The School Dance Night

17.9K 160 31
                                    

Taos sa puso ang aking pasasalamat sa mga nagbabasa ng istorya na ito lalong-lalo na sa mga naghihintay ng update. Pasensya na po kung ngayon lang uli. This will be my last update.

Joke. Keep reading guys. I love you all!!!

"The unfamiliar faces in your dreams are the ghosts that stare at you while you are asleep" - Reader's Digest

Let the story of Pretty Girl, Sunny begin •﹏•

Author's Point of View

Sunny looks exactly like Beth Tamayo (but she is much prettier) I just saw her upload on facebook a few days ago and she is finally engaged to her long time boyfriend. So happy for you, pretty girl!(^_^)

End of point of view

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa harap ng klase. Medyo kinakabahan ako. Pero kailangan kong ngumiti. Pinilit kong magsalita ng maayos habang nakatingin sa mga nakaupo. Ang iba sa kanila ay blangko ang mukha. Merong iilan na nakataas ang kilay. Pero iisa lang ang natitiyak ko. Lahat sila nakatingin sa akin.

Nang makaupo muli ako sa aking kinauupuan ay nginitian ako ng katabi ko. "Saan ka galing na school?" Tanong nito. Sinagot ko sya ng pangalan ng dati kong eskwelahan.

Bago ako lumipat sa All Girls school ay nag-aaral na ako sa isa pang kilalang all girls school. Meron akong naiwang best friend dun. Si Meru. Ang tagapagtanggol ko. Binubully kasi ako ng mga classmates namin. Maarte daw ako. Kahit tahimik ako at wala naman akong ginagawa sa kanila. Minsan kapag uwian ay merong susugod sa akin na grupo ng mga babae. Aawayin ako at sasabihan ako ng kung anu-ano kahit ang iba sa kanila ay hindi ko naman kilala. Hirap na hirap man ay napilit ko sina lola na ilipat ako ng school.

Sana hindi ako nagkamali sa school na nilipatan. Sana tanggapin nila ako dito. Marami sana akong maging kaibigan. Gagawin ko ang lahat para makisama. Alam kong panibago itong pakikipagsalaran.

Hanggang sa nangyari na ang hindi ko inaasahan. Ilang araw pa ang dumaan at nilapitan ako ng dalawang babae. Mga kaklase ko ito. Bakit daw hindi ako marunong makisama. Napakataas daw ng tingin ko sa aking sarili. Sino daw ba ako sa tingin ko.

Kahit halos nanlalambot ako sa nakikita kong galit na reaksyon nila ay pinilit kong magpaliwanag ng mahinahon. Bumuka ang mga bibig ko para humingi ng paumanhin. Naguguluhan man ako kung bakit sila nagagalit sa akin ay sinabi ko ng tuwid na wala akong gustong palabasin. Nahihiya ako at natatakot makipag-usap sa iba dahil sa karanasan ko sa dati kong paaralan.

Naramdaman kong tumutulo na ang maraming luha mula sa aking mga mata. Humihikbi ako dahil nabalikan ko ang isang masamang ala-ala na kinikimkim ko nang matagal na panahon. Sumuko ako sa kanila at ipinarating na ayoko sa away dahil higit kong kailangan ng kaibigan.

Lumipas ang ilang araw. Isang di inaasahang pangyayari ang ikinagulat ng aking puso. Nilapitan ako ni Cielo. Isa sa dalawang babae na lumapit sa akin nang nakaraang araw. Habang nakayuko ako sa takot ay mayroon siyang sinasabi sa akin. Hindi ko man naiintindihan dahil sa sobrang kaba ay unti-unti kong nauunawaan ang ibig nitong iparating. Inilahad nya ang kamay nya sa akin, nakangiti ito ng yumakap sa akin.

"Gusto mo bang maging barkada namin, Sunny?"

Totoo ba ito? Lumukso sa sobrang saya ang aking puso. Nagmukha man akong tanga ay niyakap ko itong muli.

"Gustong-gusto ko!!!"

Cielo's Point of view

Masayang-masaya ito. I hate this bitch dahil maarte ito at mukhang arogante. Now I've analyzed why she's misunderstood. May inferiority complex ito. Inside her pretty face is a scared and an aloof little girl. Napagkaisahan namin ng barkada na isama na ito sa amin. Maganda siya at naramdaman ko ang ganda ng pagkatao nito nang bigla itong umiyak na parang kinder sa harap namin ni Ingrid. Humihikbi ito. She's like an angel pero mukha itong nakakaawa.

End of point of view

"Ano na? Sure na yung mamaya ha"

Hindi iyon tanong kundi isang kumpirmasyon. Kahit kinakabahan ako sa gagawin namin mamaya ay hindi ako makatanggi. Baka ikainis pa nila yun sa akin. Ayokong mangyari na mawalan uli ng mga kaibigan.

Last Wednesday sa kalagitnaan ng cheerleading practice para sa nalalapit na school competition ay naintriga kaming lahat ng dumating si Nicart na may dalang Ouija board.

Natawa pa kami dahil seryoso ang mukha nito. Kilala itong komedyante sa klase. Barkada ko din ito.

