The Vanity room

24.1K 324 67
                                    

Let the story of Iris begin •﹏•

Blue m&m's. Yan ang name ng barkada at ako ang nagpangalan nito dito. Uniqueness ang simbolo nito. Sampu kaming magbabarkada at kabilang na dito si Rachelle. Remember her? We have one thing in common. Black beauty din ako pero pantay-pantay lahat ng daliri ko. Hindi naman ako balbunin e. Dalawa kami ng Ate ko na nag-aaral dito sa All Girls school. 2 years ang pagitan ng edad namin kaya nung nasa 2nd year highschool ako e graduating na sya at nung 4th year highschool na'ko e sa ibang school na sya nag-aaral.

Lucky her.

I'd admit na mataray ako at may pagkaboses ipis but I remained friendly and always happy. Palagi akong napupuna ni Sister Letty na manipis ang kilay at namumula ang nguso. Alam ko ang gusto nyang palabasin. Literal iyon. Ako kasi yung tipo ng estudyante na vain. Every two subjects nagpupunta sa CR para ayusin ang sarili. Naglalagay ng face powder at lip and cheek tint and yes nagpapluck din ako ng kilay. I know that's a no, no sa isang All Girls School pero feeling ko nawawalan ng sigla ang maganda kong mukha kapag wala man lang blush on o lip tint.

Nakakatawa nga dahil nung minsang nagkaroon ng interaction yung school sa isang All Boys school e kalahati ata ng isang classroom yung nagbigay sa akin ng remembrance nila na small basket na may artificial roses. Meaning yung mismong mga partner nila e hindi nakatanggap ng remembrance. You see, may advantages ang pagiging vain. Most people will be attracted to you.

But this vanity is the only thing I could ever blame when I saw "it" happened. It made me believe that fixing ones self to be attractive isn't that fun...

The Powder room

Katatapos lang ng Physics class namin ng araw na yun, two more subjects at pauwi na rin kami sa wakas. But of course, papunta na ako sa CR. Ang CR ay katabi lang ng classroom namin. Remember, yung hagdanan na inakyatan nila Rosalyn? Bago ka makadaan sa mga classrooms ay dadaanan mo iyon. Pero ang CR ay hindi kapantay ng entrance ng classrooms. Kailangan mo maglakad papasok mula sa dulo ng hagdanan papunta sa pinto ng CR. Para nga naman walang amoy na bubungad sa ilong mo pag akyat ng hagdan o dun sa classroom na katabi nito which is our classroom.

Nasa bulsa ng skirt ko palagi ung mga paraphernalia ko para anytime pwede ako magretouch. Hawak ko na yung Dr.Comb ko. At di katulad ng iba I'd go to the CR alone. Hindi ako yung mahilig magpasama (dati yun) and besides katabi lang naman ng classroom namin yung pupuntahan ko(kung alam ko lang).

Pagpasok ko sa CR, pumunta ako sa isa sa mga cubicle hindi para umihi. Kundi para makita ko ng maigi sa salamin yung uniform ko. Kailangan walang lukot yung sa likod. Then lumapit na ako sa harap mismo ng salamin.

Ang CR ng 4th year highschool ay maluwang kung ikukumpara sa CR ng elementary na nasa ibaba ng hagdanan. Maaliwalas at maliwanag din ito dahil meron itong glass windows. Yung tiles na ginamit sa CR ay ceramic pool tiles na kulay puti, bagamat may kalumaan na ay glossy pa rin.Pwede kang manalamin.

Pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin. Kahit may pagkabanlag ay maituturing akong maganda. Marami nang nagsabing mas maganda ako kay ate. Ang ilong ko ay maliit ngunit matangos. Maliit ang aking mata ngunit palagi itong masaya at ang maninipis kong labi na mamula-mula dahil sa lip tint na inilalagay ko. Haay... Ang ganda ko talaga...

Nagsimula ko nang suklayin ang aking apple cut na buhok. Nasubukan ko nang magpahaba ngunit mas bagay sa akin ang maikli. Nakaganda pa ang highlights na inilagay ko dito, copper brown ang kulay nito. Napansin ko sa aking peripheral vision(paningin sa gilid ng mata) ang repleksyon ko sa tiles.

Slim ako at hindi tabain pero hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko ng mga oras na iyon at parang bigla akong kinabahan. Yung kabadong parang tumatayo ang mga balahibo at parang lumalaki ang ulo ko.

Tumigil akong magsuklay. Hindi din ako humihinga o gumagalaw. Pinapakiramdaman ko kung ano ang susunod na mangyayari. Dahan-dahan akong humarap kung saan ko nakikita ang aking repleksyon sa tiles...

Hindi ako makagalaw para kumaripas ng takbo. Ayokong ipikit ang aking mga mata dahil baka kung ano ang mangyari sa akin.

Kitang-kita ko ang nangyayari.

Nagsusuklay pa din ang repleksyon ko sa gawing iyon.

Hindi ko na maalala kung paano ko napilit gumalaw ang aking mga paa pabalik sa classroom. Ive learned my lesson. Baka pati "sya" naaartehan na sa akin...



At dahil sa pangyayaring ito... binawasan ko na ang pagpunta sa cr ng mag-isa. Gusto mo rin bang palagi ang magpaganda?












♥Next update story naman ni Jocelyn. Barkada ito ni Iris but what happened to her is much weird. Ayoko na sana itong balikan dahil naiba rin ang pananaw ko sa mga bagay when it happened pero gusto kong ibahagi ito sa inyo. Sana magustuhan nyo...

All Girls SchoolWhere stories live. Discover now