Committed to its Promise

11.4K 174 114
                                    

Cub Scout Motto : Do Your Best

Cub Scout Promise: I, [name], promise to do my best To do my duty to God and my country, To help other people, and To obey the Law of the Pack.

Let the story of Veronika begins

Ako si Nika. Patpatin at maitim. Tinutukso ako ng mga kaklase ko na Olive oil, yung partner ni Popeye The Sailor man. Ganun kasi ako kapayat. Nung ipinasok ako sa All Girls School nila mama, naiinggit ako sa mga kaklase ko. Lahat sila magaganda at karamihan ay hubog ang katawan sa isang dalaga. Samantalang ako sa isang otap yata ikinurba.

Iwinaksi ko itong lahat sa aking pagiisip. These insecurities won't stop me from excelling in life. I have the best smile to give everyone. Hindi ako madaling sumuko sa lahat ng bagay. Lumaki akong matulungin sa kapwa at hindi ako palapintas tulad ng iba.

Sa bawat elementary level kailangan mayroon kang extracurricular activities na daluhan bukod sa PE subject. Ito yung tinatawag na school club. Mayroong music club, glee club, girls scouts club, cub scouts at kung anu-ano pa. Hindi naman ako magaling sa music o acting kaya hindi ako nababagay doon. Naging interesado ako sa club na kung tawagin ay "Cub scouts".

Nabasa ko ang objective ng samahang ito at na-engganyo ako na sumali. Ang cub scout ay tinagurian ding Tiger, Wolf, Bear at Bobcat scout. Bawat isa may otoridad at rango na tinatawag. Pataas ng pataas habang tumatagal ka.

Ang isang cub scout ay nakakakuha ng kasiyahan mula sa pagpapanalo ng mga challenges, pagkakaroon ng kaibigan, masaya sa sarili nyang kakayahan at nakakaramdam ng importansya sa kapwa.

Cub Scouts learn new things, discover and master new skills, gain self-confidence, and develop strong friendships.

Naaalala ko pa nung tanungin ako ng scout leader namin kung bakit gusto kong sumali sa organisasyon nila. Sinagot ko ito ng tuwid na hindi hadlang ang pagiging patpatin para makatulong sa kapwa at sa kalikasan. Ang mahalaga ay marunong kang makisama, responsable sa tungkulin at marunong umako ng pagkakamali : matuto mula dito upang mahulma ng mahusay ang pagkatao.

Matagal itong tumitig sa akin. Parang may napansin akong nangilid na luha mula sa mga mata nito ngunit pumikit pikit ito at naisip kong baka nagkamali ako. Ngumiti ito sa akin at sinabing may naalala daw siyang isang mabuti at matapang na kaibigan sa isinagot ko.

Niyaya ko ang kaibigan kong si Donna na sumali na rin dito. Nagtagumpay ako na kumbinsihin ito. Ang meeting ng bawat club ay nagaganap tuwing friday pagkatapos ng mga klase. Dalawang oras ang haba nito.

Nung nakaraang buwan ay nagkaroon kami ng outdoor activity kung saan nagpunta kami sa isang squatter area na malapit sa All Girls School at nagbigay ng mga pagkain at nakipagkwentuhan sa kanila.

Masaya ako sa tuwing nakakatulong ako sa kapwa. I feel good about myself. Ngayon na may panibagong meeting ay pinagbibigyan kami ng sulat ng aming scout leader. May kalakip iyong return slip. Ipabasa daw sa magulang at ibalik ng may pirma. Isa iyong sulat na humihingi ng pahintulot kung papayagan ang anak na magovernight camping sa All Girls School.

Isang gabi lang naman. Mula Friday ng Hapon hanggang tanghali ng sabado. May maa-assign sa pagluluto at pagse set up ng tent, may round table meeting at mga outdoor activities tulad ng tug of war.Naeexcite na ako ngayon pa lang. Sigurado akong magiging masaya ito!!!

Walang kahirap-hirap ang pagkumbinsi ko kina mama na pirmahan ang return slip na iyon. Araw pa lang ng lunes ay dala-dala ko na ang papel na nagbibigay permiso sa akin na dumalo sa nasabing school event. Idagdag pa na nakumpirma ko kay Donna na pinayagan na din siyang pumunta.

Dumating ang araw na aking pinakahihintay. Biyernes iyon. Malapad ang ngiti ko sa labi na pumasok sa gate ng All Girls School. Haaay... Napakaganda ng sikat ni Haring araw. Nakikisama ito para sa event ng Cub scout mamayang hapon.

Bandang alas tres ng hapon ay narinig ko na ang makahulugang tunog ng bell na iyon. Araw-araw ko naman iyong naririnig na tumunog ngunit lumapad ang ngiti ko ngayong naririnig ko na ito. Hudyat iyon na tapos na ang klase at mayamaya pa ay  pupunta na kaming lahat na cub scout sa school gym para magsimula sa pagtitipon.

