Playful

6.9K 76 2
                                    

Palagi kong binabangit ang salitang ito sa iilang mga chapters ng istorya ko. Kung inyong matatandaan, ang tawag sa aming class president ay "Gov". Siya yung leader naming lahat. Disiplinado, organized, authoritative at higit sa lahat marunong sumunod sa school policy. Lahat kami ay kaibigan niya ngunit may kaampat na respeto. Kumbaga hindi pwedeng batuk-batukan o murahin kahit pabiro. Sa apat na taon ko sa All Girls School, dahil nga tatlo lang naman ang section kada highschool level ay napansin ko na kahit umakyat na kami ng isa pang taon ay ibinoboto at nominado pa rin yung mga tumakbo para sa posisyon na iyon nung nakaraang taon. Kadalasan, siya pa rin ang nananalo.

Kaya ngayon na graduating na kami ay si Joy pa rin ang Gov ng klase. Pabor sa akin yun. Tropa kami ni Joy. Hindi kami magbarkada ngunit kumbaga sa Duo kami ang "Reycards", "B1&B2", "Panchito&Dolphy" at kung anu-ano pang partners na maitururing.

Sa tuwing binabalikan ko ang ala-ala kong iyon sa highschool ay napapangiti ako. Pag sumasayaw kami at kumakanta ng sabay sabay tuwing free time, kapag nagbibiruan at nagtatakbuhan sa corridor habang wala pang teacher at iba pang mga kulitan.

Ngunit alam ko sa aking isipan na sa likod ng mga tawanang iyon ay may maisisingit si Gov na kakatwang karanasan niya sa All Girls School.

Let the story of Joy aka Gov begin...

Si Gov yung tipo ng tao na independent at kumikilos ng kusa kahit mag-isa siya. Hindi katulad ng iba na kahit sa pagpunta lang ng C.R kahit ihing-ihi na e talagang pipigilin ang lahat basta magkaroon lang ng makakasama.

Mula sa gate ng All Girls school ay mayroong mahabang-mahabang pasilyo na mayroong mga upuan kung saan naghihintay ang mga magulang na susundo sa kani-kanilang mga anak sa elementarya.

Sa totoo lang, hindi naman ito napupuno ng tao dahil karamihan sa mga elementary e nakaschool service pauwi.

Ang uwian ng mga elementary ay sabay din sa oras ng highschool lunchtime. Base sa kwento sa akin ni Gov noong mga panahon na naglalakad siya ng pasilyo para salubungin ang ate niya na nag-aabot ng kanyang baon kada lunch, mayroong isang "ama" na palaging naghihintay sa pasilyo ng school. Nadadaanan niya ito at ngingiti ito sa kanya kapag natatanaw siya kaya ngiti rin ang iginaganti niya dito.

Hindi araw-araw na dinadalhan siya ng baon kaya nangyayari lamang ito dalawa o tatlong beses sa isang linggo.

Naikwento rin sa akin ni Gov na nung minsang mapunta siya sa small canteen ng elementary department ay ngiting-ngiti rin yung matandang janitor sa kanya kaya binati nya rin ito.

Isang araw nung freetime namin ng Biyernes ay nagkakwentuhan kami. Inamin niyang naiistress siya dahil nagkasabay-sabay ang projects sa school. Dinamayan ko naman ito by giving her comforting words dahil yun lang ang maibibigay ko.

Out of the blue habang kami ay nag-uusap, tumingin ito ng matagal sa akin at sumeryoso ang mukha. "Nakaramdam ka na ba na parang hindi ka nag-iisa?" kumunot lang ang noo ko at sumagot ng oo naman sinabi ko pa na andyan naman silang mga kaibigan ko at pamilya para damayan ako.

Hindi ko alam ng mga oras na iyon na literal nya pala itong itinatanong sa akin.

Napansin kong tumingin ito sa malayo, tumawa at umiling na parang kabaliwan lang ang naitanong nya. Hindi na naulit ang tanong na ito kahit kailan.

Ilang linggo pa ang lumipas at napansin kong lumalalim ang mata nito. Nakikipagbiruan naman ito sa akin ngunit parang hindi na masyadong maligalig katulad ng dati. Nung Library time namin ay pinagtawanan ko ito ng makita kong pumunta ito sa Mystery section ng library at kumuha ng librong entitled "Territorial Spirits".

All Girls SchoolWhere stories live. Discover now