela... Kung naririnig mo kami ay papuntahin mo sa kaliwang bahagi ang barya... Naghihintay kami sayo Pamela...Alam kong matagal ka nang naghihinagpis..."

Lahat kami ay nakayuko sa board at hinihintay na gumalaw ang barya. Parang wala namang nangyayari na ikinatutuwa ko. Si Cielo at Ingrid bagamat mga nakatahimik lang ay ramdam kong nayayamot na rin. Hanggang sa...

" Pamela... naririnig mo ba kami... uulit-ulitin ko na mahalaga itong malaman mo... marahil ay madilim at malungkot kung nasaan ka man ngayon ngunit importanteng malaman mo ang tungkol kay Kristina!"

Biglang bumukas ng kaunti ang pinto dahilan upang gumawa ito ng pigil na ingay. Kasunod nito ay ang pasok ng malamig na hanging nagmumula sa labas... Hanggang sa unti unti nang lumamig ang loob ng classroom. Gusto kong tumakbo sa likod nila Nicart dahil nakatalikod ako sa pinto. Ipinikit ko ang mata ko dahil sa takot kung ano ang susunod na mangyayari...

Muli itong sumara. At doon ay sabay sabay naming narinig ang isang mahabang ungol. Parang may isang matagal nang nakahimlay ang nabulabog at pinilit na makabangon. Ang ungol na iyon ay lima hanggang anim na segundo lamang ang haba ngunit malakas iyon at malalim upang marinig namin ng tumpak. Lumamig na ng tuluyan ang classroom...

"Pamela... Pamela... Andito ka na ba..." Paiyak at malakas na sabi nito. Natatakot na rin si Nicart. Nagdasal ako ng taimtim na wala naman sanang masamang mangyari sa amin.

Wala akong choice kundi ang manatiling kalmado at alerto. Natatakot man ay kailangan kong magpakita ng katatagan nang mapansin kong nanlalaki ang mga mata nila Ingrid at Cielo na parehong nakatingin sa likuran ko. Halos pautal akong nagtanong kung bakit dahil parang ayokong malaman talaga ang sagot.

All Girls SchoolWhere stories live. Discover now