Tiningnan ko si Donna at nakita kong inaayos na nito ang mga gamit nya. May dala kasi kaming water jug, flash light, kumot, sabon, cub scout uniform at mga gamit na kailangan sa isang camping.

Sabay na kaming tumungo sa gym at kumpleto na halos lahat dahil mag-aalas kwatro na ng hapon. Mula Baitang 1 hanggang 6. Pitumpu(70) lahat ng miyembro ng Cub scout bagamat halos limampu(50) lamang ang nagbigay ng kumpirmasyon na makakasama. Noong nakaraang meeting ay nakaplano na ang assigned packs sa pagluluto, pamamahagi ng maiinom, pagdidilig ng mga halaman sa school, pag-aayos ng mga upuan para iset-up mula gym papuntang quadrangle para sa round table meeting, pagseset-up ng mga tent sa gym, pagbabalot ng mga food donations mula sa gym at pag-imbak nito sa looby ng guidance councilor room.

Isa ako sa siyam na naatasan na magbalot ng mga goods upang ipunin sa isang box at dalhin sa imbakan ng guidance councilor lobby. Sinimulan na namin ito dahil may karamihan. Ang ibang packs ay nagseset-up na ng mga tent, yung iba ay sinimulan na ang pagsasaing at pagluluto sa loob ng gym. Ang aming mga scout leaders ay pabalik balik sa loob at labas ng gym upang mag obserba at suriin ang mga ginagawa ng assigned packs.

Sinabihan kami na pagdating ng ala-sais y medya ay magpupunta na lahat sa quadrangle upang masimulan ang round table meeting. May dalawa at kalahating oras kami na tapusin ang pagbabalot ng mga donations at pagkatapos ng round table meeting ay magdidinner ang lahat, matutulog at bukas ng umaga ay gaganapin ang physical activities tulad ng tug of war.

Masaya naming sinimulan ang takda. Hindi namin napansin ang oras ngunit napansin naming madilim na at binuksan na ang ilang ilaw sa gym. Hanggang sa sinabihan na kami na tumungo sa quadrangle dahil magsisimula na ang meeting. Halos walong malalaking balikbayan boxes ang napuno namin. Napagkaisahan naming pagkatapos ng meeting bago magdinner ito dalhin lahat sa guidance councilor's lobby.

Tumagal ang pagpupulong ng Isa't kalahating oras. Nagbahagi ang aming scout leaders ng kanilang mga karanasan sa club na ito, ng kanilang mga inspirasyon at nagiyakan pa ang iba ng magkuwento si Miss Alegre nung unang taon pa lang nya bilang scout leader sa All Girls School, tungkol ito sa isang hindi makakalimutang Cub scout na nagbuwis ng buhay para sa sariling kapatid.

Ito ay si Anna. Isa itong batang may polyo na sumali sa Cub scout dito sa All Girls School. Payat at hindi pantay ang mga binti at braso ni Anna kaya kapansin pansin ang kaibahan ng pisikal na itsura nito sa iba. Ngunit masayahin daw ito at aktibo sa lahat ng Cub scout activities. Hindi naging hadlang ang kapansanan nito sa pagtulong sa iba hanggang sa mangyari ang isang bagay na kumuha sa makabuluhang buhay nito. Tumatawid sa kalsada ang nakababatang kapatid nito nang makita ni Anna na may sasakyang mabilis na paparating, agad itong tumakbo upang hatakin pabalik ang kapatid ngunit nahagip ito ng sasakyan at napuruhan ang ulo. It was Hit and Run. Case Closed.

It made most of us cry. The way Miss Alegre told the story, parang kahapon lang nangyari. Sariwa pa ito sa kanyang ala-ala. Kaya sa iba daw na mababa ang tingin sa sarili ay gawin daw naming inspirasyon si Anna. Isang matapang na anghel na lumalaban sa buhay. May punto naman ito kaya sumang-ayon kami lahat.

Pagkatapos ng pagpupulong ay masaya naming binubuhat ni Donna at ng isa pa naming kasamahan na si Len ang huling dalawang balikbayan boxes papasok sa guidance councilor's room. Alas otso(8:00PM) na iyon ng gabi. Pagkasara ko sa pinto ng lobby ay kasunod ko ng naglakad sina Donna.

"Hay, Salamat at natapos na rin natin yung task" sabi ko.

"Oo nga. Sumakit din braso ko dun..." sagot ni Donna.

"Ako din kaya" komento ni Len

"Medyo hirap din ako"

Masaya kaming tumungong tatlo pabalik sa gym upang makakain na ng gabihan. Sigurado akong pagkagising ay masaya din ang gagawin naming tug of war.

Writer's favorite quote: There was a man who cried because he had no shoes til he met the man with no feet.

May napansin ba kayong nakakatakot sa kwento? :))

Kung meron, pakicomment na lang para mapansin nung iba

:))

All Girls SchoolWhere stories live. Discover now