The Timecard

26.9K 434 105
                                    

Salamat kay superjelly for teaching me how to add new chapters :) God knows how I hate reading the "how to" pages...

Let the story of Rita begin •﹏•

Kung merong paparangalan ng Loyalty award dito sa All Girls school it would be none other than me. Mula kinder hanggang high school dito ako nag-aaral, pumapasok at nanatili ng 5 hanggang 7 oras kada araw mula lunes hanggang biyernes para matuto.

Hindi alam ng marami sa mga kamag-aral ko ngayon kung gaano karami na ang alam kong tsismis, natuklasang lihim na alitan ng mga teachers, mga mag-on na tomboy, mga artistang dating nag-aral sa school at kung anu-ano pa.

Pero I remained silent. Hindi ako madaldal na tao. Marami akong kaibigan pero hindi sapat iyon para i-daldal ko sa kanila ang mga nalalaman ko. Sometimes I'd feel selfish. Ang iniintindi ko lang kasi ay ang sarili ko. Kumbaga, Mind your own business. Ganun naman dapat...

Heels... Takong... I need those.

Sa height kong 4'7" urgh! Oo na. Ako na nga ang pinakamaliit sa lahat ng kaklase ko. Pero para sa mga petite dyan it is often an advantage. Mas maraming boys who'd find us cute. Mas madaling makapili ng shoes sa shops dahil maraming magkakasya. Magaan din ang pakiramdam pag naglalakad ka because of your height... Diba?

Tama... Sana nga ganyan na lang parati...

It was the least of my knowledge that these advantages would go away when this shivering experience happened, It made me wish I was the tallest...

The Timecard

Grade 6 ako noon and every Friday ay mayroon kaming PE class. Required kami na magpalit ng PE uniform during that subject. Sa pagkakatanda ko, ang oras ng PE namin ay after the 1st break. So it's within the 1st 4 hours of the class. 1 hour lang naman yun and it has been a Friday routine na during our break nagpapalit na kami ng PE uniform.

We need to fall in line sa labas ng classroom. Along the corridor after the break dahil pupunta kami lahat sa school Gym. Sa labas yun ng building na malapit sa Guard's house. Lalagpas ka pa ng Auditorium na syang katabi nito.

1st break na namin ng mga oras na yun. Yung iba nagsusuot na ng sneakers, Ako mabilis kumilos pagkatapos kong kainin yung sandwich ko e nagpalit na agad ako sa CR ng PE uniform kaya in 3-4 minutes, Voila! Ready na ako.

Kung alam ko lang. Sana binagalan ko na lang. Sana nagpa-late na lang ako sa klase...

Pagbalik ko sa classroom, saktong nandun na pala si Miss Belmes. Nakatayo sya sa harap kung nasaan ang aming blackboard. Siya ang aming PE teacher. Mabait ito at maganda. Soft spoken at gustong-gusto ko ang pag ngiti nya.

Sa All Girls school hindi lang mga estudyante ang may uniform, mga teachers din. Iba-iba ang uniform nila bawat araw. Kapag friday, nakadress down lang sila. Naka-civilian. Pero kapag PE teacher ka, may PE shirt ka rin na may logo ng All Girls school at dapat naka jogging pants every PE subject.

Nung araw na yun hindi naka PE uniform si Miss Belmes. Suot nito ang uniform na para sa araw ng Miyerkules. Sinabihan nya kami na pumila na. As usual, lagi naman by height kaya agad kong ipinatong sa aking upuan ang dala kong school uniform galing sa CR kung saan ako nagpalit para makapila na sa labas pero nakita ko si Miss Belmes na sumesenyas sa akin na doon ako sa harap ng classroom pumila kung nasaan siya.

Sumunod ako dito. Yung mga kaklase ko naman ay pumipila na rin sa likod ko. Pagpunta ko sa harap ay hinawakan ako sa magkabilang balikat ni Miss Belmes. Habang naghihintay na mabuo ang pila, hinawakan pa nya ang ulo ko habang hinahaplos ang buhok ko.