"Sa darating na Friday pagkatapos ng cheerleading practice, magspirit of the coin tayo. Tamang-tama dahil Friday the 13th. Doon tayo sa classroom. Tinuruan ako ng pinsan ko kung paano dahil nagawa na nila at totoong may nakita sila". bulong nito.

Nagpakita pa ito ng kopya ng dasal na iba ang lengwahe ng pagkakasulat. Sinabi din nito na pabaligtad daw ang kailangang pagsambit ng Apostle's creed. Nung una ay nakangiti lang ako dito pero nang makita kong sumasang ayon sa kanya ang barkada ay napalitan ng kaba ang aking nadarama. Ayoko. Aaminin ko na takot ako. Ayoko talaga.

Singit lang saglit : Freshmen pa lang kami nito. Ang classrooms ng 1st year at second year ay matatagpuan sa harap ng 3rd year and 4th year classrooms. Yung malawak na main canteen ang pagitan. Magkatanawan ang mga ito ngunit magkahiwalay na building. Mayroong likod na pinto ang faculty room. Ang katalikuran nito ay ang hagdanan paakyat sa 1st and 2nd year classrooms. Pag akyat sa hagdan, bubungad kaagad ang CR kung saan sinasabing nagpapakita si Annet. Sa kabilang panig ng makitid na hallway na yun ay ang mga 1st year classrooms. Tatlong classroom lamang ito. Ang palapag sa itaas naman ay ang mga 2nd year classrooms. Mayroong isang classroom na nakakandado kahanay nito. Dati daw itong classroom na ginawang bodega. Katapat nito sa ibaba yung CR. Doon ay nakatambak ang mga sirang upuan at lamesa. Nang minsan akong matapat sa pinto nito ay talaga namang kinilabutan ako. Wala akong 3rd eye pero kahit sino ay masasabing may kakaiba sa loob ng bodegang iyon.

Dumating ang araw ng Biyernes. It is Friday the 13th. Nakakapagod ang practice. Nagkapasa na ang aking braso dahil isa ako sa mga cheer dancers ng freshmen. Ako ang tatayo at mahuhulog mula sa pinakataas ng pyramid dahil petite ako at magaan. Mahirap man at nakakapagod ay nafu-fulfill nito ang aking pagkatao.

Nagliligpit na ako ng gamit ko sa bag nang bumulong sa akin si Nicart. Kasalukuyan kaming nasa school gym. "Tara na. Susunod na sila sa atin sa classroom." Napatingin ako dito. "Hala Nicart, seryoso ka ba talaga?" Tumango naman ito.

Mula school gym ay muli kaming bumalik sa classroom. Madilim na dahil palubog na ang araw. Mas lalo akong natatakot. Idagdag pa na ang building namin ay natatakpan ng palapag na nasa itaas ng faculty room kaya nunka na masikatan ito ng araw.

Ang classroom namin ay napapagitnaan ng dalawa pang 1st year classrooms. Doon kami pumasok. Sa likod ng classroom ay ang aming mga lockers. Inayos namin ni Nicart ang mga upuan ng paikot. Sa gitna kami pupuwesto mamaya. Nang matapos kami ay inilatag nya na sa gitna ng classroom ang Ouija board. Hindi ko alam kung bakit ngunit kinukutuban ako. Parang biglang lumamig ang loob ng classroom.

Lumipas ang halos labinlimang minuto ay narinig ko na ang mga yabag na papalapit sa pintuan ng classroom. Andyan na sila...

Unti-unting iniluwa ng pinto ang dalawa pang nakumbinsi ni Nicart. Si Cielo at Ingrid. Naghihintay pa akong may dumating pa ngunit sinabi ni Ingrid na kaming apat lang daw talaga dahil kailangan na daw umuwi ng iba. Mas lalo akong kinabahan.

Isinara na namin ang mga bintana at pintuan na lalong nagpadilim sa paligid. Nakakabingi ang katahimikan dahil kaming apat na lang ang nasa building na iyon. Nagsindi ng dalawang kandilang puti si Nicart. Doon lamang sa sindi na iyon kami kumukuha ng kakarampot na liwanag. Bumuo na kami ng isang bilog kung saan lahat kami ay naka indian sit. Nagsisimula nang magtayuan ang balahibo ko.

Nagsimula nang magsalita si Nicart habang inilalagay ang isang kakaibang pilak na barya sa gitna ng board. Binabasa nya ang nakasulat sa papel na kasama sa Ouija board. Inaasahan ko na magpatawa ito para mawala ang aking kaba dahil para na akong nasasakal ngunit nabigo ako. Isa-isa nya kaming tinitingnan at seryoso ang mukha nito ganun din sina Cielo at Ingrid. Pagkatapos ay nagdasal na ito ng pabaligtad na apostle's creed.

Huminga ito ng malalim at yumuko. Ramdam ko na kinakabahan din ito sa gagawin namin.

Hanggang sa nagsalita itong muli : "Tinatawagan namin ang kaluluwa ni Pamela..."

All Girls SchoolWhere stories live. Discover now