The Silent watcher

9.8K 141 42
                                    

Sabi nga ng author na si Alexard: *Kung may pangyayari man sa kwentong ito na may pagkakapareha ay pasintabi po dahil ito ay nagkataon lamang.

This chapter is dedicated to Myles Janine aka pink_daydreamer (*^_^*)

May all your dreams come true.

Let the story of Lynette begin...

Sa isang katulad kong probinsyana na malaki ang pangarap mag-aral sa Maynila, sugal para sa akin ang magdesisyong lumuwas mag-isa at iwanan ang aking pamilya sa Aklan.

Pagkagaling sa tindahan namin sa palengke ay sinalubong ako ni Tatang at malungkot ang payat na mukha nito. Hawak hawak niya ang isang sulat na agad kong binasa...

"Congratulations, Lynette! You've passed the entrance exam for the scholarship program in All Girls School..."

Yun pa lamang ang nababasa kong mga linya ngunit nagtatatalon na ako sa tuwa. Malinaw na isa itong admission letter. Bigla ay nakita kong tumawa na rin sa galak si Tatang. Pinapakaba pala ako nito ngunit mas nauna pa rin nyang nalaman na nakapasa ang bunso niyang anak sa

kolehiyo.

Hindi lang ang admission letter na ito ang dahilan ng pagkakatalon ko kundi ang realisasyon na ito na ang unang baitang sa pagbuo ng aking mga pangarap... Milyung-milyong pangarap.

Sa aming magpipinsan sa Aklan ay wala ni isa man ang nakatuntong sa kolehiyo. Lahat pagkatapos ng highschool ay napupunta na sa pagtitinda ng isda sa palengke. Pangingisda kasi ang pangunahing ikinabubuhay namin dito sa Aklan.

Tiningnan ko ang petsa na nakasaad sa admission letter at nakita kong malapit na ang enrollment date. Kaya heto ako ngayon. Kasama ang aking dalawang malalaking bag para mag-asikaso ng aking enrollment.

Gusto kong maiyak sa ingay at dami ng tao na nakikita ko pagbaba ko sa barko ngunit kailangan kong magpakatatag lalo na't na sa akin ang buong tiwala at pag-asa nila Nanang at Tatang.

Walang kilala ang aming pamilya dito sa Maynila kaya obligado akong maghanap ng kwarto na matutuluyan. Nagkaligaw ligaw pa ako sa pagtunton sa All Girls School kaya hapon na ay naghahanap pa rin ako.

Halos hindi ako makapaniwala sa ganda ng nakikita kong gusali sa aking harapan. Napakaganda kaya nahihiya akong pumasok sa gate nito. Napansin ako ng guard at dito ako nagtanong. Pinakiusap ko sa guard na iwanan muna ang malalaki kong bag sa kanya at pumayag naman ito dahil nakita nyang hirap na hirap na ako sa kabibitbit ng aking mga maleta.

Si Ms. Emy ang tumulong sa akin sa pasikot-sikot ng enrollment sa school. Nalaman nito na unang araw ko sa Maynila at nabanggit nito sa akin na may dormitoryo dito sa loob ng All Girls School. Para ito sa mga college students na kagaya kong walang matutuluyan sa siyudad.

Lumipas ang isang linggo at nakalipat na ako sa dormitoryo dito mismo sa loob ng All Girls School. Unang gabi kong matutulog dito at masaya ako na may kaibigan na agad ako, si Tara. Kalog ito at madaldal. May kaya ang pamilya ni Tara dahil mayroon silang malaking mango farm sa Pangasinan. Katulad ko ay wala rin kilala ang pamilya nila sa Maynila kaya nagdesisyon ang mga magulang niya na dito na lang sya sa dorm sa loob ng school tumira for her own safety.

Bukod sa pagiging scholar ay natanggap akong library assistant sa school. Dito ako kumukuha ng panggastos sa araw-araw bukod sa ipinapadala ni Tatang kada buwan. Noong una akala ko ay maingay araw-araw sa Maynila ngunit dahil bihirang bihira akong lumalabas sa school ay nakampante na rin ang puso ko sa tahimik na kapaligiran.

Masuwerte ako kung tutuusin dahil kung mapagmamasdan ang lugar kung saan ako namamalagi...May pantry katabi ng dorm. Maraming halaman at puno sa Baboian Island kung saan ito matatagpuan. Island na ito kung tawagin dahil dulo na ito ng school grounds. Mahangin at tahimik. Sa harap nito ay ang dalawang hardin na magkatabi at sa harapang hallway ay ang mga upuan at lamesang gawa gamit ang bato na may mga batong payong na nagsisilbing silong ng mga ito. Tahimik na sa gawing ito dahil hindi na ito nadadaanan ng mga estudyante sa highschool at college department.

All Girls SchoolWhere stories live. Discover now