Tahimik lang ako na tumingin sa likod kung buo na ang pila, nang makita kong nakapila na lahat e nagsalita si Miss Belmes na dito daw muna kami sa classroom lahat at babalik din sya. Lumabas na sya ng classroom pagkasabi nito.

Lumipas ang limang minuto, hindi pa rin sya bumabalik. Yung iba na may upuan sa tabi e naupo na muna. Ako naman nanatiling nakatayo. Pero nakaharap ako sa mga kaklase ko. Biglang nagsalita yung governor namin(tawag sa class president)"Bakit hindi na lang papuntahin tayo sa gym kaysa dito pa maghintay?"

May point ito. Usually naman pinapapunta agad kami sa Gym at doon namin sya hinihintay. 15 minutes na... Nakaupo na rin ako. 1 hour lang ang PE subject. Ang tagal naman ni Miss Belmes. 20 minutes na... Nagdadaldalan na halos lahat sa classroom.

Tumayo yung governor namin at sinabi nyang pupuntahan na nya sa faculty room si Miss Belmes at itatanong kung magpupunta pa ba sa gym.

Pagkatapos ng lagpas sampung minuto, bumalik si governor na may kasamang isang guro. Grade 6 teacher din ito. Dahan dahan itong pumasok sa classroom sabay tanong ng "Nakita nyo dito si Miss Belmes?"

Sabay sabay din kaming sumagot ng Oo. Bigla syang tumahimik. Tiningnan pa kami isa-isa. Nagsalita muli ito. "O sige, tutal patapos na naman halos yung oras ng PE, pwede na kayo magpalit uli ng uniform"

Pagkasabi nito ay nakita ko sila ni governor na bumalik ng faculty. Nagtataka man kaming lahat ay kumilos na kami para makapagpalit. Yung iba sa gilid na lang ng classroom nagbihis. Yung iba nagpunta pa ng CR.

Pagkatapos ng mahigit limang minuto ay nakaschool uniform na kaming lahat. Siya namang pagbalik ni governor. Nagpunta ito sa harap ng classroom para magsalita.

"Classmates, tumawag kaninang umaga si Miss Belmes sa school coordinator. Hindi daw sya makakapasok ngayon dahil may sakit sya. Magpray tayo for her na gumaling na sya agad."

Kalmado ito. Na parang walang nangyari. Wala na ring nagtanong kay gov tungkol dito.

Lumabas ito muli papunta sa CR para makapagpalit na. Nagpasama pa ito sa dalawa pa naming kaklase.

Nang may dumating na isa pang grade 6 na teacher. May pagka kikay at taklesa ito. Tinanong kami kung totoo ba na nakita talaga namin si Miss Belmes.

Sumagot naman kami. Bigla nyang niyakap ang sarili nya at hinimas ang kanyang braso. Dinig na dinig ko ang sinabi nito : "Ano ba yan, nakakatakot naman yun. Tiningnan pa namin yung Time card nya, walang punch ng time in o out."

(time card - a card for recording the time at which an employee arrives at and departs from a job)

Bigla akong napaisip. Naramdaman ko ang paglaki ng ulo ko sa aking naalala.

◆nakita ko si Miss Belmes na sumesenyas sa akin na doon ako sa harap ng classroom pumila kung nasaan siya.

Sumunod ako dito. Yung mga kaklase ko naman ay pumipila na rin sa likod ko. Pagpunta ko sa harap ay hinawakan ako sa magkabilang balikat ni Miss Belmes. Habang naghihintay na mabuo ang pila, hinawakan pa nya ang ulo ko habang hinahaplos ang buhok ko...

Nasabi ko sa aking sarili. Kung tumangkad lang sana ako ng kaunti marahil ay hindi ako ang nasa unahan ng pilang iyon... Wala sanang nakahawak sa akin na kung ano o sino man.

All Girls SchoolWhere stories live. Discover now